Chapter 6: ”Group Study turns to??”
<Steph’s POV>
So nakapagdecide na nga kami na pupunta kami kila kath para mag “Group Study” kuno. Isang subject nalang uwian na
*stephiee* bulong ni Chloe sa may harapan. Nakatalikod siya at nakaharap sakin.
*What?*
*Paano ka pupunta kila Kath?* tanong niya.
*Ewan ko. Bahala na.*
*I’ll go with you ha. Pleaseeee.*
*Okay.*
*Thank you stephiee!*
At humarap na ulit siya. Buti nalang at ‘di kami napapansin ng prof namin since kumokopya kami ng notes ngayon. At as usual po, ‘di kumokopya yung mokong. ‘Di ko alam kung tamad siya o matalino talaga siya kagaya ng mga sinabi nila Travis.
Kumakain lang siya habang naglalaro sa cellphone niya. Tsk tsk. Pasalamat siya ‘di lumilingon si sir kundi napalabas siya ng ‘di oras.Bakit ko ba inaalala yun? Ewan! Makakopya na nga lang.
After that nag discuss si Sir then uwian na. Nagayos na kami ng mga gamit namin at ready nang umuwi. Sabay na kaming lumabas nila kath, tapos nasa likod namin yung boys.
Nang nasa labas na kami ng campus, biglang nagsalita si Aiden.
“Paano kayo pupunta kila Kayden?” tanong niya sakin.
“ ‘Di ko alam, nakalimutan ko na yung papunta sa kanila since matagal na nung nakadalaw kami sa kanila.”
“Edi sabay sabay nalang tayo.”
*Boinks* “Tanga! ‘Di mo rin naman alam yung papunta kila kayden.” Sabi ni Travis
“Aray! ‘Di pa kasi ako tapos diba?!?! Sabi ko sabay sabay, as in lahat tayo! Kasama sila kayden para isahang byahe nalang!”
“Ah ganun ba? Hahahaha! Bagal mo kasing magsalita!”
“Kotse ko nalang yung gamitin natin.” Biglang singit ni Basti. Basti na ang tawag ko sa kanya, ayoko ng Blake, ‘di bagay sa kanya.
“Sige brad, yung sayo nalang marami tayo eh.”
“No. If you want to go to my house, you need to ride a jeep.”
“WHATTTT!!!?!?!?!” sabay sabay na sabi nila Aiden, Travis, Basti & Chloe.
Hahahahaha, mga anak kotse. Hoy! Kahit mayaman ang pamilya ko nakaka experience naman akong sumakay ng jeep since ayaw ni mommy na maging inosente ako sa mga ganung bagay.
“Teka teka, Kayden. Anong sinasabi mong jeep?” sabi ni Basti
“Yung mausok yun diba?!?” singit ni Travis
“At yung masikip na sasakyan?” dagdag ni Aiden
“And yung may mga ugly passengers?!??” Pagiinarti ni Chloe. Hay!
“If you don’t want then don’t go. Madali akong kausap. Halika na Katherine”
Wala namang pake si Kath at sumunod nalang sa kanyang kapatid. Nagbabasa kasi siya ngayon ng isang librong ‘di ko alam kung anong title.
“Ang aarte niyo. Palibhasa kasi mga anak mayaman kayo! Mga walang alam sa buhay.” Sabi ni Ang-ge.
“Ho-hoy! Anong walang alam sa buhay! Nakasakay na ako ng jeep no!” pagtatanggol ni Aiden sa sarili
“Weehh? Pare? Kala ko ba kahit ilambitin ka ng patiwarik ‘di ka sasakay sa masikip na jeep na yun?” pang-aasar ni Travis
“ May sira ako sa utak nung sinabi ko yun, pero nakasakay na ako sa jeep noh!” pagtatanggol ni Aiden sa sarili
![](https://img.wattpad.com/cover/15242219-288-k125425.jpg)
BINABASA MO ANG
Bitter Redamancy
Novela JuvenilMay isang bagay na kahit anong gawin niyo kahit gaano niyo pa kamahal ang isa’t isa, matatalo at matatalo parin kayo. Diyan magaling si tadhana. Napakagaling niya sa paninira ng buhay, napakagaling niya sa paglalaro ng mga kapalaran AT napakagaling...