Chapter 21 - Box

86 6 0
                                    

Eliza

Feeling ko lumaki ng konti ang mga eyebags ko, hindi ako makatulog sa kaba at bakit ako nakatanggap ng death threats. wala naman akong ginawang kasalanan sa kahit sino man ah?

hindi pa rin ako tumatayo sa higaan ko, iniisip ko pa rin kase yung nakasulat duon eh. 

SECURE YOUR LIFE

ano bang ibig nilang iparating? at bakit may putol pa ng ulo ng daga ang ipinadala nila saakin? sino ba sila? 

habang nag iisip ng masinsinan, napa ngiti ako dahil tumunog ang cellphone ko at expected ko na sya ang tatawag, daily routine nya kase ang kamustahin ako eh.

"Good Morning" sabi nya sa kabilang linya

"Bad Morning" sagot ko naman

"Oh? anong problema? at bakit hindi ka pumasok huh!? "sermon nya naman, at paano naman nyang nalamang hindi ako pumasok? hindi ba't ang pag kakaalam ko hindi na sya pumapasok?

"Wow, stalker ka noh? paano mo nalamang hindi ako pumasok?" sabi ko naman

"Hindi mo ba alam na nag enroll ako at pumasok sa coarse mo para lang makasama na kita araw araw?" sa hindi malamang dahilan bigla nalang akong namula at napakagat labi. ano nga bang kame?

"a-h.. g-ganon ba? ano eh.... masama kase pakiramdam ko tapos-" hindi ko natapos ang sasabihin ko dahil bigla nya nalang binaba ang linya, anong problema nun?

nawala ang panandaliang saya at ngiti ko noong nakita ko ang box sa malapit sa study table ko. Kahit na natatakot ako, pinilit ko paring itago iyon at dalhin dito. sasabihin ko ba sakanya yan?

maya maya nagulat ako nung biglang may kumatok sa pintuan ng kwarto ko at binuksan ni manang Salvie.

"Anak, may nag hahanap yata sayo sa baba, gusto nga pumasok sa kwarto mo eh." sabi nya

"ah.. papuntahin nyo nalang po sya dito sa kwarto ko." reply ko agad kay manang 

"May dala syang bouquet ng roses tapos may bitbit pang basket ng prutas, mukhang galing eskwelahan pa nga eh." sabi nya

Huh?  sa gantong oras na alas nuwebe may naka uniform na bibisita saakin? sino naman? may bouquet pa raw?...

nakita ko ang black na box at naisipang itago sa ilalim ng kama ko.

tok! tok! tok!

"sigeh pasok," sabi ko habang inaayos ang magulo kong kama, pag lingon ko napa awang ang labi ko at nagulat ako ng bigla nya akong yakapin.

napapikit ako at di na napigilang tumulo ng luha ko, yakap ko parin ang malaking katawan nyang mabango. napa luha ako nang maalala ko ang death threats na binigay saakin, dapat ko bang sabihin sakanya yon?

ang init ng yakap nya at feeling ko talaga ako'y nasa alapaap at ligtas sa tuwing nandirito sya sa tabi ko. kaya mas lalong bumuhos pa ang luha ko

"oh? bakit ka humihikbi? " ramdam ko ang  vibration ng boses nya at napangiti ako.

"w-wala, n-napuwing ata ako eh?"

"Napuwing?" inilayo nya ako at nakuta ko ang mukha nya

"napuwing pero nahikbi? anong palusot yan?" sabi nya at ngumisi, nawala nanaman ang singkit nyang mata na syang ikina bilis ng tibok ng puso ko.

The Nerd Is A Gangster 1 [REVISION STAGE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon