Chapter 8

9.3K 161 2
                                    

Chapter 08:

Xander POV

Maaga pa lang dumalaw si mommy sa hospital at alalang alala

"hija kamusta? Anong nangyari sayo.. Ayos ka lang ba ? Ang bata? kamusta?" tanong ni mommy kay zaina

Ngumiti naman si zaina at sinabing ok na sya at ang bata

"hijo di mo ata inaalagaan ang asawa mo. Gusto mo bang sa amin muna kayo tumira?"

"No!" sagot ko

"maam wag na po kayo magalit kay sir ok lang po ako inaalagaan nya po ako ng maayos" nakangiting sabi nya. At nagawa na naman nya ko ipagtanggol ah.

"hija, bakit mo tinatawag na sir ang asawa mo?" lagot nalaman ni mommy "dont tell me di ka pa din tanggap ng asawa mo" tinignan ako ng masama ni mommy

"ay hindi po.. Sa katunayan po mabait sakin si Xander po sorry po.. Hindi ko pa din po kasi lubos maisip na parte na ako ng pamilya nyo." sagot nya.

Hindi ko talaga alam bakit pinagtatanggol pa din ako ng babaeng to.

"buti naman.. Osya. May dadaanan pa ko. Dalawin ulit kita sa bahay ha at magdadala pa ko ng maraming prutas"

------

Palabas na kami ng hospital ng makasalubong ko yung classmate ko nung college with his wife.

"uy pre .. Kamusta?"si john kakauwi lang galing estates." Nga pala Misis ko" ang ganda ng napangasawa nya naalala ko laging muse yun nung high school. Sila din pala nagkatuluyan.

Di ko alam. Pero nahihiya ako ipakilala si zaina.
Di pala alam ng mokong na to na kinasal ako sa babaeng to.
Anong sasabihin ko? Asawa ko sya?
Wala syang kaayos ayos unlike sa asawa ng tropa ko ?
Halos itago ko na sya sa likod ko dahil hindi ko sya kaya ipakilala..

"sino yang kasama mo pre?" tanong nya
Napatingin ako bigla kay Zaina sa likod ko

"ahmm, ahh si Zaina pare.. Ahmm.. Ano ahh.. Katulong namin" nakita kong nalungkot bigla ang mukha nya sa sinabi ko pero ngumiti ulit sya at binati ang mga kaibigan ko

"kamusta po, katulong po ako nila sir :)"

"bakit kayo magkasama? Sinamahan mo ba sya pre kasi ob dito e.. Sinamahan ko lang din mrs ko lam mo na magkakajr na ko hehe"

------

Zaina PoV

"ahmm, ahh si Zaina pare.. Ahmm.. Ano ahh.. Katulong namin" yun yung pakilala nya sakin sa mga kaibigan nya

Wala namang bago, bat naman ako magagalit totoo naman
Teka, di ba nila alam na kinasal na si Sir?
Good vibes ayoko maging masama dahil baka maging masama din ugali ng baby ko paglabas hehe

Tinawag na ng dr ang asawa nung john
Paglagpas namin sa kanila
Bigla inabot sakin ni sir mga hawak nya since ako nga ang katulong kaya di ako magkandaugaga sa paglalakad at madaling umalis si Sir Xander patungong kotse at iniwan ako.

----

Sa kotse..

Tinitignan ko ultrasound ko. Di ko kasi magets pano naging boy eh hehe

"pwede ba mag ayos ayos ka ng hitsura mo. Pag nakita ka ng mga kaibigan ko nakakahiya."

Eto na naman sya.
Nagiging masungit na naman sya

"sorry po.. Mag aayos na ko sa susunod para di nyo na ko ikahiya"
nagulat ako dahil bigla nyang hininto ang kotse.

"didiretsuhin na kita, ayaw kita ipakilala as asawa ko, hanggat di pa lumalabas ang bata
Gusto ko ipa-dna ang batang yan. Gusto ko lang makasiguro ok. At gusto ko malaman mo na mahal ko pa din si krishia kahit di kami ayos ngayon, akin man yang bata hihiwalayan pa din kita in the future at magsasama kami ni krisha naiintindihan mo.. Baka kasi di sakin ipamana mga ari arian pag sinuway ko sila dad. Sana maintindihan mo na di ko kaya mabuhay habambuhay kasama ka"

Napatigil ako sa sinabi nya.

"ahh.. Sige walang problema."

Sabi na eh. Handa naman ako. Na lalaki ang anak ko na walang ama. Pinapakisamahan nya lang ako dahil sa mana

-------------

I Marry the Bad Guy (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon