CHAPTER 2 ! Life with Auntita.

132 8 2
                                    

"THE BITTER BAD GIRL..."

'Ang pagsasabi ng tapat,Pagsasama ng maluwat.'

SCARLET'S. POV

Past 1999

Tanghali ng time na to na naglalaba ako, Hindi kasi pwede yung tagalaba namin. Bigla nalang akong nakarinig ng ingay mula sa harap. Dali-dali akong nagpunta ng harap at may nagbato ng bato sa bintana ko. Bwiset yun! Sino ba yun? Kahit sino pa sya, Bwiset sya, Buti at di nagbasag ang bintana ko. Hindi ko nalang pinansin at nagpunta sa likod.

May pinapatapon ako sa anak kong si Manolo, Nasa loob ng PBB house. XD , Pagbalik nya, Nagsisisigaw syang parang nagwawala.

"Ma! Ma! May Sanggol sa harap!!"

"AANNOOO?!"

Napatakbo naman ako sa sinabi nya, Bata? Sa harap?

Sa Tapat, Tama sya! May bata!! OMG! Anong gagawin ko? Tinignan ko muna sya, Maganda at Maputi!! Nakabasket sya at nakabalot ng maliit na kumot ang katawan nya tapos merong maliit na bag sa tabi nya.

Natakot ako no! Syempre aakalin ko bang may magaabondang bata dito, Sa Tapat ko pa Ha??!!

Nag alinlangan at nagdalawang isip ako kung kukunin ko o hindi. Grabe! Nakakatakot, Nakakakaba, At kung ano-ano! Lumalakas ang tibok ng puso ko dun ahh.

Well, Naawa ako ng matindi habang tinititigan sya, Kukunin ko sana sya pero pinansin ko muna ang paligid. Paano kung may makakita? Iisipin nila na ako ang nangiwan o kaya--- Uhhhhh!!

Tahimik naman ang paligid at mukhang walang nakatingin. Pinakuha ko sa anak ko yung bata, Dahan-dahan nyang inaangat yung basket kasi kinakabahan din sya, Patakbo naman namin syang pinasok sa loob.

Sa loob, Iyak sa ng iyak, Ang Ingay!! Pumunta ako ng kusina para kumuha ng gatas pero wala na! Alanganamang dumede sya sakin ehh baka kagatin nya yung Boobs ko. XD

Baka siguro nagbato yung magulang nito ng bato para mapansin ko to. Grabe naman, Iniwan ng magulang.  :(

Andami nakong naiisip na masama, Natataranta nako ng sobra, Pano kung Tiyanak yan o kaya may sakit sya, Hindi ko lang alam. Haay! Naguguluhan ako!!! Inalis ko nalang ang kumot na nakabalot sa kanya. May nakita akong sulat, Gamit nya at Magandang bata. Aha! May sulat! Ito na ang solusyon at ang sagot sa mga tanong ko!!

Ang sabi sa sulat........

'Dear Scarleta!

      Hoy Babae! Ate kong Impakta! Pamangkin mo yan, Alagaan mo at Palakihin ng maayos! Hindi ko matatanggap yan! Baka hindi mo pa nababalitaan, Anak ko sa Rapist yan! Alagaan mo, Hindi ko pa alam kung babawiin ko o hindi. Baka hindi na! Bahala ka na!!

                            Hindi Nagmamahal,

                               Syxlet Ramirez'

Whaat The---- WHAAAAATT??! Anak ni Syxlet to?! At sa isang Rapist!! IWWW !! YUCK !!! Malaman ko lang na 'Anak ni Syxlet' to, Sapat na ikahiya sya tapos meron pang mabahong pagkatao??!

Hindi talaga ako makapaniwala!! Nawala ang kaba at agad napalitan ng Galit, Gulat, Inis at Kung ano-ano pa.. AYOKO! Ayoko dito. Itatapon ko ulit sya. Kaya lang Naawa ako. Ayoko pa rin sa kanya.

Ibinalik ko sya sa basket at sisipain sana palabas pero napaisip ako. Bakit di ko dalhin sa DSWD. Tama! Kinuha ko ang phone ko at tatawag na sana sa DSWD, pero napaisip ulit ako, Lagi nalang akong napapaisip!!.

Kung palakihin ko pero hindi maayos. Pahihirapan ko sya, Ililipat ko sa kanya ang lahat ng galit ko kay Syxlet.

Oo, Tama! Eto na ang magandang paraan para makaganti kay Syxlet, Tsaka Hindi lang naman si Syxlet ang dahilan kung bakit ko sya pahihirapan, Kasi Sobrang nakakadiri at nakakahiya sya. Nadadaig at natalo lang ako ng awa, Ba't si Syxlet, Hindi naawa, Kung sa bagay, Wala talagang awa yun kasi sya din ang dahilan ng galit ko. Ngayong sanggol lang sya magiging masaya....

THE BITTER BAD GIRLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon