Chapter 10

8 2 0
                                    

Brett's Pov

Matapos kong iwan si Keshin sa detention room ay nagpunta agad ako sa clinic upang kumuha ng first aid kit. Dumaan na din ako sa cafeteria at bumili ng makakain pagkatapos ay bumalik na din ako doon. Baka kasi mamaya tumakas siya pag di ako nakabalik agad.

What the fuck? Tulog?!

Nadatnan ko siyang nakahiga sa pinagdikit dikit na upuan. Ginawa nitong unan ang backpack na dala. Tuwid na tuwid ang pagkakahiga nito habang ang isang kamay ay nakapatong sa kanyang mga mata.

Dahan dahan akong lumapit saka pinagmasdan siya. Gaya ng dati ay nakasuot lang ito ng tshirt na black at pantalon na hindi fit sa kanya. Ang rubber shoes niya ay parang hindi man lang nilalabhan sa dungis. Napaisip tuloy ako kung anong klaseng buhay kaya ang meron siya.

Napatitig din ako sa mukha niya. Ilong at labi lang ang kita ko dahil natatakpan ng kamay ang mata niya. Gayunpaman, hindi maipagkakaila na maganda siyang babae. Matangos ang ilong nito at manipis ang mapupulang labi.

Parang ang sarap halikan! Shet!

Napalunok ako sa naisip.

"Tapos ka na bang pag aralan ang kabuuan ko?"

Halos mapalundag ako sa kinatatayuan ko ng bigla itong magsalita.

"Tsk! Malakas ang pakiramdam ko kahit tulog ako", ani pa nito saka bumangon at umayos ng upo.

" A..ano bang sinasabi mo? Kadarating ko lang!",pagtanggi ko sa naunang sinabi niya.

"Talaga?", nang aasar na tanong nito.

" Oo!tch!",singhal ko sa kanya."Oh ayan, kumuha ako ng first aid kit sa clinic. Bumili na rin ako ng makakain",inilapag ko sa harap niya ang kit at ang paper bag na may lamang burger at coke. Pagkatapos ay isa isa kong inilabas ang mga gamot na gagamitin sa mga sugat niya. Umupo ako sa katapat niyang upuan.

"Anong gagawin mo?",gulat na tanong nito.

"Malamang lalagyan ng gamot yan mga sugat mo!", bulyaw ko sa kanya. " Huwag kang mag alala,wala akong gagawin masama sa'yo. You're not my type!"

Agad na nagsalubong ang kilay niya sa sinabi ko.

"Tsk!Kaya ko ang sarili ko!", mayabang nitong sabi saka inagaw ang bulak at alcohol sa kamay ko. " Akina!",sigaw pa nito ng hindi ko pakawalan ang hawak ko.

"Ako na nga!", saka ko sinimulan dampian ng bulak na may alcohol ang kilay niya. Wala naman itong nagawa kundi ang magpaubaya na lang.

" Leche! Masakit!",bulyaw nito ng mapadiin ang pagpupunas ko sa sugat niya. Medyo napangiwi pa ito.

"Sorry", mahina kong usal saka bahagyang hinipan ang sugat. Noon ko napagmasdan ng mabuti ang mukha niya. Maganda ang mga mata niya. Mahahaba at malalantik ang pilik ng mga ito.

Bagay sa kanya. Maganda pala talaga siya kahit lageng salubong ang kilay hehehe..

Lihim akong napapangiti sa naiisip ko.

" Tsk!May nakakatawa ba sa mukha ko?"

Fuck! Napangiti pala ako!

"Wala noh! May naisip lang ako!"

"Denial king", mahinang bulong nito na abot pa din naman ng pandinig ko. Hindi ko na lang pinansin ang sinabi niya saka mabilis kong tinapos ang paggamot sa sugat niya.

" Oh,tapos na!",sabi ko ng malagyan na ng gasa ang sugat sa kilay niya. Band aid lang ang inilagay ko sa gilid ng labi niya.

"Okay", tipid nitong sagot.

My ExtraOrdinary girlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon