Chapter 5

9.4K 157 0
                                    

Chapter 5:

Zaina POV

Naisipan ko magtahi ng damit ni baby dahil may natira pang tela.

Atleast di na kami bibili ng damit.
Dito lang ako gumagawa.
Lampin, Bigkis at damit nya.

Ang cuteee :)

Gumalabog ang pinto.




Xander

Pakaladkad akong sinabunutan pababa ng hagdan ng asawa ko.

"aray ko. tama na po! nasasaktan ako!" ang sakit ng sabunot na yun.

"napakatanga mo. Simpleng bagay lang di mo pa magawa ng maayos! Bobo inutil!!" galit na sabi nya!

Nakita na pala nya yung mga nilabhan ko. Tinago ko yun sa may guest room.
Nagbabakasakali akong magagawan ko pa ng paraan pero nakita nya na.

Pinagbabato nya sakin yung mga damit nya.

"pano ngayon ang gagawin mo dyan? Ha? Tanga!"

"papalitan ko na lang po sir..😭"umiiyak kong sabi.

"papalitan? Bakit? May pera ka? May pambayad ka? Kaya mo bilhin yan?? Eh mas mahirap ka pa sa daga eh.!" si sir

"w..wala po pero gagawan ko po paraan." sabi ko

Naglakad sya papalayo pero nasagi nya yung vase dun.

"Tang ina naman!! Bwisit"

Nagulat ako dahil binasag nya na din yung ibang mga vase sa harap ko.
bwisit ka!! Bwisit na buhay to! Bwisit lahat sa bahay na to!!"

Binabasag nya yung mga gamit!
Galit na galit sya sakin!

----------

Xander POV..

Di ko alam binasag ko na lahat ng mahawakan ko dahil puta naiinis na ko sa buhay ko!
Hindi dahil sa damit. Dahil napipikon lang ako! Naiinis ako!!
Ayoko ng umuwi sa bahay na to!

"sorry na.. Tama na please" narinig kong sabi nya!

Para syang batang umiiyak at takot na takot.

"s..sir tama na po please. Wag na po kayo magalit. Gagawan ko po ng paraan.. Please po tama na po. Im sorry po hindi na po mauulit please po please. :'(" lumuhod sya bilang pagmamakaawa. Umiiyak na sya sa pagsosorry.

Inakmaan ko sya ng suntok at napaatras sya.
Lalo syang umiyak!

Napansin ko na dumudugo yung tuhod at paa nya dahil siguro sa bubog.
Pero wala syang paki nakaluhod pa rin sya at nagmamakaawa sakin.

Bahagya akong nahimasmasan.
Hindi ko alam bat biglang nakaramdam ako ng awa nang tingnan sya. Nawala din agad ang galit ko ng mga oras na yun.

Buntis nga pala sya.











"tumayo ka na dyan at maglinis!" sabi ko.
Siguro'y napansin nya ang pagdurugo ng paa nya. At hirap na hirap na tumayo.

Ayokong nang makita sya.
Agad din akong umalis at iniwan sya.

-----

Zaina POV

Pagkatapos ng nangyari..
Gusto ko na umalis dito.

Nakakatakot sya :'(

Sana ay ok na sya mamaya..
Kasi baka di ko na kayanin ang makasama pa sya.

Natatakot lang ako malaman ito nila papa dahil tiyak akong papatayin sya nun pag nalamang minamaltrato ako.

Araw ng check up ko. Kaya kahit maga mata ko, dumiretso na ko sa hospital. Ayoko magprivate dahil wala naman ako pera at saka kaya ko naman.

Mahaba ang pila dito.

Makikita mong ang mga kasabay ko ay kasama ang mga asawa nila at inaalagaan sila. Binibili sila ng pagkain at ang tatay na katabi ko ay masayang masayang kinakausap ang tyan ng asawa nya.

Samantalang ako mag isa lang..

---------------








"may low lying placenta ka.." sabi ng doctor.

"ano po yun doc?"

"hmm.. Medyo maselan lang ang pagbubuntis mo. Ang inunan mo kasi ay nasa ibaba. Dapat ito ay nasa itaas dahil madali kang duduguin pag ganito. Bawal na bawal kang duguin hija.."

"ahh makukunan po ba ko?"

"hindi naman. Once na duguin ka lang ay mamatay ang baby sa tyan mo. Kailangan mo lang ng ingat dahil di pa masyadong kapit ang bata sayo"

"ano pong dapat ko gawin doc.."

"actually magiging ok din yan siguro mga 7mos ichecheckup naman ulit natin. May mga bawal ka lang gawin gaya ng mapagod, magbuhat at pakikipagtalik.
Iwasan mo muna ang mga bagay na yan.

tandaan mo hija. Bawal na bawal ka duguin. Bumalik ka dito once na duguin ka para maultrasound ulit natin. By the way its a boy congratulation." sabi ng doctor

After ng checkup umuwi agad ako.
Nakakatuwa, lalaki ang anak ko siguradong matutuwa ang mga magulang ni Xander nito.

---

Nagluluto ako ng marinig na bumukas na ang pinto.

Sumilip ako at nandyan na nga sya.

Juskooo tulungan nyo ko
Pano ko sya haharapin.

Nilakasan ko na lang ang loob ko.

Lumapit ako sa kanya.
Kinuha ko ang bag nya at nilapag yun sa sofa.
Pagkaupo nya ay tinanggal ko na din ang sapatos nya
Hindi na sya galit. Salamat naman.

"ok na ba ang paa mo?" tanong nya.

"ha? Ahh.. Oo ok na po.. Malayo naman sa bituka hehe" ngumiti ako pero nakakunot pa din ang noo nya.

Peace on earth.

"may pagkain ba? Kumain ka na ba?" tanong ulit nya.

Nagulat ako.
Tinatanong nya kung kumain na ko?
First time to.

"luto na po sir.. Ipaghain ko na kayo"

Pumunta na ko ng kusina para maghain sa kanya.

Umakyat na ata sya para magbihis.

Kumuha na din ako ng pagkain at aakyat na ko sa taas. Dun kasi ako kumakain nang makasalubong ko sya. Ayaw nya nga kasi ako nakikita.

"san ka pupunta? Sabayan mo na ko"

Halaaa??

Syempre dahil amo ko sya susunod ako
Sabay kami kumain.
Sobrang awwkkwwaarrd.

Pero masaya ako dahil di sya galit.
Haysss ang sarap sa feeling.
Nakakahinga na ko ng maluwag.
Sana araw araw na syang ganito.
Di ko maiwasang ngumiti.

Hindi kami nagkikibuan pero di ko maiwasang di mapangiti samantalang sya ay seryosong kumakain. 😊😊

-------------

I Marry the Bad Guy (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon