Chapter 5

14 2 0
                                    

Keshin's pov

"Uy,Keshin gising na. Andito na si Miss".

Naalimpungatan ako ng marinig ang mahinang pagtawag ni CM sa pangalan ko. Hindi ko namalayan na nakatulog pala ako. Marahil ay sa sobrang stress ko dahil sa nangyari kanina. Pasimple akong dumukot ng gummy bear sa bag saka mabilis itong kinain.

" Are you ok?",mahinang tanong CM.

Tumango lang ako saka muling itinuon ang atensyon sa nasa harap. Subalit kahit anung gawin ko ay walang pumapasok sa utak ko. Ang daming bagay ang gumugulo sa isip ko idagdag pa ang nakakainis na nangyayari sa akin sa paaralang ito.

Natapos ang dalawang magkasunod na subject na wala man lang akong naintindihan. Ng magring ang bell ay mabilis kong inayos ang aking mga gamit.

"Keshin sandali".

Saglit akong napahinto sa akmang pag alis ng tawagin ako ni CM.

" Gusto ko lang sana magsorry", nahihiyang sabi nito.

"For what?", nakakunot noo kong tanong kahit nahuhulaan ko na ang dahilan ng kanyang pagsosorry.

"Sa ginawa ni kuya. Mabait naman yun e. May topak lang talaga. Kaya ako na ang-

"I don't need sorry from you or from anyone else.", putol ko sa sinasabi niya."At bakit ikaw ang nagsosorry? Ikaw ba ang may kagagawan ng nangyari sakin?"

"Ha? Hindi naman sa ganun.", napapahiyang tugon nito.

" Don't worry about me. I'm fine. At hindi ako galit.. Sa'yo at sa kuya mo",sabay ngiti ko. Kitang kita ko ang pagkagulat sa kanyang magandang mukha maging sina Erin at Charm.

"OMG!", sabay sabay na bulalas ng mga ito siyang ipinagtaka ko.

" Ngumiti ka?",namimilog ang mga matang wika ni Charm.

"Why?masama ba?", naguguluhang tanong ko.

" Of course not. It's just that palage kasing blanko ang mukha mo. You know,poker face",si Erin na mukhang di rin makapaniwala.

"Shocks! Ang ganda mo pag ngumingiti", si CM na animo kinikilig pa.

" Tsk!"

Yun lang pala. Akala ko kung anu na.

"Claire"

Naputol ang pag uusap namin ng biglang may tumawag kay CM. Paglingon namin ay andun ang apat na kulugo.

What is it this time,huh?

Sumeryoso na ko ng mukha habang papalapit sila.

Huwag mo na naman akong simulan ngayon dahil sisiguraduhin ko ng may paglalagyan ka na!

"Bakit kuya? Don't tell me may binabalak ka na naman. Don't you dare or else-",

" I'm here to talk to her",putol nito sa sinasabi ng kapatid. Awtomatikong lumipad papunta sa akin ang mga tingin nila.

"Tsk! There's nothing to talk about", mayabang kong sabi. Kalokohan!

" Ah,Kesh, baka pwedeng pakinggan muna natin si kuya?",si CM na parang nakikiusap.

Napabuntong hininga na lang ako. Maswerte ang kulugong ito at may mabait na kpatid..

"Talk", tipid kong sabi. Tumitig ako kay Brett. Hindi ko alam pero tuwing tititigan ko siya ay may nakikita akong kakaiba sa mga mata niya na hindi ko malaman kung galit, takot,kaba o paghanga?

Tsk..napapraning na naman ako.

" Magtititigan na lang ba tayo?",naiinip kong untag sa kanya. Para itong nakatulog na sa tagal umimik. Abnormal.

My ExtraOrdinary girlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon