Chapter 6

12 2 0
                                    

A/N: Please watch the video for the song. Pasensiya na kung hindi ganun kaganda ang pagkakagawa..

Thanks...

Keshin's pov

Lumipas ang ilang araw at naging maayos na ang pag aaral ko sa CIS. Tinigilan na ni Brett ang pambubully sakin although may mga nagpaparinig pa rin. Hindi ko nalang sila pinagtutuunan ng pansin. Ilang araw na rin na kasabay ko sila maglunch pati ang pagtambay sa may garden sa likod ng college building ay tumatambay na din sila. Yun nga lang mas madalas na nasa taas lang ako ng puno at natutulog habang sila ay nagkwekwentuhan. Madalas din naman na hindi nakakasama si Brett dahil laging nakabuntot dito yun Elaine. Pero nitong mga nakaraang araw ay napansin kong hindi na nito madalas kasama ang babae.

Vacant ko ngayon dahil wala ang prof namin kaya naman andito ako uli sa paborito kong tambayan. Wala sina CM dahil nagugutom daw sila kaya nagpuntahan muna sa cafeteria. Sa pagkakataong ito ay naupo lang ako sa may ilalim ng puno. Inilabas ko ang gitara ko. Lage ko itong dala dahil may mahalagang bagay akong nakatago sa loob ng lagayan nito pero ngayon ko lang naisipan gamitin ang gitara. Dahan dahan ko itong tinipa kasabay ng pakikiramdam ko sa paligid.

mukang napapadalas ang panonood mo sa akin ah,tsk!

Nitong mga nakaraan araw ay ramdam kong may isang pares ng mata ang laging nakamasid sa bawat kilos ko. Sinimulan ko ng tipahin ang paborito kong kanta saka sinabayan ito.

Kung tayo ay matanda na
Sana,di tayo magbago..
Kailan man,nasaan man
Ito ang pangarap ko..

Bakit pa kailangan magbihis?
Sayang din naman ang porma
Lage lang naman may sisingit
Sa tuwing tayo'y magkasama..

Makuha mo pa kayang ako'y hagkan at yakapin, hmmm..
Hanggang sa pagtanda natin?
Nagtatanong lang sa'yo
Ako pa kaya'y iibigin mo?
Kung maputi na ang buhok ko...

Hahayaan na lang sila
Magkandarapa na manligaw sa'yo
Idadaan nalang kita sa awitin kong ito,
Sabay ang tugtog ng gitara..
Idadaan nalang sa gitara...

Pagdating ng araw,
Ang iyong buhok
Ay puputi na rin.
Sabay tayong mangagarap
Ng nakaraan sa'tin...

Bakit pa kelangan ng rosas,
Kung marami naman mag aalay sa'yo
Uupo nalang at aawit
Maghihintay ng pagkakataon...

Ang nakalipas ay ibabalik natin,hmmm..
Ipapaalala ko sa'yo..

Pagbibigyan nalang sila
Magkandarapa na manligaw sa'yo
Idadaan nalang kita sa awitin kong ito..

Ang aking pangako na ang pag ibig ko'y laging sa'yo..

Idadaan nalang sa gitara..
Kung maputi na ang buhok ko..

Ginawa kong mash-up ang pagkakanta ko sa gitara at kahit maputi na ang buhok ko dahil halos pareho lng ang tono nito. Ng matapos ay mabilis kong ibinalik sa lagayan ang gitara at saka tumayo na. Napasulyap ako sa taong nagkukubli sa tagong bahagi ng building. Dahan dahan akong naglakad sa kabila upang makapunta aq sa kinaroroonan niya.Nakita ko na nakaharap ito sa direksyon kung san ako nakapwesto kanina. Lumapit ako ng tahimik sa kanya habang nakatalikod siya sakin.

Ang hina ng pakiramdam,tsk!

"Maganda ba ang pagkanta ko?", sabi ko sa mahina at kalmadong boses.

Kitang kita ko ang pagpitlag niya dahil sa gulat. Napasilip pa ito sa may kinaroroonan ko kanina bago dahan dahang humarap sa akin.

"Pa...pano ka n..nap..napunta dyan?", nagugulat na tanong nito.

My ExtraOrdinary girlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon