Chapter 1

13.1K 183 6
                                    

Chapter 1

Zaina POV

"sino ang ama ng batang yan?!!!" galit na sabi ni papa. "papatayin ko ang hayop na yan!"

"papa please.. Makinig po muna kayo sakin" umiiyak na sabi ko.

"ang kasintahan mo ba? Si ron ba?!!"

"h..hindi po pa.." nangangatog ako sa mga oras na ito at nag aalangang sabihin ang totoo "Si.. Si.."

Ako nga pala si Zaina Sanchez. 24 yrs old. High school lang ang natapos ko dahil sa hirap ng buhay agad ako namasukan sa Maynila bilang katulong. Wala na kong ina at magsasaka lang ang papa ko.
May kinakasama sya si Tita Flor na kahit kailan ay di ko nakasundo.
Isang taon na kong katulong sa pamilya Elizalde. Mababait ang mga kasama ko at lalong lalo na ang mag asawa. Ngunit kabaligtaran ng kanilang anak.

 Ngunit kabaligtaran ng kanilang anak

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Si Sir Xander. Napakagwapo nito. Maganda ang pangangatawan at nag aral. Sa katunayan ay may paghanga ako dito nung unang kita ko.
Yun nga lang Napakasama ng ugali nito, kung kaya't lahat kaming katulong ay iwas dito. Napakasama ng pakikitungo nya sa amin. Matanda lang siguro ito sakin ng dalawang taon.

Kahit kailan ay di ko lubos na may mangyayari samin.
Kahit minsan ay napapansin kong iba ang mga titig nya sakin.

Kahit minsan ay napapansin kong iba ang mga titig nya sakin

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Pano nya nagawang pumatol sakin. Isa lang akong katulong. O baka gusto nya lang ng parausan ng mga oras na iyon.
At tama kayo. Sya ang ama ng anak ko. Buntis ako ngayon.
Si ron ay ang kasintahan ko dito sa probinsya. Napakabuting tao nito at alam kong sya ay labis na nasaktan ng malamang buntis ako.
Gusto kong magpaliwanag ngunit para saan pa. Ayaw nya ko kausapin o makita man lang.

Napakasakit lang na ganito ang nangyari sakin. Ang tingin nya ay isa akong maduming babae.
Nasira ang mga pangarap sakin ni Ron. Ang pangarap namin sa isa't isa.

----

"ipagpakasal mo ang anak mo sa elizalde na yun. Di bat mayaman yun? Baka yun na ang mag ahon satin sa kahirapan." narinig kong sabi ni tita flor. Kahit kelan, pera ang iniisip nya.
Mas humihingi pa sya ng pera sakin kaysa kay papa.

"papa please wag na po. Ako na lang po ang bubuhay sa bata. Kaya ko naman po" sabi ko.

"hindi maaari.. Hindi porket mahirap tayo ay gaganituhin nila tayo. Kailangan kong makita ang lalaki na yun!!"

----

Kinabukasan

Agad din kaming pumunta sa mansyon.
Halos lahat ay nagulat sa balita.
Nakausap ni papa ang mag asawang Elizalde.
Laking gulat ko na maayos na nakipag usap ang mga ito at natuwa pa ng malamang buntis ako.

Handa nila ako ipakasal sa anak nila.
Maganda naman daw ako, masipag at mabait. Alam nilang maalagaan ko ang kanilang anak.

Wala ako magawa kundi makinig lang sa usapan ng matatanda.
Nagpaplano na agad sila.

Sa totoo lang ayoko. Hindi ko kaya makisama sa anak nila. Naiiyak ako dahil matatali ako sa taong alam kong demonyo.

Kung ang mag asawa lang ay magiging byenan ko napaka ok sakin nun. Ngunit ang maisip na pakakasalan ko ang anak nila.

Nakakatakot.

Pangarap din daw ng mag asawa na magkaapo na dahil nga may edad na din sila.

Di na naabutan pa nila papa si Xander. Umuwi na din sila dahil malayo ang aming probinsya sa Maynila.
Hiniling ng mag asawa na maiwan ako at pumayag naman ang itay.
Maayos silang nagkausap. Akala ko pa naman ay may mangyayaring gulo.

Maya maya ay kumain na kami.
Kasabay kong kumakain ang mag asawa sa dining area.

"You know what hija.. Napakagaang ng loob ko sayo hindi ko alam kung bakit.. And Im so excited na magkakaapo na kami"
Mahinhing sabi ni Mam Leticia. Masaya naman ako at tanggap nila ako.

"yes I want a baby boy para 3 generations kami" sabi ni Sir Damian.

" hahaha kahit ano basta healthy. So if you need anything hija.. Wag ka mahihiyang magsabi" si Mam Leticia, napakabuti nila.

"salamat po.." nakangiting sabi ko.

"so nandito ka pa pala!" nagulat ako ng dumating na si Sir Xander.

Ayan na..
Dumating na sya.
Nakakunot ang noo nya at napakasama ng tingin sakin.
Kinabahan ako bigla.

"s..sir.. Ahmm.. Kasi.... Ano.." nauutal kong sabi.

"Xander hijo.. Lets eat. We need to talk about you and Zaina." si Mam Leticia

"what?! Na balak nyo ipakasal sa babaeng to? Mom!? You know I have a girlfriend. Stop this please!"

"no hijo.. Ikaw ang nagpasok ng gulong to so you should fixed this. Makipagbreak ka sa girlfriend mo at magpapakasal ka kay Zaina. Gusto na naming magkaapo ng mommy mo." -sir Damian

"and besides gusto namin ng babaeng matino at maalagaan ka anak at yang girlfriend mo katagal tagal nyo nang nay relasyon eh di ko makasundo. Napakabastos. Di gaya ni Zaina na kilala ko na. So please.. Ano na lang sasabihin ng mga amiga ko pag nalamang may anak ka at hindi kasal.. Masisira ang pangalan natin"

"ma.. Masisira ang buhay ko pag pinakasal nyo ko sa kanya. At saka Nilandi nya lang ako. Hindi ko ginusto ang gabing yun!!"

Nagulat ako sa sinabi nya.
Tinignan ako ng mag asawa.
Nilandi ko sya?

"hindi yan totoo sir. Ikaw yu-----" ako

"Shut up!! Hey you slut! Di kita gusto pwede ba! Di ba may bf ka! Malay ko ba kung akin yng batang yan. Malandi ka. Bat ka nagpatira sakin kung may boyfriend ka. Ha?" galit na galit nyang sabi habang dinuduro ako.

"hindi po yan totoo sir" nakita ng mama nya na umiiyak na ko.

Umaalingawngaw ang boses nya sa buong bahay pati mga katulong alam ko pinag uusapan nila ako.

"enough Xander.. Stop it! Di ko alam kung kanino ka nagmana at lumaki kang bastos. You should respect her. She's the mother of your child" si Sir Damian.

"Krisha is the only one I want to be the mother of my children. Wala ng iba!!
But then sige. Kung gusto nyo ng kasal. Ibibigay ko but dont expect that we will be a happy family." duro nya sakin sabay alis.

"im so sorry hija about my son.." si Maam Leticia

"mam.. Ok lang naman po kahit di matuloy ang kasal. Uuwi na lang po ako samin" sabi ko.

"no.. Wag mo ilalayo ang apo ko please.. Siguro he needs adjustment pa but Im pretty sure na magiging ok din ang lahat."

Wala ako nagawa kundi sumunod sa kanila.

Di ko sinabi ito kay itay dahil alam kong magwawala yun at malaking gulo.

---------------

I Marry the Bad Guy (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon