Chapter 9

9.2K 140 0
                                    


Chapter 09

Zaina POV

Dala dala ko ngayon yung waterjag at ilang yelo
Sinama ako ni Sir, maglalaro daw sila ng basketball ng mga kaibigan nya

Kaya naman nya.
Bakit sinama nya pa ko?

"pare kamusta?" at umapir sya dun sa isang kaibigan nya. Nagdatingan na din yung iba nyang kaibigan. nagkakatuwaan sila pero ako ay nandito lang sa sulok at tinitingnan sila.

Sumenyas ako na uuwi na ko pero ayaw nya ko pauwiin.

"miss, ikaw ba ang asawa ni Xander?" tanong sakin ng isang lalaki na kaibigan din ata ni Sir Xander.

"po? Ahmm.. Hindi po. Alalay lang po ako hehe"

"wehh. Andun ako nung kasal nya eh kamukha mo yung girl. Sorry ha, di ka kasi masyadong pinapakilala samin ni Xander unlike Krisha na lagi nya kasama nun.. Ay putspa sorri di ko sadya"

"hehe ok lang po yun"

"tyaka teka bakit ka ba nya pinagbubuhat? At bakit ka andito sa sulok? Dun ka para makita mo ng maayos ang paglalaro ng asawa mo"

"hindi na.. Baka magalit sya sakin pag lumapit ako sa mga kaibigan nya"

"bakit naman sya magagalit?"

"back to ball game" sigaw nung team captain nila. Sumenyas naman sya na mauna na

Lumipat ako sa malapit sa kanila sa mas magandang pwesto.
Napakagwapo talaga niya
Ang galing pa magbasketball
Sya yung nagdadala sa team nya
Nagsub na yung isa nyang kateam kaya nagpapahinga na si Xander. Mamaya sya na ulit ang magsasub
Narinig ko naman sila nag usap ng kateam nya.

"pre, sya ba ang asawa mo?" tanong ng kaibigan nya

Agad namang tumingin si Xander sa pwesto ko

"ahh oo .." nahihiya nya pang sagot

"bat di mo paupuin dito?"

"no way pare, ayoko sya makita ng mga tao"

"hindi naman para lang makita ka nya maglaro at di naman sya kawawa tignan dun"

"alam mo pre sanay yan mag isa at saka andun si Dave kalaban natin.. Sya ngayon ang bf ni Krisha, ayokong makita nila si Zaina"

"umaasa ka pa din ba kay krisha. May asawa ka na pare"

" wala akong paki basta magkakabalikan pa ulit kami ni krisha"

"ikaw bahala pre"

Tama ako. Kinakahiya nya talaga ako. Sana ay di na lang nya ako sinama. Nagmumukha ako tanga.

Maya maya narinig kong tinawag nya ko agad akong lumapit.

"tignan mo! Wala na palang yelo! Hindi mo man lang tinitignan kung meron pa." bulyaw nya sakin

Wala na ngang yelo di ko napansin

Nakatingin naman lahat ng team nya habang sinisigawan ako

"bumili ka pa ng yelo bilisan mo!"

"pre ano ka ba.. Wag mo sya sigawan. Makakainom naman tayo kahit walang yelo"

"bobo kasi neto"

Nginitian ko ang mga kateam nya at Nagsorry.
Sows sanay na ko masigawan.

Dali dali ako naghanap ng yelo pero wala ako nakita

Natatakot ako bumalik. Natatakot ako na baka ipahiya nya ulit ako
Kaya nagpasya na lang ako umuwi. Bahala na si batman.

Pag uwi nya ng bahay.
Katakot takot na sermon natanggap ko pero syempre labas na.lang sa kabilang tenga.

I Marry the Bad Guy (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon