6. Pandikit is to closeness
Ilang weeks later, masyadong fine at smooth ang buhay. Hindi na din ako nagpapasaway kay lola. Mahirap na kasi baka tumanda pa siya lalo dahil sa kunsimisyon sa akin. Nakakaangkas na din ako sa motor ni Auntie Ebing. Hindi naman pala siya ganoon kakaskasera eh at hindi naman siya maloko, unlike what Auntie Lilel had told me. Super close ko na din ang mga relatives namin. Ang saya kasama nina Toto at Ate Jane. Madaming kalokohan at nakakatawang mga nilalang. Si Toto ang type na study first pero party party at Friday Night. Sa katunayan ay Salutatorian siya noong high school at magiting na scholar ngayon at kasalukuyang third year college student sa Visayas State University under the course Bachelor of Science in Secondary Education major in Biochemistry. Pero syempre he should have cool down too from the pressure on his studies kaya mahusay din magrelax yan. Nabibilang din siya sa lumalaking community ng homosexuals. Si Ate Jane naman ang tipo ng tao na sumasaludo sa kasabihan ni Ms. Love Añover na "Smile ka naman dyan and everything." Marami kang matututuhang kabaliwan sa kanya. Maaasahan din naman siya, at trustworthy na tao.
Sa umaga, after ng mga chores, kung di kami nanunuod ng NBA at naghihihiyawan sa pag-cheer sa kanya-kanya naming bet at nagiiyakan dahil sa natalo sa pustahan, eh naglalaro kami ng basketball nina Jovie, Erwin at Tata. Si Tata ay kapatid ni Bansot. Speaking of Bansot, bestfriend na "daw" kami according to him. Sa katunayan, ang dami na naming memories together. Una, magkasama kami noong nangahoy sa manggahan, pati si Jovie kabilang. Inaasar pa kami na isang pamilya daw which made me embarassed.
"Ganahan ka aho ka ikuhag sugnod?" Tanong sa akin ni Bansot nang mga panahong iyon.
"Huwag na, nakakahiya naman sa'yo. Tsaka, kaya ko naman eh."
Sa totoo lang na-touched ako sa sinabi niyang iyon.
"Si Ate Jane man gane magpakuha naho."
Bago pa ako makapagprotesta ulit ay nasa itaas na siya ng punong manggang iyon at kumukuha ng mga tuyong sanga.
Pangalawa, kabilugan ng buwan noon. Nagkayayaan kaming manghuli ng palakang bukid, nakakabato kasi. Dahil adventureous nga akong tunay eh sumama ako. Bitbit ang flashlight at sako, lumarga na kami nina Jovie, Erwin at Bansot. Sa palayan ni Lolo Emon kami nanghuli, sa likod ng bahay nina Ate Jane. Malambot at masarap sa pakiramdam nang unang beses kong makatapak sa palayan. May mga araw na umulan na kasi kaya maputik na ang palayan.
Noong una, ang strategy namin ay magkakasama kami, kaso lumipas na ang bente minutos eh wala pa kaming nahuhuli. Doon nagpasya si Bansot na hatiin kami sa dalawang grupo: Si Erwin at Jovie, at ako at siya. Hindi nga siya nagkamali kasi naging effective yung paghahati namin kasi may nahuli na kaagad kami. Tae nga lang, sobrang laughtrip palang manghuli ng palaka?! Nakakatawa kasi kung paano manghuli si Bansot eh. Dapat maingat ka sa iyong galaw para hindi maghinala ang palaka na may kikidnap sa kanya. Tapos sasakmalin at hahawakang mabuti at ilalagay kaagad sa sako. Sinubukan ko yun kaso.. kakaiba sa pakiramdam. Madulas kasi pala sa kamay ang palakang bukid na iyon. Kinabukasan ay niluto din ang mga ito. Masarap kapag pinirito, lasang fried chicken, pero siguro mas masarap kung in-adobo, lasa sigurong pork humba. Sayang nga lang at na-missed ko ang best part, yung paglilinis sa mga palaka at take note, alive.
