TROH 13: The Typecasting

41 2 0
                                    

"You can never escape what's in front of you, so you better start fighting and stop escaping"

--------------------------------------

Nevaeh's POV

"Hoy Miss, natulala ka diyan?" nagulat ako dahil tinapik ako ni Vince kaya napatingin ako sa kanya at nilakihan ko siya ng mata, ibig sabihin nainis ako sa ginawa niya. Nilingon ko ulit yung prince, kay director na ulit ito nakatingin kaya hindi ko nalang muna siya pinansin pero hindi pa rin nawawala sa isip ko ang mga nakita ko. 'Travis' naibulong ko.

"This year the typecasting will be in pairs, meron ditong dalawang bowl na may nakalagay na numbers, ang makakuha ng parehas na numbers galing sa magkabilang bowls ay magiging pairs" sinasabi ngayon ni director paano makukuha ang pairing.

"Bubunot ang mga boys sa blue bowl at ang girls naman ay sa red bowl, ang magiging typecasting natin ay pabilisan at padamihan ng mapapatay na monster, lahat ng monster na makikita niyo sa illusion ay pare-parehas lang ang level, pero hindi lang isang beses but three. 3 times kayong sasabak sa labanan" nanatili lang kaming nakikinig lahat.

"Every level ay pataas ng pataas din ang level ng mga monsters na makakalaban niyo, sa first level ay 1000  monsters, each monster is 1 point. On 2nd level you will kill 500 monsters, each is also 1 point while on the 3rd level you will fight only 300 monsters, this is where the real fight begins, because each monster in the 3rd level is worth 10 points each" patuloy ni director.

"So, even if hindi ganun kalaki score niyo sa first and 2nd level ay posible niyo pang malamangan ang iba na nakakalamang dahil sa puntos na bigay ng monsters sa level 3 at sa level na ito ay pwede niyo rin kunin ang puntos na nakuha ng ibang team and by the way, after level 1 and 2 ay lalabas kayo para magamot at makapag pahinga para sa susunod na level" sabi ni director na pumalakpak pa.

"Also makakalabas lang kayong lahat kapag ubos na ang mga monsters, so ibig sabihin walang time limit, just as long as all the monsters are dead you can get out of the illusion" dagdag pa ni director.

"Wait, before i forgot, be careful sa level 1 and 2 kasi may twist akong hinanda para sa level na yun, okay, Let's start the pairing" sigaw nito at dumagundong ang boses niya sa buong school, nakakaloka.

Pinapila na kami para sa bunutan ng numbers. Nakuha ko na yung number ko pati si Vince, tinignan niya number ko 29 at sa kanya naman ay 9. Sayang, di kami magkapareha. Nilibot ko sa mga estudyanteng nagkalat ang paningin ko baka sakaling may naghahanap din ng kapareha.

Nakita ko ang isang lalaki na halos lahat nalang ng babae ay tinanong kung ano number nila kahit may kapareha na. Guwapo sana kaya lang mukhang babaero. Lumapit ito sa kinatatayuan ko.

"Hi Miss, anong number mo?" tanong niya sakin. Inirapan ko lang siya. Pinagdasal ko pa na sana hindi kami parehas ng number dahil baka ma highblood lang ako pag siya makapareha ko. "Hey, sabihin mo na anong number mo please?" pag-mamakaawa nito. Naku dinaan pa ako sa pagmamakaawa.

"Let me see yours first" sabi ko at kinuha yung papel na hawak-hawak niya.

No, this can't be happening. Ayoko siya partner ko, mukhang manyak.

"Grabe ka naman, hindi ako manyak noh!" sabi niya at hinablot ang mga papel na hawak ko. Hindi naman ako nakagalaw agad dahil sa sinabi niya. Shet, nabasa niya isip ko?. Hindi na ako nagtaka kasi ganun din si Hoaki, nakakabasa ng isip.

"I'm sorry" hingi ko ng paumanhin.

"It's ok, I know that you don't mean it, but please don't say that again to someone you don't know yet" makahulugang sabi niya. Wow naman, napagsabihan pa ako. Oo na sige na kasalanan ko naman.

The Ring of HeavenWhere stories live. Discover now