Chapter 5: "Group Study"

9 0 0
                                    

Chapter 5: “The group study”

Mabilis lumipas ang buwan... Nakikisalimuha na ang mga baguhan sa kanilang mga kaklase...

Si Steph ay ganun parin ang pagkairita kay Blake dahil sa mga pang aasar or pangungutya nito na laging ginagatungan or binabara ni Travis si Blake dahil sa mga banat nito.Kaya nagiging malapit na ni Steph at si Travis dahil sa mga bira nito kay Blake. Ganun din naman si Angge at si Aiden... DI HO SILA NAGING CLOSE, sa katunayan ay puro away sila, parang mga aso't pusa. Pero si Aiden lagi ang kawawa dito dahil sa mala amazonang suntok nitong si Angge. Sa kabilang dako ay patuloy parin sa kanyang gawain si Chloe na ang forte ay panlalandi pero hindi sa classroom kundi sa labas ng campus nila. Iba't iba ang kasama neto araw araw parang sila Trav at Aiden lang. Ang magkakambal naman ay ganun parin. Si Kath ay mejo ilang kay Travis, dati pa naman siyang ilang dyan. Ang tatlo lang na lalaki ang mejo nakakausap niya. Si Kayden naman ay pa mysterious type parin. Laging sabay umuwi ang kambal dahil parehas lang naman sila ng uuwian.

Ganun lang sila araw araw... Hanggang sa...

<Steph’s POV>

“Class, May exam kayo bukas. Loooong exam. Study hard.” Sabi ni Ms. Janica, ang so far favorite kong Prof. dahil napakalakas ng sapak niya sa ulo. Umalis na siya ng classroom kaya naman magsisimula nanaman ang ingay ng apat na baguhan na feeling old students.

“Exam na naman?” sabi nung Travis.

“Ano ba yan pre, mukhang susunugin kagad utak natin ah?” sabi nung Aiden. At sabay napakamot ng ulo niya.

Huh! Sabi na nga ba eh, mga babaerong walang utak.

“Blake! Ikaw? Mag-aaral ka ba?” tanong nung Aiden

“Huh? Bakit kailangan pa ba?” sagot nung Blake. Ang yabang -_-

“Sus. Oo na kayo na ni Kayden ang matalino.” Sabi nung Travis.

“Tama! Ang galing mo talaga, Travis, pero mas magaling ako kasi ako ang nakaisip ng ideang ‘to!” biglang singit nung Aiden.

“Wala akong pake, basta mas gwapo ako.”

“Hoy anong mas gwapo? Kapal lang? Ako kaya ang mas gwapo at mas hot pa!” Tumayo pa talaga siya.

“Hoy! Kapal anong hot ka diyan? Mas ho--”

“Tama na nga! Maguumpisa nanaman kayo eh! Ako ang mas gwapo. TAPOS” sigaw netong katabi kong Abnormal

Kung bakit Abnormal? Ganito lang namna po kasi.

*flashback*

2 weeks na simula nung nag start ang klase. At weeks narin ang nakakaraang simula nung handkerchief accident na yun.

Nung mga sumunod na araw ay normal lang, normal lang sa barkada. Naguusap, nagbibiruan at nag tatawanan.

Normal lang din naman ang mga klase namin, minsan may quiz. Minsan naman recitation.

Normal lang naman ang mga nangyayari sa classroom namin, pwera lang dito sa katabi ko..

Bakit?

Dahil pagkatapos nang araw na yun, lagi nalang niya akong kinukulit.

Minsan, bigla nalang siyang bumabanat.

Grabe siya, napaka abnormal niya.

Kagaya nalang nito..

“George, meron ka bang eraser” sabi niya sakin. At kung nakikita niyo, “George” na talaga ang tawag niya sakin, ‘di na ako umaangal dahil ang kulit-kulit niya. Ayaw magpapilit.

Bitter RedamancyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon