(Kala niyo hihintayin kong mag-20 readers talaga? Hindi noh? Lalo na nagbabasa ang BFF/Daing/Couz ko. Oh, asan yung mga adik sa wattpad na kapatid ko, Gerlie.... at yng isa ko pang pinsan na taga send sa akin ng babasahin kong story sa cp ko, Mimi & Jj.... Uy basahin niyo ha? Love you mga Seran.....)
Part I – “Plz. Tifa…”
After 5 years ay nakabalik na din siya. Hindi niya akalain na babalik ulit siya pagkatapos ng mga nangyari sa kanyang buhay. Kagaya pa rin ng dati, sobrang init at mabagal pa rin ang services sa NAIA. Gustong-gusto na niyang makasama ang dad niya kaso nga lang ang driver naman ang susundo sa kanya.
Naalala na naman niya ang mom at sister niya. 5 years…. Sobrang miss na niya ang mga ito, pero hindi na niya makikita at makakasama ang mga ito.
“Mary Teffanie?”
“Mang Hulyo?” tawag nito.
“Dalagang- dalaga ka na anak, may boyfriend ka na ba?”
Ngumiti ito. “Mang Hulyo naman.”
She’s 25 pero ayaw na niya munang magkaboyfriend, natakot siya na makakita ulit ng katulad ng gagong exbf niya. Hindi niya pa rin makalimutan ang ginawa ng pesteng lalaking iyon at dahil sa kanya namatay ang kapatid niya.
“Tara na nga mang Hulyo, miss ko na si dad eh?”
Home… Sweet… Home… Namiss niya ang kwarto niya, ang mga gamit niya at ang mga collections niya.
“Mamayang gabi pa po uuwi ang dad niyo ma’am?” wika ng katulong
“Great, makakapagluto pa ako.”
Menu niya for tonight, Soup- Corn Chowder, gagawa din siya ng Chicke Ceasar Style Salad at ang main dish niya Chicken Ratatouille at dahil mahilig siya sa chocolate Carob Candy Balls… (search ko iyan sa internet). Inihanda niya lahat ng gagamitin niya sa pagluluto. Mula noong pumunta siya ng US natuto na siyang magluto para sa sarili niya.
“Naku iha, marunong na marunong ka ng magluto.” Puri ng katulong nila.
“Oo ate, mahirap mag-isa sa US kaya para mabuhay kailangan kong matutong magluto. Tikman niyo mamaya ate ang mga niluto ko.” Nakangiting wika nito
Mary Tiffany Israel…. 25, single, jewel designer. Dati siyang model sa Pinas, tawag sa kanta Tiffa, marami siyang endordement noon, at doon din niya nakilala si Art ang EXBF niya.
Luto… Luto….Luto… Isang oras din at kalahti… After 30 minutes ay dumating na and dad niya.
“Tiffa!!!”
“Dad!!!” Niyakap niya ang ama.
“I miss you my daughter, mabuti naman at bumalik ka na.”
“Dad talaga, syempre miss ko kayo, kaya nga ako umuwi. Wait, I cooked something for you.” Hinila niya ang ama papuntang dining table.
“Wow, you amazed me. Dati ay wala kanga lam lutuin kundi nilagang itlog.” Natatawang wika ng ama.
“Dad naman.” Himutok nito at nagpout. “ Kain na tayo, excited na akong magcomment ka sa luto ko.”
“Halika na, and habang kumakain tayo magkuwento ka.”
“Sure dad.”
Tuwang-tuwa siya habang kausp ang dad niya. 1 year pa lang niya sa US non ay pinapauwi na siya. Panay ang bisita niya noon doon para lang iuwi siya pero talagang matigas ang ulo niya.
“Stay for good iha, hindi na ako bumabata. Ikaw lang ang maaring magmay-ari ng company natin.”
Nginitian niya ito. Kaya nga siya nag-aral ng Jewel Designing para lang sa dad niya. Akala noon ng dad niya ay si Mary Angela ang gumagawa ng mga pinapakita niya, hindi nito alam na siya talaga. Nakiusap lang ang kapatid niya noon para ma-appreciate ng dad niya at para hindi siya striktuhan, lalo na at may BF ito noon… ang BF din niya.
“Pag-iisipan ko dad. “ sagot nito.
“Ayaw kong pag-isipan mo lang, ang gusto ko gawin mo anak.”
BINABASA MO ANG
Journey to Your Heart
General FictionGusto kong tumakbo palabas ng simbahan, Nasa harap ng altar ang papakasalan ko katabi ang lalaking mahal ko. Itutuloy ko ba o haharapin ko na lang ang magiging consequence ng desisyon ko?