Chapter 16 - Line of Mr. Gang Leader

110 3 0
                                    


Elizah

" nga pala Charles.. " napa angat ang ulo nyang naka yuko at tumingin saakin. Sa twing kasama ko sya magaan loob ko peeo bakit pa sya nag tatago sa katauhan nya? Sino ba talaga sya?

"Bakit ba masyado kang nag papaka nerd?" Sabi ko sabay subo ng chips.

"A-ahh.. Syempre.. P-para ano.. Ahh para makapag tapos." Sabi nyang pautal utal. Okay.. Mag lalakas loob na akong tanungin kung ano sya. At sino talaga sya..

"Ahhmm.. Charles.. Hindi sa pangengealam ha? Ano ba talaga ang full name mo? At sino ka ba talaga?. What o mean.. Ano.. Ahh parang pamilyar na pamilyar kase saakin yung mukha mo kung hahanggalin ang salamin, spots, braces at ayusin ang buhok mo.. " ohww shet.. Msyado bang mabilis ang pagkakatanong ko?

Tumingin sya saakin ng tanggal tanggal salamin. Bumilis ang kabog ng dibdib ko sa kaba.. Di ko alam kung bakit ganon ang dating ng titig nya saakin?.. Seryoso sya at kinagat ang labi..
Kilalabg kilala ko yung titigan at pag aksyon nya..

"May mga bagay na mahirap ipaliwanag at dapat malaman sa tamang panahon. " ibinalik nya ang salamin nya at nag sulat.. Bahagyang hindi ako naka hinga dahil parang sasabog na ako sa kaba.

"S-sorry.. Masyadong nakikialam ako.." Sabi ko sabay lagok ng inumin..

"Ngapala charles. Y-yung ano.. Yung locker mo.." Nag pout ako t napa kagat labi.. Paktay tayo dyan.. Tinapon ni lester yung Susi nya eh..

"Binuksan mo ba?" Tanong nanan nya saakin.. Masyadong nagiging seryoso ang pag tanong at ang boses nya kaya kinabahan ulet ako..

"O-oo.. " sagot kong nauutal

"Anong nakita mo?" Bahagya akong pumikit at inalala ang pangalang nakasulat sa isang notebook nya duon..

LCWD-131

Pilit kong inaalala yung pangalan pero hindi ko matandaan eh.. Basta charles ang letter C sa initial ng locker nya..

"W-wala naman" pailing iling kong sabi.

"Good" malamig na boses ang ibinato nya saakin.

"By the way .. Tapos ko na yung ginagwa nating pair project at naipasa ko na. " nag ayos sya ng gamit nya at iniligpit ang sinusulat..napa Lingon ako sa pinto ng cafeteria at nakita kong papasok sila miko,Jerome , mako at ... Alfredo

Nakaramdam ako ng guilt sa sarili ko dahil napaka sama kong kaibigan.. itinapon ko nalang basta basta ang pagkakaibigan namin... Naikuyom ko ang kamay ko at biglang tumayo.. Nasa likod din nila Miko at Alfredo sila Grey, Fourth, Howard at Bailey the blue eyed guy..

Dinaanan lang ako ng tingin ni Alfredo at umupo sa isa table at nag sindi ng sigarilyo.. Ganyan nalang ba talaga kadaling itapon ang mga bilin ko?.hayst! Elizah ano ba! Inutos-utusan mo silang lumayo sayo diba?

Biglang may babaeng naka tapon ng chocolate ice cream sa sapatos ko at syang napag bubusan ng galit ko..

"Gosh! Look what you've done!" Pasigaw kong sermon sa babae. Kapal pa ng lipstick. Kalandian!

"S-sorry.." Bulong nya. Kahit bulong iyon alam kong palaban syang sumagot. pinupulot nya ang mg nalaglag sa tray at syang ikinagulat ko ng tinuluyan nyang tapunin ang natirang ice cream sa binti ko.. Abaahh!! Lumalaban ka ah?

"Oops!" Sabi nya at tumayo sya. Nginitian nya ako iniwasan. Bago pa man sya makalagpas saakin. Pwersa kong hinatak ang buhok nyang maikli. Gupit ng isang marine transportation na babae. Hinatak ko iyon at itinaas paharap saakin. Napa ngiwi sya at nasisisigaw.

"Bitawan mo nga ako!" Sigaw naman nya. Maraming naka titig samin at nag bubulungan.

"Alam mo? Ang kapal din ng mukha mong makalyo eh noh? Ang lakas mo pang tapunan ang binti ko? " ngumiti sya ng sarcastically at binawi ang buhok nya. Binitawan ko ito ng patapon kaya napa usog sya..

"Wag mokong mataray tarayan kang malandi kang impokrita ka! Akala mo kung sinong maganda ka. Kung nakapag lipstick ka para kang sinapak! Chacka mo!" Tumalikod ako pero nagulat ako ng hatakin nya ang buhok ko. Nabawi ko agad ito at sinampal ng malakas ang makalyo nyang pisngi..

Gumanti agad sya ng sabunot at napa tuwad ko at binwi ang buhok at tinulak ko sya. Kinuha ko ang toyong malapit sa table at ibinuhos ko sa kanya. Kukunin ko pa sana ang suka pero may tumulong na agad sa kanya at may humawak ng kamay ko..

"That's enough" nahimas Masan ako ng kaunti sa boses ni Grey habang naka akbay saakin.

Nakita ko sila Alfredo at miko na tinutulungan ang babae at pinapag pagan. Mas lalong nasasaktan ako kase dapat ako yung tinutulungan nila eh! Hindi yang malanding yan! Hindi ko na napansing may tumulo na pala sa mga Mata kong patak ng luha.

"Pre! Pag sabihan mo nga yang babaeng yan" mas lalong nasaktan ako dahil pinag diinan nya ang salitang babae at parang hindi na rin nya ako kilala.. Miko...

" at bakit ko naman pag sasabihan sya kung tama lang ginawa nya??" Sabay bato ni howard ng upos ng sigarilyo.

"Aba't bastos kang hayup ka ah? " akmang sasapakin na ito ni Mako sa mukha pero hinawakan ito ni Alfredo

Mas lalong naiinis ako sa sarili ko dahil sa katangahan ko. Oo na ginawa nila akong tanga para lang mapasaya nila ako! Masayo lang akong nadala sa galit ko at pati pag kakaibigan naming twenty threenians itinapon ko..

"duwag naman pala kayo eh!" Sigaw ni howard. Nauna na silang mag lakad nina grey at naiwan akong tinititigan sila ni alfrwdong inaayos ang babae. Maraming nakatingin saakin or saamin at nag bubulong bulungan..

"Ayos ka lang ba Krishta?" Pangangamusta ni Jerome habang inaayos ang magulong buhok

"Nasaktan ka ba or what?" -miko . inakbayan ito ni Alfredo at nag yayang lumabas. Pero bago pa man sya tumalikod saakin tumingin sya ng natamlay at nag salita

"You've change a lot." Malamig na boses nya at walang emosyong nakatingin saakin bago tumalikod.

Napa tulala ako at napa luha. Nag bago na talaga ako.

Inakbayan ako ng lalaki mula sa likod ko at niyakap.

"Learn to accept the changes and know how to move on" saka ko lang sya nakilala dahil sa pabango nya.. Mag ka amoy sila ni Charles the nerd at Lester the gang leader ..

Nag lalakad na kaming dalawa para ihatid akk sa klase ko. Pero hanggang ngayon nasasaktan pa rin ako sa pag babago..

Napaka cold nila saakin.

Ehh sino bang tanga ang nag palayo sa kanila! Diba ikaw. Ngayon. Tanggapin mo nalang ang pagbabago..ika nga ni Lester. "Learn to accept the changes and know how to move on"

Pati konsesya ko sinesermonan na ako..

The Nerd Is A Gangster 1 [REVISION STAGE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon