2. Lola's Home Sweet Home
"Disere, mata na diha."
Nagising ako nang biglang may yumugyog sa aking kanang balikat. Si lola pala. Pinunasan ko muna yung dahan-dahan na tumutulo na laway sa aking pink na labi at nagunat-unat.
"Bakit, la?" tanong ko.
"Ihanda mo na mga butang naten ba. Malapit na ta."
Anong butang? Ah.. malapit na siguro kaming bumaba kaya kailangan ko nang maghanda.
Sa isang intersection huminto ang bus na aming sinasakyan at doon kami nanaog. Maraming tao ang napatingin sa amin. May bentahan kasi ng mga patuka at feeds dito sa kanto, tapos sa kanan may isang remitting agency, pagtawid, may dress shop.
"Potpot!"
Nagulat ako kay lola nang bigla siyang sumigaw at ikinaway pa ang kanang braso. Akala ko nga eh nagbibeat box si lola. Tapos biglang may lumapit sa amin na pedicab. "Potpot" pala ang tawag sa pedicab dito. Kaso parang mukha siyang horseless kalesa na pedicab. Magulo ba? Tapos may color coding din sila. Yellow pa lang ang nakikita ko. Paano ko nalaman na color-coded vehicle sila? wala imbento ko lang.
Kaya pala siya tinawag na "potpot" kasi kakaiba yung busina niya. Alam niyo yung ginagamit na patunog ng nagtitinda ng puto't kutsinta, tsaka pandesal, yung rubber na pabilog tapos may nakadikit na parang maliit na trumpeta, ganun yung ginagamit nilang busina.
Sumakay nga kami doon ni lola at dinala kami nito sa terminal papunta marahil sa barangay niya. Sa totoo lang, ang cute ng lungsod na ito. Maraming mga nagtitinda ng ihaw-ihaw sa tabi. Marami ding dress shops, groceries at bakeries.
Paghinto ng potpot ay bumaba na kami. Kinalasan ko na din ng lubid ang aming mga bagahe sa compartment ng sasakyan.
"Asa man paingong Mana-ul?"
Sinabi iyon ni lola. I guess nagtatanong siya kung saan ang sakayan papuntang Mana-ul.
"Woy, bay, puno na ka," sabi nung manong na nanonood sa mga kapwa driver niya na naglalaro ng tong-it sa may waiting shed na naroroon, sabay tapik doon sa isa sa mga players.
"Sus! Makadaog na unta ko," sabay bagsak ni kuya ng mga hawak niyang baraha sa sementong upuan at pampublikong hintayan sana, hindi patong-itan.
Sumakay na kami ni lola sa tricycle na iyon. Para kaming sardinas sa loob sa sobrang siksikan. Nakakaasar tuloy.
Literal akong nakanganga habang dinadaanan ang kalye patungo sa barangay ng Mana-ul. Eh paano ba naman, manghang-mangha ako sa nature. Ang daming palayan, pero tapos na ang tag-ani kaya naaamoy ko pa ang ihip ng hangin na may kasamang aroma ng new-mown hay. Marami ring nagtataasang puno ng niyog, may mga kubo din sa tabing kalsada, mayroon din sa gitna ng palayan. Kaso nga lang..
"Ehem! Ehem! Phew," napaubo ako.
Lumingon naman sa direksyon ko si lola. Parang may anong-nangyari-sayo look na bahid sa kanyang mukha. Bali ang seating arrangement kasi, dalawa sa likod, sa loob apat, dalawa sa likod at dalawa sa unahan. Nasa unahan ko kasi si lola.
"La, maitanong ko lang ho, ganito na ba talaga dito nung bata pa kayo?"
Napakunot ang noo ni lola sa tanong ko. Pero di kalaunan eh sumagot din siya.
"Oo ganetu. Kaya itekom nimo yang bebeg mo kase maalekabok."
Yeah right. What a dusty road. Tsaka-- aray!
Hinimas ko ang aking ulo nang mauntog ito sa bakal na frame ng sasakyan. Tae ang sakit nun ah. Malubak din kasi ang kalsada.
Bumaba kami sa tapat ng isang kapilyang napapaligiran ng iba't-ibang kulay na santan. Sa loob ng munting simbahan ay may mga batang nagdadasal na kumakanta. Hindi pabasa ha? Tapos sa harap nila ay may matanda na may hawak na mikropono at sumasabay sa mga bata sa pag-awit. Maganda ang boses ni nanay, makaluma.
Kinuha ko ang aming mga bagahe sa compartment ng traysikel. Nagulat ako nang biglang may lumabas sa bahay sa tapat ng chapel na isang batang sunog ang balat at binatang bansot. Natigilan sila sa kanilang paghaharutan nang mapansin nila kami ni lola. Inisnaban ko lang sila, pagod eh.
"Tiya! Kumusta naman ka, Tiya?"
Napalingon ako sa aking likuran nang may marinig akong tinig. Nakita ko ang isang babaeng nakasuot ng dark blue na baseball cap, tapos balut na balot ang katawan. Pananggalang marahil sa matinding sikat ng araw. Nakasakay siya sa isang Japanese bike at nakatingin siya kay lola.
"Uy! Naneth. okay raman japon," sagot ni lola.
Kinuha ni Ate Naneth ang isa sa mga bagahe na dala ko at sinamahan kami sa isang makipot na daan. Nagawa niya pa ding i-manage ang balance niya kahit na sa ganoong kasikip na lupa. Mga tatlong dangkal lang kasi ang lapad ng lupa tapos palayan na sa gilid.
May mga puno ng saging sa kaliwang bahagi ng daan, sa dulo naman ay may kinakalawang na na poso at katabi nito ay may tore ng tangke ng tubig. Mayroon ding maliit na kubo sa kabilang gilid, ang cute kasi ang liit talaga.
Isa.. dalawa.. mayroon din namang apat na bahay dito. Yung isa, kubo, yung tatlo hollow blocks. Yung pang-apat na bahay na nasa tabi din ng poso ay hindi pa natatapos gawin. Simple lang ang construction ng bahay, walang kapansin-pansin na disenyo. Pero sagana sa mga halaman ang mga bahay: pandan, rosas, orkidyas, at kung anu-ano pa.
Sa gitna ng apat na bahay ay may mga puno ng niyog at mangga. Sayang wala pang bunga yung mangga, paborito ko pa naman iyon. Lalo na kapag indian mango.
"Kini diay si Disere, Neth. Batang Marlene," sabi ni lola kay Ate Naneth sabay tapik sa aking kaliwang balikat. Ang init ng palad ni lola.
"Kini, diay?" sabay lingon sa akin ni Ate Naneth.
"Ako si Tiya Naneth nimo. Ig-agaw nahi imong mama. Condolence diay, day," paliwanag sa akin ni Ate Naneth.
Sa totoo lang, Di ko naintindihan ang sinabi niya. Yung word na "condolence" lang.
Ngumiti na lang ako sa kanya, kaso hindi niya ata nakita kasi napalingon siya ng may sumigaw doon sa isang bahay. na bato.
"Laaaaa!"
Bakit ba ang daming nakakagulat dito? Napatalon tuloy ako sa kinatatayuan ko.
Mayroon kasing babae at lalaking sumalubong kay lola. Tama ba dinig ko? Tinawag nila si lola na "lola"?
Nag-usap sila kaso, tae, na-OOP ako. Bisaya kasi eh. Tae nosebleed.
Nakita kong inabot ni Auntie Neth yung dala niyang bbagahe ni lola at pinasa doon sa lalaki. Pagkatapos ay naglakad ulit kami. Sa likod ay may bahay na bato ulit, tapos sa tapat nito ay may poso. May balon din sa gawing kaliwa ng bahay na napapalibutan ng mga kawayan.
Maya-maya pa ay may pinasok na din kaming bahay. Kalahating bato tapos yung bubong eh pawid. Dumaan kami sa back door kung hindi ako nagkakamali. May sinabi kasi si lola na "likod" kanina nung nag-usap sila ng lalaki.
May punong mangga dito tapos may lutuan. Nakapile sa ilalim nito ang mga sinibak na kahoy. Marami ding puno ng niyog at cacao. Mayroon ding balon, tsaka parang bahay ata ng baboy. Kaso walang nakatira.
Pagbukas ng pinto ng back door ay may sumalubong sa amin na isang matandang babae. Ga-balikat ang puti na niyang buhok at mas marami ang wrinkles niya sa mukha kung ikukumpara kay lola. Ang liit ng kanyang mga mata. Nakasuot siya ng bulaklaking daster. Nagbatian sila ni lola. Tapos nagmano naman ako sa kanya. Nagpaalam na din yung lalaki matapos niyang iabot sa akin ang bagaheng dala niya.
"Salamat," sagot ko.
Bumungad sa amin ang dining table at CR na tanging shower curtain lang ang pananggalang. Mayroon ding lababo at maraming mga botelya na parang ang laman ay toyo, suka, patis at bagoong.
Sa sala, may nakaupong babae sa isa sa mga upuan na yari sa kawayan. May katabaan at kaitiman siya. Mapungay na may halong katarayan ang kanyang mga mata. Nagmano siya kay lola tapos nagmano naman ako sa kanya.
Ito na siguro siya. Ito na siguro yung sinasabi ni Auntie Lilel at Auntie Cristine.
Siya na siguro si Auntie Ebing.
BINABASA MO ANG
INIDORO: Takbuhan ng mga Sawimpalad
Non-FictionIt must have been love. But it's over now.