Chapter 13
( Blade's POV)
Bakit kailangang ang anak pa ni Delsar ang naging kaibigan ni Lhorrice. Hindi ko kaya ng ganito. Hindi ko kayang makitang galit sa akin si Lhorrice. Siya nalang ang meron ako,kapag nawala pa siya baka tuluyan na akong mabaliw.
kkkrrriiinngg...krrriiinnnggg.
"Hello." sagot
"Boss,sorry po. Pero,nakalabas na sila ng bansa. Papunta na po sila ngayon ng greece." fuck!
"Ganun na ba kahirap ang pinapagawa ko sa inyo,huh!? Isa lang naman ang utos ko ang pigilan silang makalabas ng bansa. MGA BOBO!" itinapon ko ang cellphone ko sa sobrang inis. Dumadagdag lang sila sa problema ko.
Dahil sa kapalpakan nila kailangan ko ngayong sundan sila Greece..
"Hindi kayo makakatakas sakin. Hahabulin ko kayo hanggang impyerno." Masyado ng nagiging mahaba ang buhay mo Koslow.
But shit! Paano na lang si Lhorrice hindi ko siya kayang iwan lalo na ngayong galit siya sakin. Hindi ko alam kung anu ang gagawin ko para mapatawad niya ako.
I feel like hell.
Hindi ko alam na sa tinagal tagal ng pag iisa ko ay may isang taong magbabago ng buhay ko. She gave me life and hope. I know that I dont deserve her,but I will do everything and anything,just to be worthy of her. Ayoko siyang pakawalan,NEVER!!!I need to leave as soon as possible,bago pa sila makatakas ulit.
Biglang kumirot ang dibdib ko sa katotohanang kailangan ko siyang iwan.
I fix myself,kailangan ko siyang makausap. I will beg for her forgiveness kung kailangan. At kung wala na akong choice ay sasabihin ko na sa kanya ang totoo.
Even if it brings back my old nightmare.!!!
________________________________________
(Lhorrice's POV )
Hindi ko lubos maisip na mangyayari ang lahat ng ito. Just yesterday everything was so perfect,but,In just a blink of an eye everythings shattered.
Mahal ko si Blade,pero kaibigan ko Vanna.
Blade was my life but Vanna is my family.
Hindi ko alam kung bakit kailangang humantong sa ganito ang lahat.Ang dalawang taong mahalaga sa buhay ko ay kailangang magpatayan.
Ang hirap! Hindi ko kayang pumili. Sila na nga lang ang meron ako tapos magpapatayan pa.
I just realize na ito siguro ang dahilan ng mga sinabi sa akin ni Vanna bago siya nawala.
+FLASHBACK+
"Lhory, alam mong mahalaga ka sakin di ba?" nagulat naman ako sa lungkot ng tono ng pagsasalita niya.
" Bakit? Tomboy kana ba? Aamin ka na, na may pagnanasa ka sakin.? Van, wag!!!!! Hindi tayo talo....." bigla naman akung napatawa ng binato niya ako ng notebook.
"Sira! Hindi.... Kasi diba... mahigit isang taon din tayong naging magkaibigan. Gusto ko lang malaman mo na kahit anung mangyari,kahit saan man ako mapunta ikaw pa rin ang bestfriend ko." napangiti naman ako.
"Bakit? Saan ka pupunta?" nagtataka ako sa mga inaasta ni Vanna. Ngayon ko lang siyang nakitang seryoso.
"Wala,nagsasabi lang. Pa hug nga." para naman kaming tangang nagyakapan.
"Kaya ikaw ang bestfriend ko,eh." masaya kong tugon sa kanya.
+END OF FLASHBACK+
Kaya ba Vanna,parang nagpapaalam ka ng araw na yun. Kasi alam mong may mangyayari.!?
I feel someone hug me from my back.
Alam ko kung sino to. Alam na alam ko.
"Blade? Pwede bang wag na lang si Vanna. please.... para sakin." nag unahan na sa pagtulo ang mga luha ko ng mas higpitan niya pa ang pagyakap sa akin."Kung pwede lang sana Lhorrice. Kaya lang ,,she's the who end my brother's life." bigla akong nanigas sa sinabi niya. Kumalas ako sa kanya at tiningnan siya sa mata. Hindi ako makakita ng ebidinsyang nagsisinungaling siya. Ang tanging nakikita ko lang sakit at lungkot.
"What do you mean Blade.... please tell me.?" napabuntong hininga naman si Blade.
"I will tell you everything now. Sana pagkatapos nito mapatawad mo ako sa mga ginawa at gagawin ko pa lang." he kiss my hands.
"I love you Lhorrice,that why Im doing this. I cant lose you!!" he smile bitterly. Bakas ang pait at sakit sa mga mata niya.
And it hurts me that his hurt!!!!