Chapter 12

9.7K 165 6
                                    

Chapter 12

Xander POV

Nagising ako sa sinag ng araw na tumama sa mga mata ko.

Nakita ko sa tabi ng table ko ang isang note

Sir.. Pagkagising mo inumin mo agad lahat ng gamot na nasa mesa. Nilagyan ko na po yung ng oras para alam nyo ano iinumin nyo. :)

Ahh. Si Zaina ang nag asikaso sakin kagabi?

*flashback*

"sir ok lang po ba kayo? Nangangatog po kayo sir?" di ko na nakikita pero boses na lang naririnig ko. Si Zaina. Inalalayan nya ko. Pabalik sa kwarto ko.

Di ko din maisip pano nya ko natulungang alalayan eh ang bigat bigat ko.

Sa totoo lang. Pansin ko wala syang kaarte arte .
Yung iba kasing nagbubuntis na mga asawa ng tropa ko.
Sobrang pinahihirapan sila ng mga asawa nila.
Pero itong babaeng to. Walang arte.

"sir dito na lang po kayo ako na pong bahala"

Pagkatapos nun pinunasan nya ko
Pinainom ng gamot
Kinumutan
Pinalitan nya ang damit ko ng mas makapal para di malamigan.

"sir bibili lang po ako gamot sa labas. Wala ka na kasing gamot.."
Di ako makapagsalita nun dahil di ko kaya pero tiningnan ko ang orasan alas 3 na.
Nagawa nya pang bumili ng gamot para sakin kahit gabing gabi na.

Hindi malalim ang tulog ko pero naalala ko ang sinabi nya.
Akala nya siguro tulog na ko

Hindi ako si maam krisha. Pero ako ang asawa mo. Mag iingat ka lagi..

At hinalikan nya ko sa labi.

Hindi ko alam bakit feeling ko gumaang na yung pakiramdam ko pagtapos nun.
Pakiramdam ko gumaling na ko.

Ang asawa ko..
Sa huli sya pa din ang nandyan para sakin..
Kahit kailan ay di ako iniwan..
Samantalang napakasama ko
Dahil hanggang ngayon katulong pa din ang tingin ko sa kanya

*end of flashback*

------

"zaina! Zaina!" sigaw ko pero walang Zainang dumating sa kwarto ko.

Aba! Dati rati isang tawag lang andyan na sya ah

Umakyat ako sa attic.







Pero..


Wala sya dun..
At lahat ng gamit nya ay wala na dun..
Bumaba ako pero wala din sya at lahat ng parte ng bahay may notes na mga dapat gawin

Schedule ng lulutuin
Paglilinis ng bahay
Araw ng paglalaba
Kung san nakalagay yung mga utensils, panglinis..

Nakita ko yung note sa ref na ewan ko ba bat parang natuwa pa ako

Umalis na po ako sir.. Pero wala po ako ninakaw ha.. Sa huling pagkakataon at dahil di mo naman ako makikita na gusto ko sabihing mahal kita.. Asawa ko. Wala ako paki kahit magalit ka. Hindi naman na ko babalik dyan eh haha :)

Naalala ko. Sinabi nya nga pala na aalis na sya..

Pero bakit ganito?
Bakit di pa din ako masaya?

Dali dali ako nagbihis at umalis..

Susunduin ko ang mag ina ko..

Alam ko naman kung san sya tutuloy..

----

At di nga ako nagkakamali..

Andito sya ngayon sa bahay nila sa probinsya..

I Marry the Bad Guy (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon