Prologue
Maraming nagsasabing pag mahal niyo ang isa’t isa, malalagpasan niyo ang lahat.
May mga storya diyang kahit sobra na silang pinaglalayo ng magulang nila sa kadahilanang magkaaway ang angkan nila,
O di naman kaya dahil mayaman yung isa, mahirap naman yung isa.
Si lalaki at si babae parin hanggang dulo...
Kasi nga mahal nila ang isa’t isa...
Kahit na magka-amnisya pa yung isa...
Sa dulo mananaig parin ang pagmamahal nila sa isa’t isa
Kahit nga yata end of the world, malalagpasan nila basta daw
Mahal nila ang isa’t isa...
Yan ang karaniwang sinasabi nila
Ang karaniwang takbo ng mga storya dito sa wattpad
At alam kong ganyan din ang hinahanap niyong storya.
Ganyan ang bukang bibig ng lahat ng tao
Pero ako?
HINDI!
Kung lahat ng tao sa mundo yan ang sinasabi
PWES!!
AKO!
Ako ang tatayo sa maraming taong ‘yon at sasabihing
“UL*L! Hindi totoo yan! Dahil kung totoo yan, bakit ako magisa ngayon? Bakit ako nasasaktan ng ganito?”
Tama! Walang ganyan! Tanga lang ang naniniwala sa ganyan.
Dahil ang totoo....
May isang bagay na kahit anong gawin niyo
Kahit gaano niyo pa kamahal ang isa’t isa
Matatalo at matatalo parin kayo
Diyan magaling si tadhana...
Napakagaling niya sa paninira ng buhay
Napakagaling niya sa paglalaro ng mga kapalaran
AT
Napakagaling niya sa pagkuha ng mahal ko
Kinuha niya yung mahal ko
Pinagdamot niya sakin
Yung happily ever after ko
.
.
.
.
.
Pero
Kakaiba talaga yang si tadhana
Napakagaling niya talagang maglaro ng buhay ng iba
Kasi muli, pinaglaruan na naman niya ako...
Mali
Hindi lang ako kundi
Kami
Dahil yung dapat kong happily ever after ay binigyan ako ng isang
Once upon a time
Isang bagong lalaking magpaparamdam sakin ng pag-ibig
Isang lalaking nakakabwisit na magtuturo sakin na ang 'Once upon a time'
Ay wala talagang happily ever after.
Isang lalaking magiging dahilan para muli akong mapaglaruan ng tadhana.
.
.
.
And that one guy is the man 😀
![](https://img.wattpad.com/cover/15242219-288-k125425.jpg)
BINABASA MO ANG
Bitter Redamancy
Подростковая литератураMay isang bagay na kahit anong gawin niyo kahit gaano niyo pa kamahal ang isa’t isa, matatalo at matatalo parin kayo. Diyan magaling si tadhana. Napakagaling niya sa paninira ng buhay, napakagaling niya sa paglalaro ng mga kapalaran AT napakagaling...