TROH 5: I Found You

79 3 0
                                    

"Not what all you see is all you will get"

----------------------------------

Photo at the top is Eunice
(photo is not mine so credit is to the one who made it)

----------------------------------

Eunice's POV

"Where is she now?", tanong sakin ng boss ko. Nakakatakot ang boses niya, malaki at buo na parang galing pa sa ilalim ng lupa samantalang andito naman kami sa taas ng tower niya sa Dead Land. 

Yes nasa Dead Land po ako, malalaman niyo po sa mga upcoming chapter ang details about Dead Land and my Boss.

"I-I don't know master" nakayukong sagot ko dahil ayokong makita ang galit na ipupukol niya sa akin dahil sa kapalpakan ko.

"What?!, ibig sabihin pumunta ka lang dito para sabihin sakin na hindi mo alam?, akala ko ba bestfriend ka niya?, hindi mo ba ginagawa ng maayos ang pinapagawa ko sayo?" sigaw niya sakin at ako naman ay ginapangan na ng takot dahil isang pitik lang ng kamay niya ay posible akong mamatay. "Simpleng pagbabantay ay hindi mo magawa!" sigaw ulit niya.

"I'm sorry Master, ayaw kasi ng mama niya na ipaalam sa kahit na sino kung saan siya pupunta kay hindi niya sinabi sa akin" paliwanag ko.

"Inutilllllll!" sigaw nito at bigla ay napaluhod ako, hinawakan ko ang leeg ko kasi bigla akong sinakal ng kung sino eh wala naman humahawak sa akin. Tumingin ako sa puwesto ng Master ko, nakita ko nakaangat ang kanang kamay niya paharap sa akin, ibig sabihin siya ang sumasakal sakin. Nagpumiglas ako para makawala sa pagkakasakal niya pero hindi ko magawa, sobrang lakas niya. "Patayin nalang kaya kita ngayon?, tutal wala ka nang silbi sa akin dahil hindi mo na alam kung nasaan ang babaeng yun!" sabi nito na lalo pang diniinan ang pagkakasakal sakin.

"N-no, M-master give me a chance" sigaw ko sa kanya bago niya ako kitilan ng buhay. "Lalapit ako lagi sa Mommy niya, wala siyang ibang pinagkakatiwalaan maliban sa akin pagdating sa kapakanan ng itinakda, kaya ko maipakuwento niya sa akin kung nasaan ang itinakda" pilit akong nagsalita habang pinipilit na luwagan ng kamay nito sa pagkakasakal sakin dahil konti nalang hindi na ako makakahinga.

Bigla itong natahimik at medyo niluwagan
ang pagkakasakal sakin, ilang segundo pa at tuluyan na niya akong binitawan, siguro naisip nito na may punto ako dahil ako lang ang nakakalapit sa pamilya ng itinakda.

"Alright, I'll give you this one last chance, but" Alam ko na kung ano ang susunod na sasabihin nito. "If you fail this time, your dead, and I'll make sure you'll die slowly" expected ko na ang sasabihin nito pero nakaramdam pa rin ako ng sobrang takot, siyempre kilala ko ang nilalang na ito na ginagawa ang lahat ng kanyang mga sinasabi. This guy I am talking with ain't human so am I, but this guy is like the King of Demons himself.

"Y-y-yes Master" tanging naisagot ko at nauutal pa. Sobrang pangangatog ng mga tuhod ko ngayon, ikaw ba naman ang muntik ng mamatay, uu kampon ako ng kasamaan pero kahit ganun nakakaramdam pa rin ako ng takot lalong lalo na isang ito.

"Leave now before I'll cut your head off" sabi nito kaya nag teleport agad ako palabas. Lahat ng pumapasok sa kuwarto nito ay teleportation ang ginagawa dahil walang pinto ang kuwarto nito, ito ang paraan niya para walang kahit na sino man na hindi nito alagad at alipin ang makapasok sa lungga niya.

I'm back to the mainland then I changed my dress into something more that blends the crowed dahil baka pagkaguluhan ako pag nagsuot ako ng mala demonyong damit. Ayaw kasi ng Master namin na pumapasok sa kuwarto niya na bulaklakin o maaliwalas na mga damit gusto niya laging itim. Kahit ako ayaw ko pero kailangan dahil sa mission na binigay niya sa akin. Pagkatapos ko magpalit pumunta na ako sa mission ko dahil baka magbago pa isip ng Master ko at patayin ako ng hindi ko namamalayan.

The Ring of HeavenWhere stories live. Discover now