Chapter 2 - Accident, Meet Mr. Cold-hearted

123 7 0
                                    

Palakad-lakad siya sa kanyang kwarto. Kailangan niyang gumawa ng paraan para hindi matuloy ang kasal nila ni Mark. Magiging impyerno ang buhay niya habang nabubuhay. Kahit nas loob siya ng bahay nila ay parating may nakabantay sa kanya.

"Ano ba? Pati ba dito sa loob ng bahay?" sigaw niya sa lalaki. "

"Utos po ng papa niyo mam." Sagot nito.

"daig ko pa ang mamamatay tao." Padabog itong umakyat ulit ng kwarto niya. "Isip Tifa.... Gamitin mo yang utak mo!"

"Saan ang lakad?" tanong ni Brix.

Tinawagan niya ang kaibigan na uminom muna. "Bahala na, magpapalamig muna ng ulo." Sagot nito. "Wla na kayong ginawang tama sa kanila."

"Kay Bryan ka pupunta?"

" Sa Baguio muna, manonood ng Panagbenga." Sabay na ipinakita ang camera nito.

"Kung hindi lang buntis si Rvy makakasama kami, maselan siya ngayon."

"Don't worry, mas ok muna yung mag-isa ako. Malay mo may makasalubong ako sa daan na makakasama ko." Sagot nito. "At isa pa, maraming babae sa buong Pilipinas." At ngumisi ito.

<Tifa>

"Hindi po kayo pwedeng lumabas ma'am na hindi kasama si Sir Mark." Pigil ng guard niya.

"Guard kita diba? Anong silbi mo?" isang shoulder bag lang ang hawak niya pero naroon lahat ng ATM, passbook, ilang mamahaling jewelries niya at cash. Kapag nakatakas siya saka na lang siya bibili. Hindi naman mafrefreeze ng papa niya ang mga accounts niya. "Oh ano po? Gusto kong pumunta sa mall.

30 minutes..... nasa mall na sila.. wala pa rin siyang maisip na plano, kapag tumakbo siya siguradong taatwag agad ang guard niya kay Mark o sa papa niya.

"Kahit basa CR sasama ka?" inirapan niya ito.

"Dito lang pos a labas." Agot ng lalaki.

Wala pang 3 minutes ay lumabas na siya.

"Kuya bumili ka ng napkin sa supermarket." Bulong nito sa lalaki.

"Po? Sige na kuya please? May tagos po ako." Angelic face pa siya.

'Ha, eh, sige po, ano pong brand?" tanong ng lalaki.

"Tanungin niyo na lang yung pinakamahal dun." Sagot nito.

Agad namang tumakbo ang lalaki. Ito na ang hinihintay niyang pagkakataon, makakaalis na siya. Lakad, takbo... lakad, takbo...... sa wakas...

"Taxi!!!" sigaw niya..... "Yes!"

Napatingin ang driver sa kanya, "Saan po tayo miss?"

"Sa airport .... Ay hindi pos a terminal pala ng bus papuntang Baguio." Sagot nito.

"Miss, akin na ang bag mo.... Holdap ito,"

"MAnong driver naman..... masamang biro po iyan!" natatakot siya sa sinabi ng driver.

"Sino bang nagbibro! Bag mo!" sigaw ng driver.

HIndi siya pwedeng maholdap ngayon. Kapag ibinigay niya ang bag niya tapos na ang lahat.

"Hindi mo pa ba ibibigay? Gusto mo na bang mamatay?"

OMG! Ayaw pa niyang maMATAY.... Pilit hinihila ng driver ang bag niya, pero ng makakita siya ng pagkakatao, hinampas niya ng nakitang bote ang ulo ng lalaki na naging dahilan at magpagiwang-giwang ang taxing sinasakyan niya.

"No!!!!!!" sigaw nigaw nito. mababangga na sila.

"Kuya iwasan mo!" sigaw ni Jake sa driver.

Sh*t kahit saan saang direksiyon ay sinusaundan ng kaharap na taxi. Hinanda na lang niya ang sarili sa mangyayari and in a blink of an eye. wasak ang parehong harapan ng taxi. Pinilit niyang lumabas ng taxi at sinubukang tulungan ang driver. Napansin niyang tumakbo paalis ang driver ng taxi at iniwan ang pasahero. Naaninag niya ang isang babae sa likod. Pagkababa niya sa driver ay pinuntahan niya ito. agad naman niyang nabuksan ang pinto.

Journey to Your HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon