Welcome La Union...

45 0 0
                                    

(Bababa naman tayo sa province of La Union... The Surfing capital of the North. Andito din ang Botanical Garden of the North. Famous for beaches at mga falls. Let's explore La Union)

>Tifa<

Andito na ako sa La Union. Si Bryan lang ang pag-asa ko ngayon. Siya ang City Mayor ng isang bayan dito. His my friend since Highschool at sana lang ay nasa office niya ito. Damn, nakalimutan ko na yung bahay nila.

"Andiyan po ba si Mayor?" tanong ko sa police.

"Nasa meeting po siya. May kailangan ka ba sa kanya?"  tanong nito.

"Sana, but I can wait. Pakisabi nalang si Tiffany."  

Itinawag niya agad sa itaas. After a minute ay lumabas na ito.

"Bry."  Napayakap ako sa kaibigan.

"You silly brat! Nag-aalala lahat sa iyo!"  nag-aalalang wika nito. "Tara sa office."  yaya nito. "Walang nakakita sa kanya dito."  nakatingin ito sa mga nasa labas ng municipal hall. "San ka ba pumunta? And tell me what really happened?" 

Nasa office na sila ng kaibigan.

"Hindi pa rin makalimutan ni papa ang nangyari sa kapatid ko. And because of that, balak niya akong ipakasal sa fiancee niya. Kaya tumakas ako."  wika nito.

"Ilang beses tumawag si tito sa akin, hindi din yata naniwala. nagpadala pa ng mga tao sa bahay."  wika ni Bry.

"Help me. Ayaw kong magpakasal sa lalaking iyon. I don't love him.  Gusto kong mabuhay sa sarili kong desisyon at hindi sa desisyon ng iba. I used a man para lang makasurvive ako for the past 3 weeks. I used his cards and i need to return it para di niya sabihing mukhang pera ako."  paliwanag ko sa kaibigan.

"A man? Who?"  tanong niya.

"Hindi mo din siya kilala. I have an accident papuntang airport. He took me to the hospital and i pretended na may amnesia. Inalagaan niya ako. But  I need to come here para di na makaabala sa buhay niya."

 "Ok, for the time being sa Luna ka muna. Sa resort ni mama. Malayo yun kaya walang makakakita sayo. Hindi rin alam ni tito ang resort na iyon kaya safeka doon. And mas panatag ako sayo dun, may makakasama kang kaibigan ko. Busy ako ngayon sa work pero I'll  finish everything para masamahan ka din doon."

 Tumango lang ito. "Thanks Bry, alam kong hindi mo ako pababayaan."

"Pasalamat ka, spoiled ka sa akin. Kahit lagot ako kay Tito nito at kay papa. Alam mo naman ang mga iyon, magkakampi. Buti nalang 2 months vacation siya sa Europe."

 Nginitian niya ito.

" Ipapahatid kita sa isang sasakyan. May 2 pulis din akong ipapasama. I'm sure nandun na rin ang lalaking iyon ngayon. I'll just call him at sasabihing pupunta ka din doon."

Journey to Your HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon