1. Halos Libreng Sightseeing

83 1 0
                                    

1. Halos Libreng Sightseeing

"Ate, tingnan mo oh, may dolphins doon," sabi sa akin ng estrangherang iyon habang nakaturo sa isang parte ng karagatan.

Alam ko na ako ang kinakausap niya dahil kaming dalawa lang naman ang nasa parteng ito ng barge. Medyo masama lang ang loob ko kasi tinawag niya akong "ate" eh di hamak na mas matanda ang hitsura niya sa akin. Well, siguro way na din yun ng paggalang ng mga pinoy.

May mga tao din naman sa may di kalayuan mula sa amin. Yung iba nagpipicture, yung iba nakatingin lang sa blue-green na tubig ng karagatan.

Tumingin ako sa direksyon kung saan nakaturo si ate. Tatlo siguro yun o dalawang dolphins ang nagpapatalun-talon. May nabasa akong aklat tungkol sa mga dolphins dati. Ang ginagawa nilang pagtalon habang lumalangoy ay tinatawag na porpoising. Ginagawa nila yun para mas maka-save sila ng energy dahil mas mababa ang friction sa ere, kaya madedecrease ang pagpush nila sa tubig. 

Na elibs ako, seriously. First time ko lang kasing makakita ng dolphins in person. Nakakatuwa silang pagmasdan. Mukhang masaya sila sa kanilang ginagawa. Masaya sila sa kanilang kalayaan. Nakakalungkot nga lang yung mga hayop gaya nila na ginagamit ng mga tao para pagkakitaan.

Ishe-share ko sana kay lola yung nakikita ko kaso paglingon ko sa kinauupuan niya kanina, ayon plakda.

Mabuti nang makapagpahinga si lola. Alos dose din kasi kami umalis ng bahay kanina kaya siguradong puyat siya.

--

Dito ko na naramdaman ang maalinsangang panahon sa daungan sa isla ng Leyte. Hindi na kasi masyadong ramdam ang ihip ng hangin kaya medyo naging mainit sa aking pakiramdam. Napakalinaw ng tubig ng dagat sa parteng ito ng pier. 

May mga "sisid boys" akong tinawag dahil gumagawa sila ng mga exhibitions sa tubig para aliwin ang mga pasahero ng barko na dadaong sa pantalan na iyon.Kapalit nito, magtatapon ng pera ang mga "audience" depende sa kung magkano ang nais nilang ibigay. Tapos mag-uunahan ang mga "sisid boys" sa perang inihagis.

Mukhang sanay na talaga sila sa gawain nilang iyon kasi ang bibilis nilang lumangoy. Biruin mo, salted water yun ha, tapos kahit lumubog na yung barya halimbawa eh nakukuha pa din nila.

May nakita pa akong bangka na isang pamilya ang sakay. Buntis pa yung nanay, tapos may kasama silang dalawa pang maliliit na bata. Yung tatay naman yung tagakuha o tagasisid ng pera. Sa tingin ko yung gawain na yun na ang bumubuhay sa kanila.

"Disere, matu--tulog mona ako ha?" bilin sa akin ni lola nang makasakay na kami ng Bachelor Lines.

Naaasar talaga ako kapag binabanggit ng mga bisaya ang pangalan ko. Ang pangit pakinggan. Imbes na Desirie Disere na tuloy. May bahid din ng pagkamahirap magsalita ng tagalog ang mga tagalog ni lola. Hindi kasi siya sanay eh.

Tumango na lang ako at ngumiti kay lola as a sign of approvement. Nang makapikit na siya ay pinagmasdan ko ang kanyang matanda nang mukha. Maputi pero maraming dark spots ang kanyang mukha. Manipis ang kanyang labi at maliliit ang kanyang mga mata. Nakanganga siya habang natutulog. Lahat naman ata ng matatanda ganoon eh. 

Nang mabato na ako kakatitig kay lola, pinili ko na lamang ang dumungaw sa bintana ng bus. Ordinary ang sinakyan namin ni lola at laking pasasalamat ko iyon.Madali kasi akong mahilo at magsuka kapag de-aircon ang sasakyan lalo na kung mahaba-habang biyahe ang lalakbayin.

Noon ko lang narealize na maganda pala talaga ang Southern Leyte, particularly sa beach. Grabe! Ang ganda at ang linaw ng tubig ng dagat mula sa view ko. Blue green na blue green ang karagatan, tapos napakaputi pa ng buhangin. Para ngang isla ng Palau eh. Parang hindi pa siya nadidiscover pero ang totoo, may iilan ng bahay na nakatira sa dalampasigan nito. Bawat bahay may mga bangkang de-motor. Syempre obvious naman kung anong kabuhayan nila dito.

Nung pataas na ang kalsada ay marami nang nagtataasang mga puno ng niyog, mangga, santol, narra, akasya at marami pang iba.

Ang mapreskong hangin na dumadampi sa aking mukha ay relaxing, dahilan para antukin at makatulog ako.

INIDORO: Takbuhan ng mga SawimpaladTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon