Chapter 8

27 2 0
                                    

Safire's POV

*Kringggg..kringggg...* 5:30am

NAPABANGON nalang agad ako dahil sa alarm clock. Yiee!!!! Magbobonding lang kami ng twins ngayon. May pasok narin bukas kaya hindi ko na sasayangin yung araw na'to. First time na gagawin namin to kaya go na. Hahahaha.

Dumeretso agad ako sa c.r para maligo. Niready ko na rin kagabi yung susuotin ko kaya wala ng problema pa. Pagkatapos kong maligo nag-bihis naman agad ako at dumeretso sa human-sized mirror dito sa kwarto ko. Nakasuot lang naman ako ng black na crop-top at high-waisted jeans tsaka flat na ankle boots. And boom! I'm ready to go!

Pag-baba ko dumeretso ako sa kusina para magpa-alam kay Yaya na aalis na. Actually, kagabi pa ako nagpa-alam kay Yaya na may lakad ako ngayon. Ang usapan kasi namin ng kambal ay magkikita muna kami sa Starbucks para doon mag-breakfast. Doon nga sa kusina si Yaya.

"Uhmm Ya, alis na po ako. Kung dumating man po sina Mommy at Daddy pakisabi nalang po na may lakad kami ng mga kaibigan ko." Nag-kiss pa ako sa cheeks ni Yaya bago umalis. "Bye po!" Pahabol ko pang sabi kay Yaya. "Ingat, Iha!"

Pag-dating ko sa Starbucks na sinabi nila nakita ko kaagad yung kambal doon sa pinakadulo. Nang makita nila ako kumaway agad sila at sinalubong ako ng yakap.

"Good morning Saf!" Sabay na bati nila sakin. "Good morning din." Nakangiti ring bati ko sakanila. Hindi na pareho yung damit nila ngayon. Si Vanessa kinulot niya siguro yung buhok niya. "Nag-order na pala kami ng makakain natin, Saf." Umupo na ako sa bakanteng upuan sa harap nila. "Sige salamat, ako naman mamaya yung mang treat sainyo." Nakangiting sabi ko sakanila. Para naman may magawa ako sakanila. Sila nalang kasi palagi yung nanlilibre samin.

Sinimulan na naming kumain dahil marami raw kaming gagawin. Ewan ko kung ano yung trip ng kambal na to. Sasakyan ko nalang. Hahaha pero ang bigat ko eh, dalawa naman sila kaya okay na yun.

"Saf, di pala makakasama si Kuya sa lakad natin ngayon." Ohh ano naman? May topak yun eh. Buti pa kung sina Collins at Aaron yung sasama. "Susunod nadin sina Collins at Aaron. Yiee!!!" Sabi naman ng kambal sabay tili pa. Teka? Bakit di ako na-inform? Huhuhu. Akala ko kasi kaming tatlo lang. "Auhh okay, masaya yun." Sabi ko naman kahit di nila ako sinabahan na kasama sila. Pero wala namang problema yun eh.

Palabas na kami ng Starbucks at kakatapos lang naming kumain."Saan na tayo pupunta?" Tanong ko sakanila habang nagla-lakad kami. Baka silang dalawa lang ulit yung nakakaalam kaya tatanongin ko na. Para di na ako mabigla pa noh.
"First, magsha-shopping tayo ng mga damit natin!" Sabi ni Veronica na mukhang excited. So yun ang una naming gagawin. Tapos? "Second, magpapaganda tayo! Yiee I'm excited na!" Patuloy naman ni Vanessa. Hala? Kelangan pa yun? Ngayon lang naman to kaya go na.
"Eh ano naman yung third?" Tanong ko sakanilang dalawa. Di na kasi sila nag-salita at dito narin kami sa harap ng mga sasakyan namin. May sariling kotse rin yung kambal. "Ikaw na yung bahala sa third Saf." Sabi ni Veronica sabay wink sakin. Pumasok narin siya sa sasakyan niya. Luh!! Bakit? Wala pa naman akong ka idea-idea sa mga ganyan. "Saf, sundan mo nalang yung sasakyan ni Roni." Sabi ni Vanessa sabay wink rin sakin at pumasok na siya sa sasakyan niya. Anyare sa kambal? Huhuhu. Did they do this on purpose? O sadyang trip lang talaga nila?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 13, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Fallen Inlove (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon