Ngayong malinaw na ang lahat na kumampi Si Razzy sa mga tao, tutol naman ang mga kapatid niya ukol dito. Ganun pa man patuloy pa rin ang mga demons sa kanilang plano para makalapit kay Andre. They possesed some humans na nasa loob ng campus.
Habang isa ring nilalang ang nagmamasid kina Andre, Audrey at lalong- lalo na kay Raziel. Nakatayo siya sa pinakatuktok ng school building, sakto lang na makita niya ang buong view ng campus. His hands were on his pockets, scanning every human, nakikinig sa bawat iniisip ng mga tao.
It's a new day sa mag- best buds, lalo na ngayon na may isang katotohanan silang nalalaman sa isa't-isa at isang anghel ang bumubuntot at dumidikit sa kanila ngayon.
"Raz...", sabay huminto si Audrey sa paglalakad.
"Bakit?", tanong ni Raziel na nakadikit sa likuran nina Andre at Audrey.
"Masyado ka nang malapit alam mo ba yun?", paalala ni Audrey.
"Anong gusto mong gawin ko?", still nakadikit pa rin si Raziel.
"Personal space. ", tugon naman ni Audrey.
Napaisip si Raziel, kaya sinamantala yun ni Audrey at dali-daling umalis.
Sumunod din agad si Andre kay Audrey waving his hand to Raziel,"See ya around!"
Na gets naman ni Raziel ang sinasabi ni Audrey, ang hayaan siya nitong makagalaw na hindi siya nakadikit.
"Sige, maghihintay na lang ako.. dito.", nakatayo sa gitna ng campus grounds si Raziel.
Kasabay naman nito ang pag- alarm ng bell, at automatic nagsitakbuhan ang mga estudyante sa kani-kanilang classroom. Naiwan mag-isa si Raziel na pinaninindigan ang kanyang sinasabi.
Audrey was on her way, tinatakbo at nilalatas ang walang ending na steps ng hagdanan patungo sa 6th floor. Sira na naman kasi ang elevator dahil pinag-tripan ng mga estudyante kaya wala siyang ibang option.
"Late na naman!----"
When suddenly biglang may sumulpot sa kanyang harapan, nagulat at napahinto si Audrey. The guy was wearing a maroon hooded jacket, black jeans, a black sneakers. Nakatabon yung hood sa mga mata ng stranger kaya hindi masyadong nakita ni Audrey ang mukha nito.
"Sumama ka sa akin.", sabay lumapit ang stranger kay Audrey.
"Ano?", umaatras si Audrey, alarming herself na baka isang kalaban ang kaharap niya.
Pero hindi na magawang makagalaw pa ni Audrey at tumakbo, the stranger touch her forehead, at napapikit siya.
Naramdaman ni Raziel ang isang pamilyar na presensiya, agad siyang nag-zap or nag-teleport sa kinalalagyan ni Audrey. Pero huli na siya at hindi na niya naabutan ito.
Kaya nag-teleport si Raziel sa kinalagyan ni Andre, sa room A54, 6TH floor, na pansamantalang nahinto sa pag-discuss ang Instructor sa pagsulpot ni Raziel. Ang lahat ay napahinto at napanganga, including Andre.
"Razzy?!", sabay napatayo si Andre.
"Kailangan mong sumama sa akin ngayon na.", sabay lumapit si Raziel kay Andre na binale-wala ang reaksiyon ng buong klase.
Pumantig ang tenga ni Andre at hinila niya papalabas ng room si Raziel,"Bakit? may nangyari ba?"
The Instructor was cultured shock, nga-nga naman ang buong kaklase ni Andre habang umi-exit sila sa room.

YOU ARE READING
Until the End
Fiksi RemajaAn angel of the Lord named Raziel sent to earth to warn a girl named Audrey about the upcoming end of the world. Because Audrey is destined to prevent the apocalypse. Andre; Audrey's childhood friend, destroy the last seal and release the fallen an...