May 66 seals na nakakalat sa bawat sulok ng mundo at tatlo sa mga ito ang dapat wasakin para tuluyang makalaya si Lucifer.
Nawasak ang unang seal ng mamatay ang ama ni Audrey at nagdurusa sa empiyerno. Mawawasak lamang ang unang seal if a righteous man bleeds in hell. At agad sumunod na break ang 2nd seal nang nilamon ng apoy ang 30 girls na mga bata.
At ang pangatlong seal ay si Lilith, isang fallen, isang demon. Ang huling seal na hindi pa nawawasak.
Balita ngayon ang nadaramang 9.5 magnitude na lindol, sa silangang bahagi ng mundo, sunod-sunod na patayan ang nagaganap, mga dilobyong hindi pangkaraniwan, ang patuloy na giyera, mga buhay na dahan-dahan nilamon ng paparating na judgement day.
[Leo]
Napadpad si Raziel sa isang gubat, isa sa kanyang mga kapatid ang nag-summon sa kanya. Sinundan niya ang resonating sound na patungo sa isang malaking puno ng acacia. Sumalubong sa kanyang mga mata ang isa sa kanyang mga kapatid.
"Bakit mo ako tinawag dito, Leo?"
"Gusto ko lang malaman...", humarap si Leo kay Raziel.
"Ang alin?"
"Ang madilim mong tinatago.", Leo sarcastically smiles to his brother.
Hindi na nakasagot pa si Raziel, inasahan na niya na malalaman nila ang pagtalikod niya sa kanyang misyon.
"Hindi si Uriel ang dahilan kung bakit hanggang ngayon gusto mong makalikom ng milyong-milyong kaluluwa---"
"Wala na akong pwedeng pagpilian, Leo---"
"Plano mo bang palitan ang panginoon?"
Napatingin si Raziel sa binitawang salita ni Leo, "Nagkakamali ka---"
"Nabalitaan ko ngang wala na siya. Tuluyan na niya tayong iniwan.", Leo turn his back, inilagay ang kanyang kamay sa bulsa ng kanyang hooded jacket.
"Naalala ko tuloy nung mga panahon na nagdesisyon kang ibigay ang yung sinulat na libro, ang book of secrets, kina Adan at Eve matapos nilang kinain yung mansanas, sinuway si ama. Dahil dito nagalit ang ilang mga kapatid natin ng malaman nila ito. Kaya kinuha nila ang libro at itinapon sa karagatan. Pero kinuha yun ni ama at ibinigay ulit yun kina Adam at Eve."
"At ginawa mo na naman ngayon, pinili mo ang sumuway.", Leo smirks.
Leo turns around to face Raziel, "Naniniwala pa rin ako sayo, at umaasa akong magtatagumpay ka sa iyong misyon, chief...Alam mong mangyari ito kahit na nasa mga kamay na ni Metatron ang sinulat mong libro. Ang buong sekreto...". Naglaho si Leo na nag-iwan ng tiwala sa kanyang kapatid.
Sa pangalawang pagkakataon, pinili pa rin ni Raziel ang mga tao. He took the risk kahit alam niyang tuluyan na siyang itakwil ng langit sa kanyang pagsuway.
Pero ang gumawa ng hakbang para makalikom ng kaluluwa para sa kapangyarihan ay maaaring malayo na sa kanyang ipinaglalaban.
[Andre]
Kasalukuyang nasa loob ng simbahan ngayon si Andre na wala ng bahid na takot. Simula nung nagbago ang lahat at nagkaroon siya ng pag-asa na mailigtas, nawala ng kusa ang takot na pinapasan niya buong buhay. Nawala ang takot...pansamantala.
Nakakabinging katahimikan ang kasama ni Andre sa loob ng simbahan, tanging ang pagtibok ng kanyang puso ang naririnig niyang ingay. Nabaling ang kanyang atensiyon sa isang life size angel statue na nasa kaliwang bahagi ng sulok ng simbahan, the angel was wearing an armor suit with the spear on his hand na naka-aim sa tinatapakan nitong halimaw.
YOU ARE READING
Until the End
Ficção AdolescenteAn angel of the Lord named Raziel sent to earth to warn a girl named Audrey about the upcoming end of the world. Because Audrey is destined to prevent the apocalypse. Andre; Audrey's childhood friend, destroy the last seal and release the fallen an...