Chapter 11

7 2 4
                                    

Darren's pov

"Keshin,can you join me?", napatingin silang lahat sa akin ng tanungin ko si Keshin. Andito kami ngayon sa may mini garden kung saan naroon ang paboritong tambayan ni Keshin. Naging tambayan na rin namin magkakaibigan ito tuwing pare-pareho kaming walang klase. Kasama namin dito sina CM,Erin,Charm at ang tatlo kong kaibigan. Nagkwekwentuhan lang ang tatlong babae samantalang naglalaro ng baraha sina Aaron at Pierre. Si Brett naman ay tahimik lang na naglalaro sa kanyang ipad na nakakapanibago dahil pag ganitong bakante ay nasa ibang lupalop siya ng school at nambababae.At si Keshin naman,gaya ng dati ay nasa may taas ng puno at nakaupo. Paminsan minsan ay isinasali din siya nina CM sa usapan.

" Saan?",agad kong nasalubong ang seryosong mukha at kunot noo nito.

"Hmm.. I'll tell you later", nakangiting sagot ko.

" Tch!"

Pasimple akong napasulyap sa kinauupuan ni Brett. Alam kong sa kanya nagmula ang tunog na yun. Looks like someone is jealous!

"Oi,oi,oi, san yan ha?", lumapit sa akin si CM na salubong na din ang kilay.  Nagpamewang pa ito sa harap ko na akala mo nanay ko.

" Haha relax okay? Magpapasama lang ako dyan sa tabi tabi",nakataas ang dalawang kamay na sabi ko. Weird!pati siya galit?!

"Dude,ano yan dumada-moves ka na ba?", narinig kong nang aasar na sabi n Pierre. Sinundan naman ito ng malakas na tawa ni Aaron. Mukhang may ideya na din sila sa ginagawa ko.

" Puro kayo kalokohan! Tumahimik nga kayo at matutulog ako!", malakas na bulyaw ni Brett. Lalo naman nagtawanan ang dalawa. Pati ako natawa na din pero biglang nawala ito ng makita kong titig na titig sa akin si CM. Hindi ko alam kung namalikmata lang ba ako ng makita kong may lungkot sa kanyang mga mata. Why?

"Psh! Ewan ko sa'yo", naglakad na ito pabalik kina Erin at Charm na nakisali na din sa paglalaro ng baraha. " Kesh, samahan mo na nga si kuya Darren ng matigil na",pinakadiinan pa nito ang salitang kuya. Napailing na lang ako.

"Tsk! Saan ba yan?", maangas na tanong ni Keshin matapos tumalon mula sa puno. Hanggang ngayon nagtataka pa din ako kung paano niyang nagagawang umakyat at bumaba sa punong iyon ng walang kahirap hirap.Unbelievable!!

" Basta",nakangiting sabi ko. "Guys,dyan muna kayo", paalam ko sa kanila. Tumango lang sina Pierre at Aaron samantalang si Brett ay tumalikod. Masama pa rin ang tingin ni CM habang kumaway lang ang dalawa pang babae.
" Let's go",baling ko kay Keshin. Tinanguan lang niya ang mga kasama at saka nauna na itong maglakad.

"Saan ba tayo pupunta?", agad nitong tanong ng medyo makalayo na kami sa tambayan.

" Magpapasama lang ako sa music hall.",nakangiti kong sabi. Hindi na ito nagsalita pa. Nang marating namin ang music hall ay eksaktong walang tao kaya kaming dalawa lang ang nandon.

"Do you play music?", nilapitan ko ang grand piano na nasa bandang gitna.

" No",tipid nitong sagot. Nakita kong sumandal ito sa may pader habang nakasuksok sa magkabilang bulsa ng pants ang kanyang kamay.

Cool!

"What are you planning?", hindi ko inaasahan ang tanong niyang iyon. Napatingin ako sa kanya ng may matang nagtatanong.

" Tsk!",unti unti itong naglakad palapit sa akin.

" Don't make a fool out of me, Darren. I maybe cold but I'm not stupid",seryosong sabi nito ng mapatapat sa akin. Walang mababasang kahit anong emosyon sa mukha niya. Ang mga mata niya ay singlamig ng yelo kung tumitig. Nakaramdam ako ng kaba.

"Hey,hey! I don't have any intention against you,okay? I just want to know more about you", napaatras ako ng isang hakbang. Baka kasi bigla nalang niya akong sakalin.

My ExtraOrdinary girlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon