Yoongi-30

305 21 2
                                    

Jennie's POV




"Amusement Park?" 




Nagulat ako sa kung saan niya ko dinala. To think na naka blindfold pa ko, gusto niya talaga akong isurprise.





"Yep. Surprise!" Nakataas ang kamay niya habang nakaturo sa entrance ng Amusement Park. Excited na excited pa siya.





Okay? Inisip ko lang kanina na gusto ko pumuna dito, here I am. Nandito na ko.




"B-bakit tayo nandito?" Tanong ko.




"Diba sabi mo gusto mo mag rides? I decided na bakit hindi nalang sa Amusement park kita dalhin? I made your wish come true! Astig ko diba?" Nakangiti niyang sagot.




Magsasalita pa sana ako kaso hinila niya ko papasok. Bigla ko tuloy naalala si Yoongi, yung mga alalang binuo namin sa beach.




"Uy? Okay ka lang?" Nagulat ako ng hawakan ni Taehyung ang ulunan ko. Ay hala? Nakatulala ba ko?




"W-what why?"




"Nakatulala ka kasi. Nakatingin ka dun sa Ferris wheel. Gusto mo ba dun?" 




Oh shock. Di ko namalayan nakatulala pala ako sa pesteng ferris wheel na yun. I still can't forget those memories we left.




Ugh bakit ko ba yun iniisip?




"Okay ka lang ba talaga? Gusto mo uwi na tayo para makapag pahinga ka?" Nag aalanganin niyang tanong. All of a sudden, nakita ko ang disappoinment  sa mata niya. "Tara? Hatid na kita." Nginitian niya ko. Kahit kita ko naman mismo sa mata niya ang kalungkutan.




Gusto ko na talagang umuwi at magpahinga, kaso ang sama ko naman. Nag effort siya para dalhin ako dito tas magba-back out lang ako? Edi parang sinaktan ko na din siya nun.




Ngumiti ako at sinubukang ifocus ang sarili ko. "Ano ka ba! Gustong gusto ko kaya dito!" Umikot ikot ako at tumalon talon.




"Did you know? Favorite place ko 'to sa lahat?" I smiled.




"Alam ko." Sabi niya. "Pero Jennie, pagod ka na e. Next time nalang natin tuloy 'to. Lika iuuwi na kita." Hahawakan sana ako pero lumayo ako.




"Ayoko." Nag pout ako. "Nandito na nga tayo tas papauwiin mo pa? Aba madaya ka!" Tumingin ako sa paligid at nanlaki ang mata ko ng makita yung Roller coaster. "Uy uy! Gusto ko dunnn!" Hinila ko si Taehyung.




I heard him sigh pero tumawa din. Ayan medyo nag lighten up na yung mood. Almost.





"Hey.." Hinigit niya ko dahilan para mapatigil ako sa paglalakad. "Wag mo muna isipin ngayon si Suga hyung." Kinulong niya yung magkabilang pisngi ko sa kamay niya. "Just think of me and you. Just us." 





Just us? Tayo? Bakit? Ano bang meron tayo?







Tumango ako at ngumiti. "Okay." Kahit hindi ako sigurado. Ayoko naman mag tampo siya, syempre iba pa rin si Yoongi. Minu-minuto ko siyang iniisip..






"Tara? Bili na tayo ticket." Hinila niya ko sa pilahan, after namin bumili ng ticket. Agad kaming tumungo sa  rides na gusto namin. 







Syempre, same taste kami. "ROLLER COASTER!" At ayun na nga, tumakbo kami. Para kaming mga batang excited na excited.







Love or Hate | btsxblackpink•Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon