7. Assembly Kabuang Night
Gamit ang bisikleta ni Bansot ay pupunta akong "kalsada" para bumili ng alak. Kalsada kasi ang tawag naming taga-looban sa mga kabahayan sa tabi ng kalsada. Ito na kasi ang huling gabi ko dito dahil kinabukasan ay uuwi na kami ni Lola. Kaya nomo muna.
Masarap sa pakiramdam ang malamig na hangin na yumayakap sa akin, habang nakangiti naman ang nagkikislapang mga bituin sa kalangitan kasabay ng aking pagpadyak sa nakakaasar na bisikleta. Habang nasa daan ay naaninag ko si Kuya Niel na naglalakad papunta sa kalsada. Third degree cousin ko siya, ayon kay Auntie Caling. May pagkakakilanlan kasi siya, yung patusok-tusok na buhok niya at parang bakla niyang lakad. Pero hindi daw siya bakla sabi nila Jovie.
"Kuya! Adto sa amo. Adto sa amo ha?" sigaw ko habang inunahan na siya daan. Kahit hindi kami close, inimbitahan ko pa din siya. Bloodline eh.
Napansin kong ngumiti at tumango siya saka lumakad pabalik sa looban.
"Kinsa'ng mag-inom day, kamo?" tanong ni... tae, di ko ito kilala. Pero ang alam ko kamag-anak din namin ito eh. Halos isang barangay talaga ang angkan namin dito. Dito kasi sa tindahan nila ako bumili ng maiinom.
"Hindi po. Si Auntie Ebing ho."
Shoot! Dinamay ko pa si Auntie. Pero technically, siya nagbigay sa akin ng pang-inom kaya, kasama na din siya. Haha!
Pagdating ko sa bahay ay nandoon na sila Ate Jane, Kuya Niel at Wing. Si Wing pala ang pangatlong anak ni Auntie Caling na kauuwi lang galing Maynila. Walang-wala ang height ko sa tangkad niya. 4'11 lang kasi ako eh samantalang siya ay 5'8. Maganda at slim din siya. Medyo nabawasan lamang ang excitement ko nang makitang wala si Bansot. Tae. Ni-reject yung invitation ko. Sabagay, hindi kasi nag-iinom 'yon eh tsaka ayaw din niyang magalit sa kanya ang kanyang nanay. Mama's boy? Hindi ah! Mahal at iginagalang niya lamang 'yon.
Isa-isa ko nang inilabas ang mahahabang bangko at ang maliit na mesa sa tapat ng bahay. In-on din ni Auntie Ebing ang kanyang player para sa aming background songs. Nakakatawa kasi puro mga bisaya yung tugtog. Pero paulit-ulit na pinatugtog yung Budots. Paborito nilang tugtugin yun. Tinimpla ko na din ang cheyser at hinanda ang pulutan namin. Maya-maya ay nagsimula na ang session.
Makalipas ang bente minutos...
At last! Dumating na din ang V.I.P. ko. Grabeng saya ang naramdaman ko nang makita ko siya. Tumalon bigla yung puso ko, sama yung lungs. Sabi pa niya uuwi din siya agad kasi tumakas lang daw siya sa kanila. Hoo! Tae. Um-effort? Okay. Tama na. Ang mahalaga, rak na ito!
Ang center of attraction, ako. Dahil sa pagiging tagalog ko eh ako ang napagtripan. May mga pagkakataon kasi na medyo boplaks ako sa Cebuano dialect kaya nagtatagalog na lang ako. Kaysa naman mapahiya, di ba? Buong gabi, puro tawanan lang din kami. Random ang topic. Kahit ano, may masabi lang. Haha!
"Mura mag nag-egit ko oy." Narinig kong sabi ni Ate Jane. Tumawa sila, kaya nakitawa na lang din ako, kahit nosebleed.
"Katawa si Disere oh. Kasabot diay ka day?" tanong ni Auntie Ebing.
Di ko naman talaga alam kung ano yon eh, wala lang, trip ko lang ding makitawa.
Sumagot ako kay Auntie. "Unsa man diay nang egit, makaon na?"
Sampung beses ang inilakas ng tawanan nila kumpara sa una. Mas mahaba din. Parang hindi na nga sila humihinga eh. Asar! Hindi naman kasi ako bisdak eh. Tae.
Sa sobrang ingay nila ay nagising si Lola pati... ako? Teka, nasaan na yung mga yon? Iniwan nila ako dito mag-isa? Nakatulog ba ako? Inilibot ko ang aking paningin. Tanging mga said na bote ng alak, mga pinagkainan, at mga kalat na lang ang naiwan kasama ko. Pinapasok ako ni Lola at... sinabon.
"Ang pag-eenom, Disere, sa otak nelalagay, hende sa teyan." Abay nanagalog si Lola. Astig ah!
Dumiretso ako ng banyo para umihi. Tapos naupo ako sa sala. Doon ay kung anu-ano ang mga sinabi ko. Nilabas ko lahat nang hinanakit sa aking dibdib. Ganoon nga siguro kapag lasing, nagkakaroon ng lakas ng loob. Hindi ko na ieelaborate pa kung ano ang mga dinaldal ko, ibang phase na din naman yon ng buhay ko eh. Family issues.
Pagkatapos kong magyawyaw ng kahit na ano, tahimik kong tinahak ang daan patungo sa aking kama. Laking pasasalamat ko dahil solo ko na ito. Bukod na kasi kami ng kama ni Lola. Iyon nga lang, nasa tapat ng palikuran ang ito. Tae talaga! Naupo ako dito nang biglang may nalasahan akong maasim. Maya-maya ay sumuka ako sa harap ng kama ko, pero hindi sa mismong sapin. Dalawang beses pa akong sumuka. Tae, ang asim talaga. Narinig kong tumawa si Auntie Ebing.
"Da! Mao na," sabi ni Lola.
"Katog na deha, palaigit!" dugtong pa ni Auntie.
At gaya ng kanyang sinabi ay natulog na nga ako. Ni hindi man lang nanipilyo.
BINABASA MO ANG
INIDORO: Takbuhan ng mga Sawimpalad
No FicciónIt must have been love. But it's over now.