Lost

34 2 0
  • Dedicated to Christine Marie Bacareza Jugalbot
                                    

"We're all traveling through time together everyday of our lives, all we can do, is do our best to relish this remarkable ride."

Isang panibagong araw ito para kay Audrey...habang hinahabol ang school bus.

"Teka! Sandali lang andito pa ako! Hinto!", sabay hampas ni Audrey sa gilid ng kanilang school bus para lang ito huminto. Naghabol na ang kanyang hininga sa kakatakbo at puno na ng pawis ang kanyang mukha at katawan.

Unang nakapansin sa kanya ang nasa may bintana ng bus,  ngunit imbis na maawa ito, pinagtawanan  at kinakawayan lamang siya ng mga ito. Buti na lang at napansin si Audrey ni Manong Driver mula sa kanyang side mirror at agad pinahinto ang bus.

Audrey was panting, stepping inside the school bus, "Awesome na exercise yun, Manong."

Dumiretso siya sa rear seat at sabay binatukan ang mga classmate niya na pinagtawanan siya.

Immune na si Audrey sa mga ganitong uri ng pangyayari. Ang nakakapanibago lang, hindi na niya kasama si Andre sa pagtakbo at paghabol ng school bus.

[Trying to not to need you]

Dali-daling bumaba si Audrey sa school bus at diretsong tumakbo papunta sa 5th floor ng school building gamit ang stairway to heaven. Late na naman kasi siya, as usual. Nagkamali pa siya ng pagpasok ng room. Pero sanay na siya sa mga awkward moments na gawa niya. But during breaktime, nag-iisa na lang siyang kumakain ngayon. Wala ng Andre na gagawa ng mga assignments niya, wala ng makulit sa paligid niya.

Ang lahat tungkol kay Andre ay nabura. Lahat ng kanyang mga records ay tila ba kailanman walang Andre na nag-exist. All of his existence, nawalang parang bula. 

Hindi na nagtaka pa si Audrey tungkol dito, dahil alam niya ang totoong nangyari.

Pagkatapos ng apat na subject, pumunta sa kanyang tambayan place si Audrey, ang banal na rooftop. Pero imbis na hihiga sa ground, huminto siya. There's a sudden emptiness na nararamdaman niya.

Audrey's eyes wanders around the place, "Nakakailang ang ganito..."

Nag-flashback sa isipan niya ang mga binitawang salita ni Leo sa kanya kahapon.

Leo: Ngayon itatanong ko sa iyo, ano bang kayang gawin mo para sa kanya?

"Ano nga ba?....", she clench her fist.

Hinanap niya nag kanyang cellphone na nasa loob ng kanyang sling bag. At napag-desisyunan ni Audrey ang Operation: Finding Razzy.

Audrey taps her cellphone, calling Satirses on the other line, "May picture ka ba ni Razzy diyan?"

Satirses choked on the other line, "Whoah, teka lang...may pinaplano ka naamoy ko mula dito."

"Meron ba?", tanong ulit ni Audrey.

Satirses took a sigh, "Di ko siya boyfriend." and hang-up the phone.

Audrey took a deep breath, gripping her phone, "Okay. 5..4..3..2..1.."

Pagkatapos nag-ring ang cellphone ni Audrey at diretso niya itong sinagot.

"Sabi ng multo kong kapatid, Peter Ruho ang pangalan ng vessel.", sagot ni Satirses.

At diretsong binabaan ni Audrey si Satirses sa kabilang linya.

Satirses frowned after he heard the beeping tone sa kabilang line,"Salamat ah."

Until the EndWhere stories live. Discover now