Chapter 37 - Goodbye Fourth

89 4 0
                                    

Elizah


walang ganang naka titig ako sa harap ng ataol ng isa sa mga lalaki ko sa buhay. walang ganang naka tingin ako sa puting tela na naka harang sa likod nito at pinalibot ko ang mata sa tent na puti, mga bulaklak na walang kulay at halatang ito'y inialay lamang sa patay.


kahit na sa madaling panahon ko lang nakilala si fourth. hindi ko parin maalis sa isip ko na gaano kasakit ang mawalan ng kaibigan, gaano kalungkot makitang naka hilata sya at wala ng buhay ang kanyang gwapong mukha. mas lalo akong napa luha ng makita ko sa loob ng kabaong ang relong ibinigay ko sakanya noong birthday nya. ang relong hanggang ngayon suot suot nya pa kahit na wala na syang hininga.


puno ng hagulgol at luha ang paligid, puno ng pag hihinagpis kasabay sa init ng sikat ng araw. nag mistulang naubos na ang aking luha dahil hindi na ako lumuluha pa. naubos na sa tatlong araw na pinag lalamayan sya. naaawa ako sa iniwan nya sa buhay, masyado pa syang bata para iwanan ang mundong marami pang kailangang tapusin.


wala na ring mga kamag anak si fourth at tanging ang little sister na nya lang ang iniwan nya. kahit na wala na akong iluluha pa. nanlabo ang aking paningin dahil ang alam ng kapatid nyang bata ay natutulog lang ang kanyang kuya. wala na silang ama't ina kaya sino pa ang mag aalaga sa kapatid nya?


"Kuya Shin. buhat moko taas kita uya ko?" pang aaya ng bata kay shin. pinunasan ni shin ang luha nya at ngumiti sa bata


"S-sigeh baby" sabi ni shin at ngumiti sa bata bago ito binuhat.


"hi kuya!.. g-gising ka na, wala na akong katabi matulog eh.. w-wala na saaking mag s-sundo sa school" nag pout ang bata. suminghot si shin at tumawa pero pakitang tao lang.


"baby, nandito naman ang other kuya mo eh.. k-kami nalang mag susundo't hatid sayo, tapos kami na katabi mo mag sleep, kami nalang rin mag bibili ng mga wants mo. " pag papaliwanag ni shin.


tumingin ako sa isang sulok at nakita ko si shermaine na walang tigil na umiiyak. walang tigil sa pag yakap sa huling suot ni fourth na may bahid ng dugo. halos tatlong araw na rin syang umiiyak ng walang tigil, walang kain, walang tulog at nabuhay sya sa sweets at tubig lang.


naiinis ako sa sarili ko, naiinis ako dahil ako ang dahilan bakit namatay si fourth. nanlulumo ako dahil sa walang kwenta kong tatay nangyari ang trahedyang ito. b-bakit pa kase nangyayari saamin to?


tumayo ako at walang ganang nag lakad palabas, pumunta ang sa isang field sa labas. isang field na puno ng mga patay sa ilalim ng aking inaapakan. masyado akong iyakin, sawang sawa na akong umiyak. sawang sawa na akong tumakas sa problema ko. sawang sawa na ako sa sarili kong buhay. sawang sawa na ako sa maduduming perang ginagamit ko. sawa na akong palagi nalang inililigtas dahil baka hindi lang si fourth ang mawalan pa ng hininga saamin.

The Nerd Is A Gangster 1 [REVISION STAGE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon