Jennie's POV
Natapos ang game dahil sa pag walk out ni Rose.
Ano bang nangyayari at nagkaganun si Rose? Dahil ba yun sa hindi siya komportable kay Hoseok?
"Jennie, sabay na tayong tumaas."
Eh bakit siya pumayag sa dare kung hindi siya komportable sa ganun? Pwede naman sa pisngi pero wag lang sa lips.
Hays... Minsan hindi ko maintindihan si Rose. O-oo siya sa bagay na hindi siya sigurado o ayaw niya gawin.
"Huy! Jennie? Okay ka lang?" Napatingin ako kay Taehyung nang kalabitin niya ko.
Ay di ko napansin na kinakausap niya pala ako. Masyado akong nag aalala kay Rose. Kanina pa pala to nagkekwento.
Hanubayan.
"A-ano yun?"
Nandito kami ngayon sa may gilid ng pool at nagpapahangin. Nakalubog ang paa ko habang nakatingin ng malalim sa tubig.
"Sabi ko, tara taas na tayo. Gabi na kaya malamig na yung tubig."
Huh? Malamig naman talaga tong pool nila. Kaya nga ayokong magtagal dito dahil pakiramdam ko nasa Antartica ako. Anytime pwede na akong maging yelo. Tsk Taehyung talaga.
"Sige." Tumango ako at tinulungan naman niya kong tumayo.
Laking gulat ko ng lagyan niya ko ng towel sa katawan.
San niya nakuha yun?
Ang galing, parang magic. Haha bigla bigla nalang nasulpot yung tuwalya. Scripted yata yon.
"Baka lamigin ka." Simple niyang sagot habang hawak hawak ang kamay ko. "Tara na?"
Awkward man pero hinayaan ko nalang siya. Wala naman akong magagawa kapag nireject ko. Kukunin at kukunin niya parin kamay ko.
BINABASA MO ANG
Love or Hate | btsxblackpink•
FanfictionFew words to describe Min Yoongi. Crazy, stalker, obsessed and.......I REALLY HATE HIM! >>>> Puno ng kagaguhan. Started: April 2017 Finished: June 2018