Chapter 5

9K 127 7
                                    

Zaina POV

Agad kong hiningi ang number nung kyle sa secretary ko!

[[ako : hello Mr. Martinez?? Bakit iba ang umattend sa meeting natin! He ruined my day! Kinacancel ko na lahat sa firm nyo!! Maghahanap na lang ako ng iba! Thanks!]]

Binaba ko na agad yung phone!
Bwisit talaga!!

Gulat na gulat ako nung nakita ko sya!! Hindi pa ko handa!!
Di naman ako magaling umacting kaya buking din nya ko agad!
Yakapin ba ko? Ang kapal talaga ng hambog na yun!

Di ko alam na sya pala may ari ng firm na yun?? Pinalitan na kasi ni Xander name ng firm nila!
Haysss badtrip talaga ako!!


Agad ako dumiretso ng kwarto! At sinubsob yung mukha ko sa unan.

Akala ko ba wala na..




Ok na ko eh!







Hindi pa ko handang makita ka.















Umiiyak lang ako. Sabi na dapat di na lang ako umuwi ng Pilipinas. Pero di naman pwede secretary ko lang lahat ang gagawa dito.

Bakit ba kasi kita nakita!

Bumalik lahat ng sakit.

Nagulat ako dahil biglang pumasok si Dave sa room ko. Pinunasan ko ang mga luha sa pisngi at mata ko. Ayokong may makakitang umiiyak pa din ako.

"bakit ka umiiyak?" si Dave.

Napailing lang ako.. "wala to"

"naalala mo na naman ba ang baby mo?" tanong nya.

Bigla na naman ako naiyak. Ewan ko ba ang tagal tagal na nun pero sariwa pa. Pag yung anak ko napapag usapan naiiyak talaga ako.

"wag ka na umiyak.." pinahid nya yung luha sa pisngi ko.

"May papakita nga pala ako sayo  tara" sabi nya

Piniringan nya ko.

"pano ko makikita eh piniringan mo ko" pagbibiro ko.

"hahaha oo nga noh. Sumunod ka na lang sakin."

Di ko alam san nya ko dadalhin pero sumusunod lang ako. Inaalalayan nya ko.

Nang makarating sa sinasabi nya.
Tinanggal nya yung piring sa mata ko.




Wow








Ang gandaaaaaaaaa





Nasa rooftop kami ngayon. May table sa gitna for 2 couples. Napakaromantic ng set up. May nagviviolin sa tabi namin and they are playing sweet songs.

Nagulat ako dahil bigla akong kiniss ni Dave. Sa pisngi lang naman. Kahit smack lang yun. Nagulat pa din ako sa ginawa nya.

Pero napakasweet ng tao na to. At di sya marahas gaya ni Xander. Buong paggalang nya kong hinantay.

Pinaupo nya ko sa kabilang side ng table.

"siguro ito na yung tamang time.. Para sagutin mo ko.." sabi nya.

Nagulat talaga ako sa tanong nya. Sasagutin ko na ba sya?

Sa totoo lang halos, antagal nya na kong nililigawan. Sinabi ko naman na wala na talaga sa isip ko makipagrelasyon pero di sya tumigil. Di nya ko sinukuan. Wala namang masama kung sagutin ko sya.
Sobrang bait ng tao na to sakin.
Napakalaki ng naitulong nya sakin.

Siguro kung papipiliin talaga ng makakasama habangbuhay
Ang lalaking ito ang pipiliin ko dahil alam kong kahit kailan di ako sasaktan.

"plss zaina.. I will never hurt you.. I promise.. Ngumiti ako napakasweet talaga ni Dave at lagi nyang pinaparamdam na special ako. Hindi ko yun naranasan sa dati kong asawa.

"you're smiling! Ibig sabihin sinasagot mo na ba ako??"

Ngumiti ulit ako at tumango.
"oo sinasagot na kita" nakangiti kong sabi.

Halos mapatalon sya sa saya.
"yes!! Thank youuuu Zai.. I promise, magiging mabuti ako sayo. Hindi kita sasaktan.. Wala kang magiging bad memories sakin. I promise" the kiniss nya ko at hinug.

"promise promise magiging mabait ako sayo, mabuting asawa at pagsisilbihan ka habambuhay"

Naalala ko bigla yung sinabi ko dati kay Xander. Hindi sa kagaya nya ko dapat nagpakaalila nun.

Teka? Bakit ko baa sya naiisip?? Tss.

May sinuot sakin si Dave na kwintas.
Nakakatuwa! .First time may nagbigay sakin ng kwintas :)

Inaya ako ni Dave na sumayaw ng sweet song na pinapatugtog ng mga nakaviolin perfect by ed sheeran.

Hinawakan nya yung bewang ko at yumakap na din ako sa kanya.

"sobrang saya ko ngayon Zai.. Kung alam mo lang"

Ngumiti ako. "talaga? Edi ililibre mo ko ng icecream" Lagi kami kumakain nun ng icecream sa canada.

"oo ba! Gusto mo bilhin ko na yung icecream store dyan sa labas! Hehe" -Dave

Natawa ako. Alam ko seryoso sya at tototohanin nya yun isang oo ko lang
"hahaha adik ka.. Patatabain mo naman ako"

"eh ano? Mamahalin pa din kita kahit tumaba ka noh.." -Dave

Tumawa ako.  Pasaway to haha

"nga pala, may request sana ako.." -Dave.

Nakayakap sya sakin habang nagsasayaw. Kaya di ko na nakikita ang mukha nya. Naririnig ko na lang boses nya.

"pwede bang makipag annul ka na kay Xander kahit ako na gumastos lahat" oo nga pala kasal pa din ako.

Nginitian ko sya
"oo naman yun talaga balak ko"

"salamat.. Sana pagbalik ko ok na.. Kasi balak ko na din pakasalan ka.."

Ngayon ko lang naramdaman na may taong gustong magpakasal sakin.
Nakakatuwa pala :) Yung paoaramdam na mahalaga ka. Bakit ngayon ko lang nakilala si Dave.

Naalala ko aalis nga pala sya bukas. Babalik na sya ng canada.
Wala na kasing parents itong si Dave. Tanging sya na lang nagpapatakbo ng company nila. Hindi ko alam kung ano talaga ang negosyo nila ni Dave dahil simulat sapol di nya sinasabi sakin.

Hinalikan nya ko sa noo.
"ano ba yan! Di ko pa naeenjoy mga unang araw na tayo aalis na agad ako kainis"

"wag ka na kasi umalis" sabi ko.

"kung pwede lang e.."

Hinalikan ko sya sa labi para di nya na maramdaman ang lungkot. Niyakap nya naman ako.

Ramdam ko sobrang saya nya at ako din.

-------------

A/n : iniisip ko talaga sino makakatuluyan ni Zaina e

I Marry the Bad Guy (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon