Chapter 56- My new definition of gangster

73 2 0
                                    

Elizah

punong puno ng hinanakit ang aking mata at ang aking emosyon. hindi na nakuha pang tumulo ng luha ko dahil natulala ako sa mga nangyayari.

hindi ako maka hinga ng maayos. nanatiling naka tulala sa mainit at malaking apoy na nasa harap ko. napa luhod ako sa nakita kong kalagayan ni lester..

"Leeessttterrr!!" sumigaw ako at bumagsak ng tuluyan ang mga luha kong nag babadya pa lamang. gumuho ang mundo ko nung makita syang naka hilandusay at tila'y hindi na humihinga. natatakot ako na baka iwan na nya ako. diba babalik ka pa? ano na? nasan na yung pangako mo sa beach!? nasaan na yung pinangako mong kasal!

hinarangan agad ako ni bailey dahil balak kong suungin ang kanyang naka hilandusay na katawan. ang walang buhay nyang katawan..

unti unti akong nawalan ng pag asa, pag asang aasa pa na babalikan nya ako nung makita ko ang kalagayan nyang ganyan. tingin mo ba may pag asa pa syang mabuhay? baka nga isa sya sa mga na sunog eh. 

ayoko na ng gantong sitwasyon! ayoko ng lagi nalang akong nasasaktan matapos ang masayang nangyayari sa buhay ko. ayoko ng mag habol pa sa wala! this time hindi na ako basta basta pang susuko sa problema namin!.

pinanood ko lang ang pag sakay nila sa katawan ng mapapangasawa ko sa stretcher bed. at itinakbo ng madalian sa ambulance.

tumayo ako ng dahan dahan at nag lakad palayo sakanila .habang unti unting napupuksa ang apoy.

may kung sinong tao ang biglang yumakap saakin mula sa aking likod. mas nag pa tindi pa ito ng aking iyak dahil si grey na humihikbi ang yumakap saakin.

naka yuko ang kanyang ulo saaking balikat at basang basa ng luha.

humarap ako sakanya at kitang kita ko ang kanyang matang punong puno ng pighati at Ng nagdurusang luha.

"Napaka bading mo Kung iiyak ka dyan" Sabi ko sakanya. Humikbi sya at pinunasan ko ng luha ni grey ng parang bata.

"Ang sakit makitang Wala akong nagawa sa aming grupo. Any sakit sakit makitang lahat sila naka hilandusay at ako Lang Ang walang galos at Hindi na bugbog." Nanginginig Yung boses nya dahil sa kakaiyak.

Nakita Kong kinakaladkad na ng mga pulis ang hayop kong kuya. Agad na nandilim Ang aking mga Mata sakanya at nanggigigil.

Pinahinto ko Ang mga pulis sa pag kaladkad ko dito. Tinignan ko Ang kanyang Mata habang naka luhod sya sa harap ko.

"E-elizah!  Tulungan moko dito! Ayoko makulong! Please!!" Nag mamakaawa away sya pero Hindi ako nag patinag sakanya. Agad na lumapat sa kanyang pisngi ang aking palad.

"Napaka sama mong kuya! Akala ko nung una pananakot Lang Ang ginawa mo para layuan ko si Lester pero hindi! Napaka sama mong hayop ka!" Hindi pako nadala at sinampal sampal at tinadyakan ko sya habang tumutulo Ang aking luha.

Sa sobrang kalungkutan ko Hindi ko na Alam Kung ano pang gagawin ko! Patay na Yung boyfriend ko! Wala na syang buhay! Pucha ano pa bang silbe ko!.

Nag lakad lakad ako at Hindi ko Alam Ang pupuntahan ko.

Ano? Uulitin na Naman ba ang panahon!? Iiyak na Naman ako sayo? Iiyak nanaman all dahil say KALAGAYAN mo!? Nahihirapan na ako!

San kada saya Ng buhay ko laging may kaakibat na pighati! Ayoko ng ganto!

Napa upo ako sa swing Ng park Kung saan ako napadpad.

