Jennie's POV
"ANO BA NAMAN YAN KUYAAA!!" Sigaw ko habang nagwawala sa loob ng kotse.
On the way kami ngayon sa company ni Mrs. Min
"Pwede ba babygirl? Wag ka sumigaw!" Sigaw niya pabalik habang napapahawak sa tenga.
Ayan nanaman tayo sa babygirl niya.
"Kuyaaa! Wag ka na sumamaaa! I can go by myself!" Sigaw ko pa.
Eh pano ba naman kasi, akala ko mag-isa akong pupunta. Ayun pala di ako informed na may bodyguard ako.
"Kapag pinagpatuloy mo yang ugali mo. Hindi kita papayagan pumunta dun mag-isa. Para kang bata Jennie." Sabi niya habang diretsong nakatingin sa daan.
Wala kong nagawa kundi sumimangot na lang. Hindi ko na siya mapipigilan kung willing talaga siya gawin ang isang bagay.
"We're here."
Napatingin ako sa labas at nakumpirmang nandito na nga kami.
Kung gano kalaki yung building, ganun din kalaki ang kaba ko. Hindi pa ko nakakapasok pero ramdam ko na ang panlalamig ng palad ko.
"Tutunganga ka nalang ba diyan?"
Nagulat ako sa biglang pagsulpot ni kuya sa window. Halos mapatalon na ko dahil ang panget niya.
Pinagbuksan niya ko ng pinto at agad naman akong lumabas.
"Let's do this!"
Nasa harap ako ng office at pinag-iisipan ko kung papasok ba ko o magbaback-out nalang.
Magbaback-out?! Sira ulo ka ba? Pagtapos mong ipamukha sa Jisoo na yun na ipaglalaban mo si Yoongi, bigla ka nalang magba-back out?!
Napahinga ko ng malalim bago kumatok.
This is it.
"Come in."
Sa boses palang niya, ramdam ko na ang kaba sa dibdib ko. Nanginginig ako at tila pinagpapawisan kahit sobrang lamig dito.
Pumasok ako sa loob. Naka-upo siya sa swivel chair habang maingat na pinagmamasdan ang papel na hawak niya.
"G-goodmorning po." Nagbow ako kahit nauutal na ko.
Napatingin siya sakin as soon as marinig ang boses ko. Yung expresion niya, kuhang kuha ng kay Yoongi. Cold and blank.
Mag-ina nga sila.
"Oh.. Ms. Kim. What brings you here?" Inilapag niya ang glasses niya at tumingin ng seryoso sakin.
Natatakot ako sakanya pero hindi dahilan yun para magback-out.
"I'm here para pag-usapan ang bagay na hindi ko maintindihan."
Kamukhang kamukha niya si Yoongi. Hindi nakakapagtaka na pati ugali nakuha niya sa ina niya. "Like what?"
"It's about your son."
Biglang nagbago expresyon niya ng marinig ang huli kong sinabi pero agad din niya ako binigyan ng malamig na tingin. "So?"
Eto kapag hindi mo sinagot ng matino, mag-iiskandalo ako. "Bakit ayaw niyo sakin para sa anak niyo?"
BINABASA MO ANG
Love or Hate | btsxblackpink•
FanfictionFew words to describe Min Yoongi. Crazy, stalker, obsessed and.......I REALLY HATE HIM! >>>> Puno ng kagaguhan. Started: April 2017 Finished: June 2018