At pangatlo, yung nanguha kami ng manggang piko sa bukid. Bakit piko? Di ko din alam eh. Gamit ang tatapuning bike niya (kasi baliko nang konti ang manibela) ay pumunta kami sa partikular na bukid na iyon. Nakakatawa kasi habang nasa bukid kami ay puro siya reklamo.
"Bug-ata ba nimo Des oy!"
Natawa lang ako sa kanya. May pagka-chubby kasi ako kaya, alam mo na, medyo mabigat.
"Huwag kang mag-alala, kapag pabalik na tayo ay ako naman ang magda-drive," pangako ko.
Hindi din naman malayo yung puno ng mangga. Mga naka 87 pedals lang naman siya eh. Makikita ang puno sa kanlurang bahagi ng Purok Dos ng Barangay Mana-ul kung saan kami nakatira. Sa tabi ng puno ay may makikita na kubo. Marami ding mga pananim sa paligid gaya ng malunggay, sitaw, kamatis, kangkong at lemon grass.
"Des, pagbantay diha kung naay tawo ha? Kay musaka ko ja ikaw puy tingsalo sa mangga ha?"
At gaya ng napagkasunduan, nagbantay nga ako kung may tao sa paligid at ako din ang tagasalo ng mga mangga. Maya-maya pa ay may nakita akong lalaki na siguro mga nasa edad 25 pataas na pumasok sa kubo. Nagulat ako kasi alam kong sureball akong mapapagalitan kami nito.
"Rick! Woy!" Tinawag ko ng mahina si Bansot. Nakakainis banggitin yung pangalan niya kasi ginu-goosebumps ako. Tae di niya ako narinig.
Pinaltok ko siya ng bato para mapukaw yung atensyon niya at hindi nga ako nagkamali, tumingin siya sa ibaba.
Through hand gestures at facial expression ay ipinarating ko sa kanya ang nais kong sabihin. Dahan-dahan naman siyang nanaog ng punong iyon. I was shocked nang makita kong chill na chill siyang dumiretso sa kubo kung saan nandoon yung lalaki.
"Aw, Ricky, nagpahuway ra ko kadiyot," sabi nung lalaki kay Bansot at tumayo para mag-bow.
"Okay ra. Mangita ra kog cellophane dire," sagot niya.
Wait. Anong nangyayari?
Nakatayo lang ako sa tapat ng kubo at speechless. Later on eh may puting plastic nang dala si Bansot. Kinuha at nilagay niya doon ang mga manggang inakyat niya.
"Nakurat ka Des? Naluspad lage ka?"
Sinimangutan ko siya.
Nakurat sa imong kunot.
Dumiretso na lang ako at kinuha ang bike niyang ang sarap nang ipakilo sa junk shop at pumwesto na sa trail.
"Tara na." Niyaya ko na siyang umuwi at nang malantakan na ang mangga dahil patay-gutom talaga ako pagdating sa mangga. Umupo nga siya sa harap ng bike at ngumiti pa ng nakakaloko.
"Hala sige banjak!"
Nang-aasar pa. Loko talaga 'tong bansot na ito. Sa totoo lang hindi naman ako nahihirapang pumedal kasi hindi naman siya mabigat.
Pagdating namin kina Ate Jane at habang nagfufoodtrip kami ay sinabi niya sa akin na kanila daw ang malawak na lupang pinagkuhanan namin ng mangga, pati yung mga tanim na gulay doon Kaya pala hindi kami pinagalitan nung lalaki kanina at mukhang nagbigay-galang pa siya kay Bansot. Ayun, nganga lang ako.
Ngayong gabi, imbis na manuod ng Primetime Bida eh palihim ko siyang tinititigan. Tuwing gabi kasi ay nagsasama-sama kami sa bahay ni Ate Jane para makinuod. Di ko alam kung bakit ko 'to ginagawa. Basta ang alam ko, kasabay ng pagiging malapit namin sa isa't-isa, eh there is part of me na nag-stick na sa kanya. Kung ano man 'yon, who the hell knows.
BINABASA MO ANG
INIDORO: Takbuhan ng mga Sawimpalad
Non-FictionIt must have been love. But it's over now.