Chapter 12

10 2 1
                                    

A/n: Thanks to Sangkadist for reading my story.. this is for you.. :)

Brett's pov

"Mukang nagkakamabutihan na kayo ah".

Napatigil kami sa paglalakad ng biglang lumitaw mula sa dilim si Andy Toralba kasama ang mga ka-grupo niya.  Sa tantiya ko ay nasa sampu sila at pawang may mga hawak na baseball bat. Nakaramdam agad ako ng panganib pero pinilit kong huwag ipahalata.

"Tch! Andy, ano na naman ba ito? Anong nagkakamabutihan ang sinasabi mo dyan?", pinakalma ko ang boses ko kahit ang totoo ay halos mabingi na ako sa lakas ng tibok ng puso ko.

" Huwag mo akong ululin, de Silva! Tapos na ang pagpapanggap mo! Ilan araw kitang pinamatyagan sa mga bata ko! At alam kong ayos na kayo ng babaeng yan!"

Nagulat ako sa sinabi niya. Shit!

"Tch! Oo na,oo na! Ayos na kami. Eh ano naman ngayon? Huwag mo ng ipagpilitan sa akin si Elaine dahil kahit kailan hindi naman naging kami", inis kong sabi sa kanya.

"Hindi naman talaga ikaw ang sadya namin dito,De Silva. Kundi yan babaeng yan!", tinuro nito si Keshin na nananatiling tahimik lang sa tabi ko.

" Anong kailangan mo sa kanya?"

"Ibigay mo nalang siya sa amin. Kami na ang bahala sa kanya", nakangising sabi nito. Bahagya pa nitong tinatapik tapik ng baseball bat ang palad.

Fuck!mukhang delikado kami!

Nagsimula na akong makaramdam ng kaba. Kung mag isa lang si Andy, kaya ko siyang labanan. Pero sampu sila at may mga baseball bat bawat isa! Baka bago pa ko makalapit sa isa,nahampas na ako ng iba pa.

" Ano De Silva,ibibigay mo ba siya o sapilitan namin siyang kukunin sa'yo?",muling tanong nito.

Lalo akong kinabahan ng magsimulang humakbang ng dahan dahan si Andy. Hindi ko namalayan na napahawak ako sa kamay ni Keshin at hinila ko siya papunta sa likod ko para protektahan.

"Wow wow wow!", napapalakpak ng kamay si Andy. " Hindi ko akalain na ganyan pala kaimportante ang babaeng yan sa'yo at talagang poprotektahan mo siya.",natawa ito ganun din ang mga kasamahan.

"Tsk! Ano bang ginagawa mo?", mahinang bulong ni Keshin saka binawi ang kamay niya na hawak ko. " Umalis ka dyan at ako ang haharap sa kanila!",madiing sabi pa nito.

"Tch! Pwede ba,hindi ito oras ng yabangan ngayon!", inis na bulong ko din.

" Ano ha?magbubulungan nalang ba kayo dyan? Ibigay mo na siya sa amin at paaalisin ka namin dito ng ligtas at walang kahit kaunting galos".

"Tch! Dadaan muna kayo sa akin bago niyo siya magalaw!", hindi ko alam kung saan ako kumuha ng lakas ng loob para sabihin sa kanila 'yon. Alam kong wala akong laban sa kanila dahil hindi naman ako sanay sa pakikipagsapakan. Pero para sa babaeng ito handa akong makipag away.

" Kung ganon pala e di sige. Mga bata alam niyo na ang gagawin.",sumenyas ito sa dalawang kasama na agad naman kumilos.

"Dito ka lang at kahit anong mangyari huwag kang aalis! Naiintindihan mo ba?", baling ko kay Keshin.

" Tsk! Ano ba ang ginagawa mo ha?", inis na tanong nito. Nakakunot na naman ang noo na wari'y hindi nagustuhan ang sinabi ko.

"Basta dyan ka lang!", napansin kong sumugod na ang dalawang lalaki kaya tumakbo ako para salubungin sila.

Mabilis kong sinalo ang isang baseball bat na ihahampas sa akin nun isang lalaki saka ko siya sinipa sa tyan. Yun isa naman ay mabilis ko din nasapak. Napaatras lang ang dalawa na hindi ininda ang ginawa ko.

My ExtraOrdinary girlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon