Chapter 14

10 1 0
                                    

Keshin's pov

Matapos kong matanggap ang tawag kanina ay nagmadali na akong umuwi. Habang papalapit ako sa apartment na inuupahan ko ay natanaw ko na agad ang isang pink porsche na nakaparada sa harap. Nakatayo habang nakasandal sa tabi nito ang babae na siyang may ari ng sasakyan. Nang makalapit ay mabilis kong ipinarada ang motor ko sa gilid. Hindi pa man ako nakakababa ay sinalubong na niya agad ako.

"Hime!",masiglang tawag niya sa akin. Nakasanayan ko na ang ganyang pagtawag niya kahit hindi naman ako isang prinsesa. Agad niya akong niyakap kahit hindi pa man ako nakakapagtanggal ng helmet.

(Hime means princess)

"Tsk! baka pwedeng magtanggal muna ako ng helmet?", sarkastikong sabi ko.

"Hahaha sorry naman. Na excite lang akong makita ka", napapahiyang sabi nito saka lumayo sa akin.

Tinanggal ko ang helmet saka bumaba ng motor. Nun ko lang natignan ng mabuti ang kaharap. Nakasuot ito ng maong short at light yellow na blouse. Nakasuot din ito ng itim na boots. Ang buhok ay nakabraid na pinatungan niya ng sumbrero. Simple lang ang ayos niya pero maganda pa rin tignan.

"Tamara", sambit ko sa pangalan niya." You look...good".

"Hmp! I hate you talaga. Hanggang ngayon you're calling me Tamara. How many times do I have to tell you that it's Tamie! Tamie ok? Tamie!", nakaingos nitong sabi. Bahagya akong napatawa. Hindi pa rin siya nagbabago. Madaldal pa rin at ayaw na tinatawag siya sa pangalan niya.

"Hindi ka pa rin nagbabago",napapailing na sabi ko.

"At ikaw?",pinasadahan niya ako ng tingin. "You changed a lot. Hindi lang sa ugali pati sa itsura. I guess Storm is right. "

"Tsk! Kaya ka ba nagpunta dito para iconfirm ang naging pagbabago ko?",asar kong sabi." Then leave!".

Binuksan ko ang gate ng apartment saka pumasok sa loob. Diretso na din ako sa loob ng bahay,hindi ko na pinansin pa ang bisita ko. Agad akong umupo sa sofa at ipinahinga ang katawan.

"Hey,teka lang. Ikaw naman,masyado kang hard hahaha", sumunod ito sa loob at iginala ang paningin. "You live here? Masyadong maliit",komento pa niya.

"Mag isa lang ako dito. Hindi ko kailangan ng mansyon".

"Hahaha,masyado ka naman seryoso hime", umupo ito sa katapat na sofa. "So, how are you? It' been two years". Sumeryoso ito ng mukha. Nawala na ang kanina ay makulit at madaldal nitong aura.

"I'm fine",tipid kong sagot. Hangga't maaari ay ayokong pag usapan ang nakaraan dahil pakiramdam ko ay na stock ako dun at hindi na makakaalis pa. Mula ng umalis ako makalipas ang dalawang taon ay ito pa lang yata ang pagkakataon na muling magkita kami. Madalas kasi ay sinasabi kong busy ako para hindi niya ako kulitin. "How did you know my place?", tanong ko para mailihis ang usapan. Although may ideya na ako kung sino ang nagsabi sa kanya.

"Do I need to tell you? Everyone knows your whereabouts. Ayaw ka lang nilang gambalain dahil kilala ka nila. Scary hahaha".

"At ikaw hindi ka natatakot sa akin?",binigyan ko siya ng nakakamatay na tingin. Nilabanan niya ang mga titig ko ng walang takot.

"Why should I? Pumapatay ka lang naman,hindi nangangain", pagbibiro nito pero alam kong sa kailaliman ng isip niya ay may halong katotohanan ang sinabi niya.

"Tsk! Gusto kong matulog,hindi ka pa ba aalis? Mukhang mangulit lang naman ang pakay mo kaya ka nandito",pagtataboy ko sa kanya.

"Hahaha of course not! Here, I brought your uniform. I heard na hindi ka pa nakauniform sa tuwing pumapasok ka. Kaya heto, ipinagpagawa agad kita", inilapag nito ang isang paperbag sa ibabaw ng mesang nasa pagitan namin.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 22, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My ExtraOrdinary girlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon