TROH 20: The Seal

96 5 0
                                    

Life will not be what you wished it to be,
But will become the least you expect it.

------------------------------

Nevaeh's POV

Nakakapagtaka na sobrang tahimik nina Casey at Nicole. Simula kaninang umaga pag gising ko ay seryoso silang dalawa at 'good morning' lang ang narinig kong sinabi nila saka 'Let's eat', nakakapanibago.

"Hey, where were you yesterday?, nagising ako past 5 pm eh hindi pa rin kayo umuuwi" pagbasag ko ng katahimikan nila Nicole and Casey.

"U-uh, w-wla naman, g-gumala lang kami" uutal-utal na sagot ni Casey at tinulak si Nicole na parang sinasabing siya na magpaliwanag ganun din ang ginawa ni Nicole kay Casey.

Ano ba ang nangyayari sa dalawang 'to?.

Naglalakad kami papuntang classroom para sa klase namin. It's my official first day dahil nagkaroon ng aberya sa klase namin kahapon dahil sa akin. Okay lang naman daw sabi ni Mika kagabi. Si Mika yung tinutukoy nila Casey nung nasa hospital ako na hindi ko pa daw makikilala kasi may inasikaso. Siya lang yung nakakausap ko ng matino kagabi, kasi, parang mga tanga lang ang dalawa habang kausap ko kagabi, tumatawa bigla kahit walang nakakatawa. Si Mika at Prince Trevor lang yung matino sa tingin ko, pakiramdam ko tuloy may tinatago tong mga to sa akin.

"Hoy, anong nangyayari sa inyong dalawa at nagtutulakan kayo diyan?" singhal ko sa kanilang dalawa para matauhan.

"Aa-h w-wala, wala Nevaeh, tara na bilisan na natin sa classroom baka malate na tayo" pag-iiba ni Casey ng usapan habang si Nicole ay parang nahihiyang tumingin sa akin ng deritso at biglang yumuko na parang princess yung niyukuan niya at naunang maglakad sa aming dalawa ni Casey. What's wrong with here?

Ewan, bahala na nga kayo sa buhay niyo!

SA CLASSROOM..........

"Does anybody of you here knows how the Ring of Heaven looked like?" tanong ni Sir Yolo sa amin. Siya ang element teacher namin pero nakapagtatakang history yata ang pinag-uusapan.

"No!" sabay-sabay na sagot na mga kaklase ko. Mahina lang kasi konti lang naman kaming magkaklase.

"Pareho tayo" sagot din ni Sir sa sarili niyang tanong. Kaloka, nagtanong pa siya eh pati din pala siya hindi alam. "I know nagtataka kayo kung bakit ko naitanong, it is because the Ring of Heaven consists the Heavenly elements, do you know what are they?" tanong ni Sir. "Anyone?" ulit niya pa kasi walang nagtaas ng kamay. "Nevaeh?"

What?, bakit ako?, ni hindi ko nga alam na nag e exist ang magic eh, heavenly elements pa kaya?

'Hahahahahahaha'

Napalingon kaming lahat dahil sa tawang yun ni Prince Trevor.

Anong nangyari sa kanya, nabaliw na yata.

tsk tsk tsk

"Prince Trevor, may I ask why are you laughing?" natigil bigla si Prince Trevor sa pagtawa at biglang nanlaki ang mga mata ng makita niyang nakatingin kaming lahat sa kanya.

"I'm sorry sir, may naisip lang po ako bigla" napapahiyang sagot ni Prince Trevor at napayuko nalang. Napansin ko pang kumikibot-kibot ang nguso niya, siguro nagmumura na yan dahil sa sobrang hiya. Kung di ka ba naman kasi weird na tumatawa nalang bigla, hahahahahaha, buti nga sayo. hmmmmmp!

But infairness Nevaeh, super guwapo niya, mas guwapo ang tawa niya kaysa sa tawa ni Travis diba?.......Whatever, I don't care, I still have to investigate about this guy dahil magkamukhang magkamukha talaga sila ni Travis.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 14, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Ring of HeavenWhere stories live. Discover now