Chapter 35 - In Trouble

71 2 0
                                    


Grey


agad kaming nag tipon tipon sa sinabing parking lot ni dave. hindi ko maintindihan ang aking nararamdaman, may maling mang yayare. napagalaman din naming nakuha na si shermaine ang cellphone ni elizah kaya mas lalo akong nabahala.


unti unting sumakay ang mga lalaking may mga tapyas ang kilay. ng maka pasok na ang lahat sa van. sumakay ako ng motor ko at si lester. mabilis na humarurot ang van na ito.


"sundan nyo iyon! kayo na ang bahala!" sigaw ni lester kila alfredo.


pinaharurot ko ang sasakyan hanggang sa maka rating na kami ng skyway. medyo nahirapan akong sundan yung van dahil nga magkaiba ang late ng motorcycle at ng mga kotse. nasa kanang side ako habang ang van naman ay nasa kaliwang side.

"pre hindi ko na matanaw si fourth!" bulong saakin ni lester

"kumapit ka les, may text na na i track ulit ang GPS ng iphone mo!" sabi ko naman kahit pumapagaspas ang hangin. niyakap ako ni lester sa tyan para instant na kapit at para makapag text din sya.


natatanaw ko na ang plate number nya. BAD-0696


nanliit ang mata ko dahil sa nakita ko. bwiset kong hayop ka. once na mahawakan ko kayo papatayin ko kayo.. nag isip din ako, hindi kaya bagong grupo nga sila? kase wala namang kumakalaban saaming may tapyas ang kilay eh. bago nga sila. napa isip rin ako ng malalim dahil nga sa moon warriors na kalaban namin na hanggang ngayon hindi parin kame tinutulungan.


malapit na kami van at natatanaw ko na ang side mirror nito. nakita ko ang katabi ng driver's seat. binuksan nya ang bintana at nag babadyang.. fuck not now!


"grey! liko!" agad kong iniliko ang motor buti wala kaming kasunod at baka nabanggan na kami. pinaputukan kami ng baril ng naka sakay sa van na iyo. napa tigil kami saglit kaya nauna sila. nahalata siguro nilang sinusundan namin sila.


sa pangatlong putok ng baril hindi kami ang natamaan. isang kotseng BMW ang naka salo ng bala. pumutok ang gulong nito at umikot ng umikot ang kotse. umangkas ako sa motor pati si les. hinabol namin ang van na iyon. hindi ko naatim ang nakita ko sa side mirror ko.

nabangga ang kotseng BMW at biglang nag liyab. fuck!. mabilis na mabilis na pina harurot ko ang motor dahil baka matamaan kami ng sasabog na kotse. napa pikit ako bahagya ng maramdaman ko ang init ng likod ko dahil sumabog na pala ang sasakyan. 


"faster!" tinapik ako sa balikat ni lester

"gago ka ba? ikaw nga mag maneho kung may ibibilis pa itong 150 na ito. gusto mong lumipad tayo?" sagot ko naman kay lester

"tingeeeenn!!" na alerto ako sa sigaw ni lester. agad kong inii iwas ang motor namin dahil nakita kong binaril ng nasa van yung bakal ng isang truck na may lamang mga logs na malalaki. gumulong ito sa daanan kaya ang ibang sasakyan ay nadamay. nawasak ang iba at ang iba'y nalaglag sa sky way. napa tingin ako sa side mirror at nakita ko sila Alfredo.

The Nerd Is A Gangster 1 [REVISION STAGE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon