Yoongi-34

333 23 7
                                    

Jennie's POV





'Is that Kim Taehyung....with Jennie?'



'Oo nga noh?'



'Diba last time kasama niya si Jhope sa mall?'


'Yeah, and she was with Yoongi din'







Sari-saring bulungan ang maririnig pagkapasok ko sa gate ng school. Napatingin ako sa isang grupo ng babae na halata namang pinagbubulungan nila ako.





'Grabe. Ang landi nya.'


'Una si Suga, sunod si Jhope. Ngayon si Taehyung? Come on'


'Guess who's next? Si Jimin o Jungkook kaya?'




Ganun ba tingin nila sakin? Ni hindi nga nila ako kilala.




Sumugod ako sa mga nagbubulungan at tinulak yung isang babae sinabihan ako ng malandi. "What did you just say?"




"Jennie, wag mo na sila patulan." Pinigilan ako ni Taehyung at pilit na nilalayo sakanila. "Fucking shut your mouth-------"




Hinila ko si Taehyung at tinulak uli yung babae. "Anong sinabi mo?" 




"Sabi ko malandi ka. Bakit? Totoo naman diba?" Matapang na sagot nya.




Kung wala lang kami sa school, kanina ko pa sinapak mukha niyan.




"Pano ako naging malandi?" I asked them.




Ang lakas ng loob nila mag judge ng taong hindi naman nila kilala ng lubusan.




"Wag mo kaming gawin tanga Kim Jennie. Alam naman natin na malandi ka na simula't sapul. Una si Suga? Sunod si Jhope? Ngayon naman si Taehyung? Ganyan ka ba kalandi-----"




Sinampal ko siya agad. Hindi ako yung tipong nakikipag away. But this? Kasing kapal ng dictionary mga mukha nila para pag usapan ako talikuran. "Sorry ha? Sorry kung ang landi ko to the point na hindi ako katulad niyo. Sorry kung niyayaya nila ko magdate at hindi kayo. Sorry kung may gusto sila sakin. At sorry kapag hindi ako nakapagtimpi, sasapakin ko yang mukha mo."




Makapag sabi ng malandi, siya nga tong ang kapal ng make up. Punong puno ang mukha ng foundation at puputok na yung labi sa pula ng lipstick.





"Hanep ka ah? Di ako pumapatol ng kapwa. Pero dahil sa mukha mo, nagmumukha kang hindi kapwa. Gusto mo sampalin uli kita para pantay yang blush mo?" Akmang sasampalin ko siya ng yumuko siya at hinarang ang kamay sa ulo. 




"Kayo? Alam nyo ba kung bakit ang landi ko?" Tumingin ako sakanila. "Kasi nagkakalat kayo ng maling impormasyon." Tinignan ko sila isa isa at umalis.





I hate those peolpe who judge so easily. 





Parang alam nila yung mga nangyayari sakin at basta basta nalang nila ako huhusgahan. Kung isampal ko kaya isa-isa sakanila yung tanso tanso nilang make-up.





I can't believe nagpapapasok yung mga guard sa school ng peke. Peke na nga personality, peke pa mukha.







"Hey hey hey, ang bilis mo maglakad. Dahan dahan lang." Di ko napansin, kasama ko pala si Taehyung at sinusundan niya ako.







"Hindi dito yung classroom mo diba? Dun ka sa kabila." 






"Why? Ihahatid lang kita tas aalis na ko."




Love or Hate | btsxblackpink•Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon