Chapter 9

9 2 0
                                    

Keshin's pov

Nang makabalik na kami ni Darren mula sa park ay nagtungo na agad ito sa klase nito. Ani nito ay hahabol siya sa pangatlong subject nila. Ako naman ay naglakad muna papunta sa locker area para kunin ang ilang libro na kailangan ko.

Wala ng mga estudyante sa paligid ng building ng college of accountancy ng dumating ako dun dahil kanina pa nagsimula ang klase. Di na nga ako nakapasok sa unang subject ko. Kinuha ko lang ang dalawang libro ko saka muling isinara ang locker.

Paaaakkkkk!!!

Pagbaling ko sa harap ay isang malakas na sapak ang sumalubong sa'kin. Sa gulat ko ay napahiga ako. Inis na napatingin ako sa may gawa. Nakatayo sa harap ko ang isang matangkad na lalaki. Nakasuot ito ng puting tshirt na pinatungan ng black leather jacket,maong pants, at rubber shoes. May mga kasama ito na ganun din ang mga porma at may hawak na baseball bat ang bawat isa. Sa tantiya ko ay nasa sampu silang lahat.

"Yan ang bagay sa'yo!",nakangising wika nito saka ako dinaklot sa kwelyo ng damit ko at itinayo." Ano ha? Ang sabi nila matapang ka daw. Asan ang sinasabi nilang tapang mo ha?".

Sobrang lapit ng mukha nito sa'kin kaya naman nalalanghap ko ang nakakasulasok na amoy ng sigarilyo. Ang baho ng puta! Tsk! Sige lang,tingnan ko kung hanggang saan ang kaya mong gawin! Siguraduhin mo lang na mapupuruhan mo ako dahil pag ako gumanti,doble pa ang ibabalik ko sa'yo!

Napangisi ako sa naisip. Nangangati na ang kamay kong supalpalin ang pangit na pagmumukha ng lalaking ito.

"Sino ka ba?", sa halip ay tanong ko.

" Tsk! Hindi mo ako kilala? Pwes magpapakilala ako sa'yo",maangas nitong sabi." Ako ang leader ng-

" Hindi ako interesado sa kung ano ka. Pangalan lang tinatanong ko, ang dami mo ng sinabi",putol ko sa pagsasalita niya.

"Aba't mayabang ka talaga ha?!"

Blaaaaaaagggggggg!!!

Muli niya akong sinapak kasabay ng pagsipa niya sa tiyan ko dahilan para mapahiga ako uli.

Tang'na!nakatatlo ka na ah!

"Oh,ano? Akala ko ba matapang ka? Sinaktan at pinagbantaan mo pa nga ang kapatid ko hindi ba? Bakit hindi ka lumaban ngayon at ilabas ang yabang mo?", duro nito sa akin. Tiningnan ko lang siya.

Ano bang sinasabi niya?

Hindi ko alam kung sinong kapatid ang tinutukoy niya dahil sa tanda ko si Elaine lang naman ang pinagbantaan ko.

Malamang ang babaeng yun nga!

"Ano boss, banatan na natin yan!", sabi ng isang kasama nito. Matangkad din ito at pangit kagaya ng amo nila.

" Oo nga boss. Kulang pa yan ginawa mo sa kanya",sang ayon naman ng isa pa.

Tsk!malalakas ang loob niyo dahil madami kayo. Sige, pagbibigyan ko pa kayo. Isa nalang. At may paglalagyan kayo sa'kin!

"Maghintay lang kayo. Ako muna", pigil naman ng gurang sa mga kasama. "Kabago bago mo pa lang dito,mayabang ka na! Ano,tumayo ka dyan!"

" Tsk!Baka pagsisihan mo pag tumayo ako dito",maangas kong sabi. Tinignan ko siya ng masama. Buti nalang at nakacontact lens ako, hindi nila makikita ang tunay na kulay ng mga mata ko.

"Masyado kang mayabang!", sigaw ng gurang sa akin." Ikaw ang magsisisi dahil dyan sa kayabangan mo!", nakita kong sisipain niya uli ako kaya pinaghandaan ko na ang dapat kong gawin.

"Sandali!",mula sa kung saan ay bigla na lang sumulpot si Brett. Napatigil sa akmang pagsipa sa'kin un mukhang gurang.

Tsk!siya na naman?? Ang lakas talaga ng pang amoy ng isang 'to.

My ExtraOrdinary girlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon