CHAPTER 7

5.9K 182 12
                                    


   (Lhorrice's POV) 

Its been 1 week since Marcus died. 1 week na rin siyang hindi nagpapakita. At nagpapasalamat ako dun,dahil kahit panu ay naging matahimik ulit ang buhay ko. Pero sa loob ng isang linggong yun ay sampung tao na ang namamatay. Naawa ako sa mga taong yun,dahil labis labis na paghihirap ang dinanas nila bago sa sila mamatay. Pero anu nga ba ang aasahan mo sa isang kriminal. Nandoon pa rin ang takot ko na baka balikan niya ulit ako para tapusin ang nasimulan niya. Pero kung anu man ang mangyari sakin ay tanggap ko na. Pero ang mahirap lang ay may bahagi sa puso kong nasasaktan.

Hindi ko alam kong bakit pero sa bawat araw na hindi ko siya nakikita ay parang may kulang. Parang may mali, parang hindi kumpleto ang pagkatao ko. 

At natatakot akong aminin na siya ang kulang na yun.!!! 

kkkkkrrrrrrrriiiiiiiinnnnnnnggggg!!!!!! 

" Class dismiss!" natapos lang ang klase pero wala akong naintindihan 

"Lhory ok lang! Nitong nakaraang araw lagi ka nalang tulala." alalang tanong ni Vanna. 

"Ayos lang ako Van. Hindi lang ako makamov on sa mga nangyayari." pilit akong ngumiti. 

"ok,pero sabihin mo lang sakin kung may problema ka. Kaibigan mo ako Lhory,hindi mo kailangan soluhin ang lahat." napangiti ako ky Vanna siya lang ang naging pamilya ko dito. 

'sorry Van,ayokong madamay kapa.' 

"Oh,Lhory una na ako. bye." paalam niya.

"bye." tiningnan ko relo ko sa kamay 4:36 pm ,maaga pa naman kaya naglakad ako papunta sa park. Walang masyadong tao dito ngayon dahil na rin sa takot ky Blade. 

Pero ako? 

Anu pa ba ang dapat kung katakutan bukod sa kamatayan. Umupo ako sa isa sa mga swing. Ang tahimik, tanging ihip ng hangin at huni lang ng mga ibon ang naririnig ko. Bigla kung naalala ang sinabi dati ni Blade.

 'wala kang alam kaya wag kang maghusga' 

Anu nga ba ang dahilan kung bakit ka naging ganyan Blade Lander? 

Anu nga ba ang rason that turns you into a monster?

 Masyado akong nadistract dahil pagtingin ko relo ko ay 5:45 na. Naglakad na lang ako papuntang convinient store. Tamad na akong magluto kaya di lata na lang muna ang uulamin ko. Inayos ko ang dala ko matapos kung magbayad sa casher saka lumabas. Pero nagulat ako ng may isang batang pulubi na may dalang supot ang sumalubong sa akin. 

"Ate may nagpapabigay po."sabay abut ng supot pero hindi ko tinanggap. nagtaka naman ako. Sino naman ang magpapabigay nito. 

"Ah! bata baka nagkamali ka lang." 

"Kayo po ba si ms. Lhorrice?" panu? sino naman ang magbibigay nito. 

"Oo,ako nga. Sino ba ang nagpabigay nito bata." taka kung tanung saka inabot yung supot. 

"Yung mama po. Nandoon oh!" sabay turo niya sa madilim na bahagi ng eskinita. May nakita akong bulto ng isang lalaki,pero agad itong tumalikod at naglaho sa dilim. 

"Blade!?" 

Pagdating ko sa bahay ay agad kung binuksan ito. Napalukot naman ang mukha ko ng makitang pagkain ang laman nun,at mamahalin pa. Kinuha ko ang maliit na papel na nakadikit sa ibabaw ng pagkain at binasa..... 

"Eat well,babe. And Im sorry. I love you." from: B+L 

'Blade Lander' 

Parang biglang may nabuhay sa loob ko. Wag niyang sabihing stalker na rin siya. Hindi ko mapigilang mapangiti. 

Bakit ganito ang epekto mo sakin Blade!? 

Bakit sa kabila ng lahat hindi ko magawang tuluyang magalit sayo. Kinain ko ang pagkaing binigay niya. Sayang din. Mahal pa naman. Maaga akong natulog dahil may pasok pa bukas,pero bago pa man ako tuluyang lamunin ng antok ay naramdaman kung my humalik sa noo ko. 

"Goodnight My Lhorrice! Sweetdreams. I love you...''  

In Relationship With A KillerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon