8. Beautiful Goodbye

20 1 0
                                    

8. Beautiful Goodbye

Nagising ako sa pagkalampag ng mga kaldero at kawa. Mataas na din ang sikat ng araw dahil masyado nang maliwanag. Parang tsine-chainsaw ang bungo ko sa sobrang sakit. Hinimas-himas ko ito habang nakapikit pa. Taeng hangover 'to. Maya-maya ay kinapa ko ang aking cellphone sa ilalim ng aking unan para malaman kung anong oras na... 10:23. Bumalikwas ako sa aking higaan at mabilis na inayos ito. Nang tumungo ako para suotin ang aking tsinelas, wala na yung suka ko? Sumuka ba talaga ako? Baka kinain ng palaka? Tae. Kumakain ba ng kanin ang palaka? Bago pa ako mabadtrip sa mga kabobohang iniisip ko ay ginawa ko na ang aking daily ritual, yung tubig thing. Nakita ko si Lola na naghahanda na ng packed lunch namin, malapit na kasi kaming umalis. Mga tweleve dapat nag-aabang na kami sa dadaan na Bachelor Lines. Paglabas ko ng back door ay nakita ko si Erwin na nakaupo malapit sa aming lutuan. 

"Hoy! Ba't ka nandito? May pasok ka di ba?" tanong ko. Isang linggo na din kasi ang nakararaan mula nang magbalik paaralan sila. 

Na-sense ko na parang nahihiya siyang sumagot pero di kalauna'y nagsalita din siya. 

"Muoli naman gud ka Ate Disere. Dinhe na laman unta ka." 

I was touched sa sinabing iyon ni Erwin. Di ko naman kasi akalaing ganito pala ka-sweet ang batang ito. Gayunpaman, ipinaliwanag ko sa kanyang hindi ako maaaring manatili dito dahil kailangan kong alalayan si Lola. Napapayag ko din siyang umuwi na muna sa kanila at tulungan ang nanay niya sa mga gawain doon.  

Naglinis ako ng bakuran at nagdilig ng mga halaman. Pagkatapos ay inihanda ko na ang aking mga gamit. Inilagay ko ang mga ito sa aking backpack. Inilagay ko din sa kahon ang mga sapin sa aking kama at sa kama ni lola at itinabi ito. Kumain na kami ng almusal at uminom din ako ng Mefenamic Acid, sobrang sakit kasi talaga ng ulo ko. Pagkatapos ni Lola ay naligo na din ako.  

"La, doon na lang ako maghihintay kina Auntie Caling ha?" Nagpaalam ako kay Lola habang dinala ko na ang aking mga bibitbitin patungo sa bahay nila Auntie Caling. 

"Day! Oli na mo day? Ayaw nalamag oli oy." Bungad iyan ni Auntie Caling sa akin. 

Tumawa na lang ako at nagpaalam na ilalapag ko muna ang aking mga dala sa mesa sa harap ng kanilang bahay. Tumakbo naman papalapit sa akin sina Jovie at Erwin at niyakap ako.  

"Haha! Mamaya pa naman kami aalis eh. Mamaya niyo na ako pigilan," natatawa kong sambit. 

Pumunta naman ako sa bahay ni Ate Jane. Alam ko kasing nanunuod ngayon ng NBA Playoffs yung mga yun. 

"Maayong adlaw kaninyong tanan! Ano, tama ba?" bati ko sa kanila pagpasok ko nang walang paalam. Nakaangat pa ang dalawa kong mga kamay. Pero tae, nadito si Kuya Edison, yung boyfriend ni Ate Jane at si Bansot. Napattingin silang lahat sa akin. Para makalusot sa kahihiyan ay ibinaling ko ang kanilang atensiyon sa TV screen.  

"Oh, yung paborito kong Oklahoma City Thunders pala yan eh. Teka, Celtics ba kalaban nila? Celtics nga! Di bale, walang wala naman sila sa Kevin Durant ko eh. Haha!" Effective yung ginawa ko kasi nanuod na nga sila. Tahimik naman akong naupo sa tabi ni Ate Jane. 

"Muoli na ka day?" tanong niya. 

"Ay di." Nagbiro ako. 

Ngumisi lang siya.  

Kanya-kanya kaming cheer sa mga pambato namin. Maya-maya narinig ko na ang busina ng motor ni Auntie Ebing. Agad akong napatayo at niyakap si Ate Jane, bilang pamamaalam. Niyakap ko din si Ate Celyn, pati si Jericho, yung anak niya. Huli akong nagpaalam kay Bansot. Nakakaasar lang dahil pinagtaksilan ako ng aking dila. 

"Bye Rick! Saka na lang yung kiss." Iyan lang naman ang nasabi ko sa bansot na yon. Speechless tuloy siya. 

Kinuha ko na ang aking mga gamit na iniwan ko sa tapat ng bahay nila Auntie Caling at nagpaalam na din sa kanila. Nagpasalamat din ako sa mga masasayang alala. 

"Kailan naman kaya uli tayo magkikita Inday Disere?" tanong ni Auntie Caling. 

Napangiti na lang ako, "Ambot te. Haha! Sige ho, dito na kami." 

"Ba-bye sa inyong lahat!" mangiyak-ngiyak kong paalam sa kanila at sumakay na sa motor ni Auntie Ebing.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 15, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

INIDORO: Takbuhan ng mga SawimpaladTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon