TROH 7: Lost

67 2 0
                                    

"There is never a coincidence but the chance to meet someone and the right time to be in the place where you should be"

-------------------------------

Nevaeh's POV

"Ania anak, its time to wake up, Mommy prepared food for you".

I heard someone called me but i felt too tired to open my eyes, in a few moment my stomach is rumbling, shit, I'm hungry.

"Ania, get up now or you'll starve" that voice again, am i dreaming?, I tried opening my eyes but it just wont budge, I tried to feel the surroundings. Nararamdaman ko ang paghampas ng alon sa aking mga paa pati ang simoy ng malamig na hangin sa aking mukha.

"Im so happy that you are home sweetheart, Open your eyes" shocks sino ba yung nagsasalita kasi? I dont know who it is but i listened to what he just said. I opened my eyes and it did open. Pupungas-pungas ako habang kinukusot ang aking mata at nang luminaw ang aking paningin ay nagulat ako kaya lang mas masakit ulo ko.

"Geez my head, nasaan ako?, where is this place?" tanong ko sa aking sarili kasi ako lang naman mag-isa.

Inilibot ko ang aking paningin sa paligid. Nasa tabing dagat ako, hindi naman nakakatakot ang lugar kasi maganda naman siya, maliban sa dumi na nagkalat dahil sa mga parte ng yacht na nawasak ay masasabi mo pa ring malinis at maaliwalas ang lugar. White sand and crystal clear sea water, pero nang dumako ang tingin ko sa laot nakita ko ang maitim na langit na kumukulog at kumikidlat pa, parang palayo ito sa lugar kung nasaan ako. Bigla akong kinilabutan nung nakita ko ang langit, nanayo ang balahibo ko sa batok at sa braso dahil sa takot.

Inalala ko ang nangyari sa yacht. Shockz, paano pala ako napunta dito, naalala ko na nalulunod na ako kanina pero paano ako napunta dito sa tabing dagat at buhay pa?.

"Miss!" napatigil ako sa pag-iisip dahil may tumawag sa akin. Si Vince papalapit sa akin.

"Vince!" pilit akong tumayo.

"Miss, okay lang po ba kayo?" tanong nito at tinulungan akong makatayo.

"Okay lang ako, ikaw?" tanong ko sa kanya na sinipat-sipat pa siya.

"Okay lang po ako" sagot nito.

"Uhm, Vince" tawag ko sa kanya.

"Ikaw ba nagligtas sa akin?"

"Po?, ay hindi po Miss!" sabi nito. "Sinisid ko po yung kuwarto niyo nung bumaliktad po ang yacht para po sana iligtas kayo, kaso wala na po kayo sa kuwarto" kuwento niya. "Pero may nakita po akong octopus po yata yun na lumalangoy palayo" dagdag pa nito.

"Wait, octopus?" nagulat ako sa narinig ko. Did that Octopus saved me? hindi ko na isinatinig dahil sobrang weird pakinggan.

"Opo Miss" maikling sagot niya.

Pero, yun ang naging dahilan kung bakit ako naubusan agad ng hininga dahil nagulat ako nung nakita ko ito. Ibig sabihin pala totoo yung nakita ko? How can that be?, there is no such thing like that creature in this world. I've never something like it before. A human with tentacles of an octopus, is that even possible?

"Hinanap pa po kita pero hindi po kita makita kanina, hanggang sa nabagsakan ako ng mast ng yacht at nawalan po ako ng malay, nagulat na nga lang din po ako paggising ko ay andito na ako sa tabing dagat then nakita po kita kaya lumapit po agad ako sa inyo" pagpapatuloy ng kuwento nito, while ako ay iniisip pa rin yung human octopus. Pero kung ganun, pati siya hindi alam kung paano napunta dito sa tabing dagat?, paano nga ba kami napunta dito?.

"Pero Miss" biglang sabi niya kaya napatitig ako sa kanya.

 "Yung yacht wasak na" sabi nito na kitang-kita ang pag-aalala.

The Ring of HeavenWhere stories live. Discover now