“Kadarating mo pa lang aalis ka na ulit anak?” ang mama niya.
“Ma, uuwi lang ako sa condo ko? Alam niyo naman na ayaw kong makasama si papa diba?” sagot ni Delvyr.
“Kahit magdinner ka man lang kasabay kami ng kuya mo?” pakiusap ng mama niya.
“next time ma, promise ko iyan.”
“Saan na naman pupunta iyang magaling mong anak?”
Dumating na ang papa niya at kuya Mark niya. 1 year lang naman ang pagitan nilang magkapatid, 27 na si Mark at siya naman ay 26.
“Uuwi.” Matipid na sagot nito.
“Wala ka talagang galang! Iyan ba ang natutunan mo sa America?” sigaw ng ama.
“Hindi ko naman sinabi noon na pag-aralin niyo ako sa US?” sagot nito.
“Talagang sumasagot ka pa!” bulyaw ulit ng ama.
“Kaya ayaw kong umuuwi sa Pilipinas at lalo na sa bahay na ito.”
“Akala mo ba gusto kong nandito ka? Wala ka ng binigay kundi sakit ng ulo!”
“Sakit ng ulo pala? Oo nga naman, nakipag girlfriend lang ako noon sa isang artista sakit na ako ng ulo, kaya pinadala niyo na ako sa Amerika?”
“Layas!!! Hindi kita kailangan!”
“Same with me, pa.” sagot nito.
Walang sabi-sabi siyang lumabas ng bahay nila. Agad niyang pinaandar ang kotse niya. Wala pa ring pinagbago ba ang ama niya, hanggang ngayon ay sakit ng ulo pa rin ang turing sa kanya.
Delvyr Jake Villaruiz… 26, GF everywhere. Kung saan mapadpad nagkakagf, ganti niya iyon sa ama at kay Rhea. May reason naman ang dad niya noon, niloko lang siya ng babae, perahan at para mas sumikat pa.
Regalo ng mama niya ang condo unit na gamit niya, kwarto lang niya at isang mini library ang kwarto doon, Ang living room niya akala mo sinehan sa laki ng TV, mag isa lang siya pero pang sampung tao ang dining area niya. Pagluluto? Diyan siya magaling. Sabay sila ni Austene na nag-aral ng culinary noon at ipinagpatuloy pa niya sa US.
“Hey Bryan, nasa La Union ka ba?”
Tinawagan niya ang kaibigan. Siya lang naman ang pinakabatang mayor ng City of San Fernando, La Union.
“Badtrip eh? Bibiyahe ako diyan 0ne of this days.” Tuloy nito. (Meet Bryan and Xylyn sa next story ko.)
Shower… Luto… Kain….
Calling Sam….. Isa sa mga fling niya, pero kahit may mga nakakadate siya, wala siyang dinadala sa condo unit niya. Respeto niya sa mama niya iyon
“Hi babe, labas tayo?” malambing na wika ng babae.
“Where are you?” tanong niya.
“AYER Bar…. 30 minutes from your condo.” Sagot ng babae. “What if ako na lang pala ang pumunta diya?”
“Pupuntahan na lang kita.” Sagot ng lalaki.
May pamilya na ang ibang kaibigan niya sa kanilang walo, siya, si Austene, at Bryan na lang ang single.
Wala pang 30 minutes…. Nasa bar na siya, hindi naman available si Austene ngayon, kasama niya si Akanie (Fiancee ni Austene yan. Sila ang last story ko)
“Bakit kasi ayaw mong pumunta ako sa condo mo?”
Hindi niya ikakaila na he spent some night with her, pero hanggang doon lang iyon.
“Alam mo na ang reason.” Sagot nito.
“Hindi na uso ang sinabi mo? Mama’s boy ka ba?”
Nilaro-laro niya ang alak sa baso niya.
“May mama’s boy bang ganito humalik?”
Tama ka… hinalikan nga niya, para tumigil na ang babae. Alam naman niya ang gusto ng babae ngayon. Hindi na niya pinatagal pa…. Dinala na niya ito sa pinakamalapit na lugar na sila lang ang nakakalam ng ginagawa nila. (hahaha, sorry readers masyadong maaga pa.)
“So, kailan ulit tayo magkikita?” tanong ng babae.
Madaling araw na at nagbibihis na siya para umuwi.
“Iyan ang hindi ko alam, hanap ka muna ng ibang mama’s boy diyan sa tabi-tabi.” Tinapunan niya ito ng 10,000 at umalis. Narinig na lang niya sumisigaw sa gallit ang babae.
BINABASA MO ANG
Journey to Your Heart
General FictionGusto kong tumakbo palabas ng simbahan, Nasa harap ng altar ang papakasalan ko katabi ang lalaking mahal ko. Itutuloy ko ba o haharapin ko na lang ang magiging consequence ng desisyon ko?