Until the End

331 5 2
  • Dedicated to Morita Rhea
                                    

Heaven... it's endless and beautiful isn't it? I'm trying to reach you with my hands but you're unbelievably that far. Why i am so interested to get closer to you?...

Then i caught myself daydreaming  again... and again. Staring up above the sky above me. Oh well, it' s one of my happiness. 

Once upon a time, may isang dalagitang nakatambay sa may rooftop ng kanilang campus. Nakahiga at tinititigan ang asul na kalangitan with her hazel brown eyes. 

Audrey sighs ng makita niyang may lumitaw na bahag-hari sa kalangitan, "Napakaganda mo talaga...", mesmerizing the beautiful colors painted in the sky. Pero binasag ng ingay ng school bell ang kanyang pag-mesmerize. 

"Sa wakas! Halos 2 hours na akong naghihintay dito hindi din naman pala papasok si Sir!", Audrey sighs.

 Mabilis siyang bumangon at hinanap ang kanyang sling bag nang mapansin ng kanyang mga mata ang isang blue feather. Pinulot niya ito and wondering kung may cosplayer lang na nakalaglag ng suot niyang pakpak o may manok na nakapasok sa loob ng campus. Habang tinititigan niya ang hawak na feather bahagya itong kuminang, her eyes widened at paglingon niya sa kanyang gilid nakita niya ang isang nilalang. 

Nagulat si Audrey at mabilis napaatras, "Kanina ka pa ba diyan?! Para ka namang multo kung susulpot!", she took a sigh again, feeling relief na tao ang kaharap niya at hindi multo. 

The man wears a black trenchcoat, nakabukas ito at kitang-kita ang pang-ilalim na suot nitong color dark blue na amerikana, may scarlet neck-tie na hindi nakatali sa ayos. Sa style ng suot niya, masasabi mong isa siyang kaawa-awang workaholic na nasibak sa trabaho at napadpad sa ibang dimensiyon. 

He has a dark hair, lumitaw ang kulay asul nitong mga mapupungay na mga mata, a sexy jawline, perfect eyebrows and noseline, thick long lashes, kissable pinkish lips, balingkinitan na pangangatawan, nasa mga 6 feet and up na height and wearing a sensible shoes. Masasabi mong isa siyang babae na nasa katawan ng isang lalake. Pretty boy for short na pinagtripan ng tadhana. But still he wears that serious face, na aasahan mong seryoso siya sa lahat-lahat ng bagay.

Raziel furrow his brow in confusion nang marinig niya ang pag- sigh ni Audrey, "Palagi mo ba yang ginagawa?". He has a deep, powerful commanding voice.

"Ang magulat?", sagot ni Audrey habang pinupulot ang kanyang sling bag na nasa floor.

"Ang pagbuntong-hininga.", seryosong sagot naman ni Raziel kay Audrey and he didn't take his eyes off to her.

Dahil dito natigilan si Audrey, nagtataka at na weirduhan sa kausap niya, "Uhmm, magkakilala ba tayo?", sabay dali-daling umalis.

Tinanaw lamang ni Raziel si Audrey habang mabilis nitong tinungo ang fire exit and forcely binangga, tinadyakan at binuksan ang pintuan, at dali-daling bumaba sa hagdanan.

Raziel sighs, "Humans..."

[Audrey Revelc]

It was already 6:35pm, rush hour at traffic sa kalye. Pero nakauwi pa rin naman na buhay si Audrey with a huggard face matapos naaberya ang jeep na sinasakyan.

Naglakad mag-isa and keeps on sighing, "Ang boring talaga ng buhay ko, kung hindi minamalas, mas mamalasin", sabay sipa sa lata at biglang naalala si Raziel.

 "Sino naman kaya yun?", sipa sa lata, passing Raziel na nakatayo.

It was never been new, as always nakakapagod ang student life while Audrey is doing her best to take a nap habang nasa tabi niya ang mga gabundok na assignments ng pinaka-hate niyang subject ang college Algebra. While Raziel just keep on watching her habang tulog siya at tulo-laway pa na ginawang unan ang kanyang mga libro.

Until the EndWhere stories live. Discover now