Sa park na ito dito ako unang dinala ni Lester. Kung saan nag simula Ang uncertain feelings ko sakanya. Mas lalo akong napaluha dahil sa isang babaeng nakita Kong nag wawalis. Isang Street sweeper .

"Huwag Kang maawa. Minsan yang awa mo Ang magiging dahilan Kung bakit ka kaa-awaan"

Mas lalong tumulo pa Ang luha ko dahil nag flash sya sa isipan ko. Tinignan ko Ang singsing na ibinigay nya saakin.

Lester Charles Whayde Dasovtch

Ang pangalan Ng taong Mahal ko.
Ang pangalan Ng taong nag pasaya saakin.
Ang pangalan Ng taong lubos na nag paiyak saakin.
Ang pangalan Ng taong hinding Hindi ko malilimutan.

Bakit nga ba ako nag Mahal Ng isang gangster na katulad nya? Kung simulat una palang alam ko namang Hindi tatagal relasyon namin?

Simula Ng makilala kita unti unti Ng nabago Ang buhay ko. Unti unti na akong nag iba kumpara sa dating Elizah.

Dati kase may sarili akong meaning Ng Gangster eh..

k

adiri?
  madudumi?
  masasamang tao?
  naninigarilyo?
  war freak?
  mga walang awa?
  or even DRUG USER!

Yan ang tingin ko sakanya or sakanila noon. Pero nag Mahal ako Ng katulad niyang kinamumuhian ko. Tanga na Kung tanga. Pero Hindi ko Naman pwedeng sisihin Ang puso ko diba? Hindi ko Naman pwedeng sisihin ang tadhana.

Pero nung minahal ko sya nag iba na Ang meaning ko sa Gangster. Nag iiba Ang meaning Ng isang gangster once na nag Mahal sila gaya Ng...

Mapag Mahal
Masayahin
Masunurin
Gwapo
Malinis
Ipag lalaban ka
Ire respeto ko.
At higit sa lahat hinding Hindi ka iiwanan.

Per bakit moko iniwan!?
Bakit Ang bilis mong sumuko!?
Diba Sabi mo babalikan mo ako? Diba Sabi mo pag uwi natin dito papakasalan mo na ako!?
Diba nga rainbow ang motif Ng kasal naten!?
Diba bubuo Tayo Ng pamilya!? Per nasaan ka? Bakit moko iniwan agad! Bakit Hindi ka lumaban!

No adjectives can describe my feelings for him

And no adjectives can describe my sadness now.

Mas tumitindi Ang pag luha ko sa tuwing ipipikit ko Ang Mata ko. Dahil na aalala ko Lang Ang bulagta nyang katawan kanina. Ang naka hilandusay nyang katawan kanina.

Kahit pa na Hindi ko sya nilapitan Alam Kong patay na sya. Punong puno Ng dugo Ang ulo sya at tadtad ng pasa ang katawan nya. Mas nasasaktan ako kapag nakikita sya.

In-open ko Ang screen Ng iPhone Kong 1% nalang. Bumungad agad Ang picture naming magkasama. Pumatak ang luha ko nsa screen Pero agad na nagulat ako sa tumawag saakin.

Ang cp number nya

"Hello? Is this Elizah Claire Dela Cruz?" Tanong Ng nasa kabilang linya, nananabik akong sumagot Ng oo umabot hanggang buwan Ang aking ngiti dahil ang buong akala ko good news ito pero...

"Fiancè po nya po Kayo diba?" Tanong nito.

"O-opo bakit po ba? Nasaan po sya? Kamusta po ba ang kalagayan nya?" Nag babakasakali akong matino Ang maisasagot Ng nasa kabilang linya pero Hindi ako naka hinga at tuluyang gumuho Ang aking mundo.

Nawasak lahat Ng pangarap namin. Lahat Ng plano namin. Nasira lahat ng masasayang ala ala namin at parang binaril ako Ng matindi sa puso.

Tuluyan Kong nailaglag Ang cellphone ko at Napa tulala sa langit...

"He's dead on arrival"

The Nerd Is A Gangster 1 [REVISION STAGE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon