TROH 6: The Storm

82 3 0
                                    

"Sometimes dreams isn't just the things what you wished to happen but fragments of the past that you don't remember"

--------------------------------

Nevaeh's POV

"Daddy! huhuhu" umiiyak na sigaw kong nakatingin kay Daddy.

"Nevaeh anak tahan na, wag ka matakot, magkikita pa ulit tayo pangako yan", kahit sinabi niya yun ay hindi pa rin ako tumigil sa pag.iyak sapagkat maiiwan namin siya ni mommy na mag.isa at makikipaglaban sa mga Hellos. (hellos are demons).

Unti-unti ay pinaandar ni Mommy ang bangka na sinasakyan namin, medyo nahirapan siya dahil kumukulog at kumikidlat pa at may kalakihan ang mga alon. Habang papalayo kami sa port kung nasaan si Daddy ay nakita kong may papalapit sa kanya na isang halimaw na may hawak na malaking batong hammer habang nakikipaglaban siya kaya hindi niya ito napansin. Nakita ng dalawang mata ko ang paghampas ng halimaw ng kanyang batong hammer kay daddy kaya napasigaw ako.

"Daddy nooooooo! Huhuhuhu",

"Daddy, No!" Napabalikwas ako ng bangon habang sinisigaw yun. Oh God, it was just a dream, akala ko totoo na kasi it feels so real. Was that me in that Dream?, was that guy my father?, i haven't seen him even before i can remember. I've grown without a father pero bakit pakiramdam ko nakasama ko siya before. Biglang tumulo luha ko ng hindi ko napapansin pero pinahid ko agad ito.

"Miss, ok lang po ba kayo?" muntik na akong malaglag sa kama dahil sa gulat ko nang biglang may nagsalita na nalalaki sa harap ko. Medyo maliit siya na lalaki at may sugat sa noo pero hindi maitatangging guwapo pa rin naman ito, may konting balbas siya pero hindi siya mukhang killer tignan dahil malinis naman siya kaya lang humihingal ito kaya para tuloy itong sakitin.

"Who are you?" tanong ko sa kanya na ikinalukot ng noo niya.

"Im Vince the captain of the yacht", sagot niya. Naitampal ko sa ulo ko ang kanang kamay ko. Oo nga pala, nasa vacation pala ako at andito ako sa yacht ngayon. Nakatulog pala ako kanina kakaisip ng mga nangyari sa I Found You resort.

"I'm sorry, i just had a nightmare kaya medyo malabo pa utak ko, i thought everything was a dream" sabi ko at nilingon siya. Ako naman ngayon ang nagtataka kasi yung mukha niya hindi maipinta at parang gustong tumawa.

"Eh Miss, nananaginip naman po talaga kayo dahil ikaw lang naman po andito kasama ko at wala po ang daddy niyo" sabi nito na nagpipigit pa rin tumawa. Siguro iniisip nito na baliw ako.

"That's not what i meant that i thought was just a dream" inis na turan ko sa kanya. Ang ibig ko kasing sabihin na akala ko panaginip lang eh yung nangyari sa I Found You resort.

"I'm sorry po, sige po Miss akyat na po ako" nahiya ito at nagmadaling nagpaalam. Andito kasi kami sa baba ngayon kung nasaan ang kuwarto. Umakyat na siya at iniwan ako sa kuwarto.

Ilang minuto pagkatapos ko maghilamos at mag-ayos ay umakyat din ako para makita ang dagat. Haaaaay ang sarap sa pakiramdam ng hangin. Maaliwalas ang paligid at hindi gaanong masakit sa balat ang init ng araw. Hindi na gaanong nakikita ang mga isla sa paligid. Anditolang ako sa yacht dahil napagdesisyunan ko nang huwag na mag island hopping dahil pakiramdam ko kanina ay sasabog utak ko sa mga nasaksihan ko sa I Found You resort. Tumingin ako sa malawak na dagat, sobrang tahimik na parang nag.aayang magswimming ako. Nilapitan ko ang nagdadrive ng yacht na si Vince.

"Hey, Vince right?" tawag ko sa kanya.

"Yes Miss" lumingon siya sa akin sa bandang likod niya saglit and then ibinalik ang tingin sa harap at nagpatuloy na sa pagmamaniobra ng manibela ng yacht.

The Ring of HeavenWhere stories live. Discover now