Yoongi-26

351 23 6
                                    

Jennie's POV




Di ko alam kung anong nangyayari sakin, hindi ko alam kung san ako dadalhin ng mga paa ko.





Pero sana... Sana makapunta ko sa lugar na kung saan tahimik, kung saan ako lang ang mag-isa, kung saan walang Yoongi. Walang negative thoughts.






Bakit ganun? Bakit ang sama ko sakanya? Bakit ko pinagtabuyan yung taong mahal na mahal ko?





Nakakainis naman e. NAKAKAINIS!





I'm doing this because I love kuya.




Kung hindi dahil sa sinabi ni kuya, sana hindi ko pinagsabihan at pinagtabuyan ng ganun si Yoongi. Sana masaya kami ngayon.





"Layuan mo si Yoongi. Kapag nalaman ni mom and dad na nagmamahalan kayo, masisira ang kompanya. Alam mo naman siguro? Humahatak lang tayo ng lakas sa Min's Company."






Kilala nila mom and dad si Yoongi. Sakatunayan nga, partner nila mommy ang magulang ni Yoongi para maging malakas ang kompanya namin. Isa sa pinakamalakas at kilala sa buong Pilipinas ang Min's Company, kahit sa ibang bansa.





Miracle nga nung nakipag partner si mom sa magulang ni Yoongi. Kasi kami nagsisimula palang, tapos sila matagal ng successful.





Pero ang kasunduan nila mom, bawal kami lumapit ni Kuya Jackson sa mga anak ng Min.






Ngayon ko nga lang nalaman yun, kung hindi pa sabihin ni Kuya Jackson, hindi ko pa malalaman.





Si Yoongi kaya? Alam nya? Kung alam nya, bakit pa sya lumalapit sakin? Siguro naman aware sya na baka kapag nakita kami ng mom niya, masisira ang company namin. Pero kung hindi... Wala kong magagawa. Hindi nya alam eh.





Tears are falling. Di ko alam kung pano patitigilin, pakiramdam ko ang sama sama ko para hindi sabihin ang dahilan kung bakit hindi niya ako pwede mahalin.





Bakit ba ang tanga ko?





"Stupid... Stupid stupid stupid!"






Kailangan ko ng karamay. Kailangan ko ng kausap, kayakap, kaibigan.





Sobrang negative ng iniisip ko. Stress na stress, kinakabahan at di ko alam ang gagawin.





Ang tanga tanga ko.





Sobrang tanga ko.





Napaupo ako at napayuko. "Ang tanga kooooo. Tanga mo Jennie. Stupid! Stupid stupid!" Pag hahampas ko sa ulo ko habang umiiyak.



"Don't say that."




Nagulat ako nang may pumigil sa kamay ko, napadilat ako at nakita ang pares ng tsinelas sa harapan ko.




Sa tsinelas palang, alam kong siya na yun. Siya lang naman ang may favorite anime character.





"Wag mo saktan sarili mo, nasasaktan din ako."





Napaangat ako sa sinabi nya.







Napansin kong biglang umamo ang mukha niya at umupo sa harapan ko.





"Bakit ka umiiyak Jennie ko? Haist. Ayaw na ayaw kong nasasaktan ka, mas nasasaktan din ako." Hinawak-hawakan niya ang pisngi ko na para bang isang tutang nagmamakaawang sumama sakanya.





Love or Hate | btsxblackpink•Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon