Chapter 8

7.4K 107 3
                                    

Zaina POV

*phone ringing*

*phone ringing*

Dave calling



Shocks.

Ako: Hello

Dave: Nasan ka? -Dave

Ako: huh? Ahh ehh namasyal lang saglit naboring ako sa bahay eh?

Dave: sinong kasama mo?

Ako: a..ako lang mag isa..

Dave: bakit parang kinakabahan ka?

Ako: hindi ahh.. Lamig lang kasi sa mall.

Dave: Umuwi ka na. Kakauwi ko lang ngayon..

Ako: Huh? Parang bilis ata tyaka kala ko ako susunod sayo dun?

Dave: basta umuwi ka! Wag na madaming satsat o baka may iba kang kasama?

Ako: wala. Sige sige uuwi na ko..

Bakit ganun? Parang mainit ulo nya? Agad akong lumapit kay Xander.

"Xander uwi na ko.." pagpapaalam ko.

"ha? Nagalit ka ba sa sinabi ko? Hatid na kita" sabi nya.

"hindi na wag na. Andun si Dave. Baka ano pang isipin nun mauna na ko" nagmadali ako lumabas.

----------

Dave POV

Binuksan ko yung tequila dahil gusto ko malasing kahit konti.

Alam kong nagkikita si Xander at si Zai nitong mga nakaraan. Sabi ko na nga ba. Hindi ko dapat hinayaan si Zaina makalapit muli sa kanya.

Pinapabantayan ko sila at may nagpapadala sakin ng litrato na magkasama sila.

Simula noon pa malaki na ang atraso sakin ng Xander na yun. Kaya gusto ko gamitin si Zaina laban sa kanya.

Pero di nagtagal mas pinili ko mahalin sya kaysa gamitin sya. Mahal na mahal ko ang babaeng yun.
Kaya ngayong akin na sya. Di ako papayag na bumalik pa sya sa Xander na yun!

Bumukas ang pinto. Dumating din agad si Zaina after ko tumawag.

"andito ka na pala..😊" tuwang tuwa syang nakita ako.

Tumakbo sya papalapit sakin para halikan ako pero umiwas ako. Tss.

"m..may problema ba?" tanong nya.
Pero di ako sumagot.
"akala ko magtatagal ka sa canada? Balak ko sumunod after one month e.." tanong nya pero di ko yun pinansin.

Bigla kong nilapag sa kanya ang mga litrato kasama si Xander.

"ano to??" tanong ko.

Gulat na gulat naman sya at di alam ang isasagot.

Madami kasing picture dun na nakayakap at nakakiss sa kanya ang lalaki na yun.

Tinignan nya lang ako.

"sumagot ka! Bakit ka nakikipagkita sa lalaking yan!"
Napapataas talaga boses ko kaya feeling ko nagulat din sya.

"mali.. Hindi yan gaya ng iniisip mo.. Kaya lang ako nakikipagkita sa kanya dahil gusto ko makipaghiwalay"

"bakit kailangan ka nya halikan? Bakit ka pumapayag? Di ba ako na ngayon ang mahal mo! Hindi pwedeng may kaagaw ako zaina!"

"sorry sorry ok naiintindihan ko.
Sige hindi na ko makikipagkita sa kanya.."

"dapat lang! Ako na lang ang mag aasikaso nyang annulment nyo. Hindi pwedeng hindi nya pirmahan yun!" sabi ko.

Niyakap nya ko.
"sorry, hinding hindi ko na uulitin.. Wag ka na magalit sakin"

"dapat lang Zaina! Dahil hindi mo alam ang kaya kong gawin!" kinuha ko ang mga gamit ko dahil mayroon pa kong kailangang puntahan.

"a..aalis ka na naman? Bakit ba lagi kang umaalis?" tanong nya.

"basta!?"

Niyakap nya ko at di tinigilan ng sorry..

Hinalik halikan nya ang pisngi ko hanggang sa nawawala na galit ko. Napakasweet nya talaga. Sino ba naman di lalambot pag ginanito nya. Syaung tipong di ka titigilan hangga't di mo sya napapatawad.

Pagbalik ko sasabihin ko sa kanya kung ano talaga ako.

--------

Zaina POV

"dapat lang Zaina! Dahil hindi mo alam ang kaya kong gawin"

Kaya nyang gawin??

Naalala ko yung sabi ni Xander. Kung totoong member si Dave sa isang sindikato.

Pero napakaimposible e. Sobrang bait ni Dave. Alam ko hindi sya ganun. Hindi ko maimagine na masamang tao sya. Ayaw lang ni Xander ako makasal sa kanya.

Pero nabigla talaga ako nang bigla nya ong sinigawan.

First time ko syang nakitang nagalit. Hindi ko sya nakikitang ganyan. Pero naiintindihan ko naman sya. Ikaw ba naman gf mo nakikipagkita sa iba e.. Magseselos ka talaga.

Pero naisip ko nga eh. Bakit ba ko pumapayag?
Haysssss..

"pupunta akong laguna ngayon. Pagbalik ko dito sa maynila. Sumama ka sakin pabalik sa canada.." sabi nya.

Nahihiya ako kay Dave. Hindi ko sya tinigilan ng sorry hanggang sa mapatawad nya ko.

Hinalikan nya ko sa noo bago umalis.
Yun ang gusto ko sa kanya. Napakagentleman nya.
Napatawad nya din ako agad. Nagpaalam na sya. Laguna? Anong meron dun?

Naglinis na ko ng katawan bago matulog.

Sa shower..

Mahal pa din kita Zai..

Mahal na mahal kita..

Naiinggit ako kay Dave

Bumalik ka na sakin plssss

Xander! Umalis ka nga sa utak ko.
Nakakainis ka na! Kailan mo ba ko patatahimikin.

Nilublob ko yung sarili ko sa bathtub para maalis sya sa isip ko!

--------

I Marry the Bad Guy (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon