"THE BITTER BAD GIRL..."
'Dont Hate others, Let them Hate you.'
NICHOLANE'S POV.
Nagising nako after kong bwisitin ang mga tao kagabi sa dinner. Nakahiga pa rin ako at wala akong ganang tumayo pero tumayo nako.
Pababa na ko ng hagdan na ang nakikita lang ehh yung mga katulong. Bumaba nako at nagpunta sa labas.
Sumilip ako sa labas at nakikita kong masaya ang pamilya NILA. Oo, Nila, Hindi ako kasama, Feel ko talaga, Magisa lang ako sa mundo. Ako nalang pala ang tulog pa sa kanilang lahat.
Gusto ko man silang lapitan para sirain ang araw nila pero wala akong gana, Next time nalang siguro at sa susunod, Mas matindi. Humanda lang sila. Nakakainis talaga! Sila masaya ako hindi? Arrshhh!
Umakyat na ulit ako at naghanda ng damit at bumaba papuntang bathroom. Maliligo nako. Hindi na muna ako kumain.
After kong maligo at nagbihis ng bonggang-bongga, Pinatawag ko ang driver at sumakay na sa kotse pero bubuksan ko palang ang pinto ng car, Tumingin muna ako sa kanila, Wala talaga sa kanila ang may pakialam sakin. Wala man lang nagtanong kung saan ako pupunta, Well, Dont care about them. Magsaya sila ngayon, Malulungkot sila sa susunod. Wahahaha! *Evil laugh* XD
Sumakay nako ng kotse at lumabas na kami ng gate. Kinuha ko nalang ang phone ko at ang earphone ko at nakinig nalang ng music. Pampatanggal-stress.
"Ma'am, Saan po tayo?" tanong ni kalbo. Hanep! May bansag ako sa kanya, Kalbo--driver.
"Kahit saan! Ikot-ikot lang, Mamaya sasabihin ko kung saan." masungit kong sabi. Nagpatuloy nalang sya sa pagdadrive nya.
Ang lamig talaga sa kotse KO. Syempre nakatutok sakin ang aircon noh?! Patingin nalang ako sa bintana. Wala akong magawa ngayon.
Sa gitna ng tahimik na trip ko ay bigla itong nasira, Liliko kasi ang kotse ng may biglang may humarang na kotse. Muntik na kaming magkabanggaan! Lecheng kotse yan! Muntik na rin akong mauntog sa harap ko na upuan at muntik nang masira ang hairdo ko. Nakastop lang kaming dalawang kotse at nakaharap sa isa't isa.
"Ano pang hinihintay mo!? Andar!" Inis na sabi ko sa driver.
"Eh ma'am, Hinarangan tayo oh."
"Edi Sagasaan mo! Wala akong pakialam kung mamatay ang tao dyan sa loob ng kotseng yan basta ang mahalaga, Makadaan tayo!"
Sabi ko, Ayaw parin kasing tumabi nung kotse sa harap. Bwisit! Lumabas pa yung babae sa loob ng kotse at kumatok katok pa sa pinto namin. Nagiingay at nagwawala sa labas.
"Hoy! Lumabas ka dyan! Humarang harang ka pa ha!! Labas dyan!" galit na sabi nya habang kumakatok-katok. Sya pang may ganang magalit ha! Nainis ako kaya binuksan ko ang pinto at lumabas ako, Nagmadali namang bumaba si kalbo para payungan ako.
Matapang ko syang hinarap at Tumayo ako sa harap nya and nag 'Mataray Pose'.
"Pwede ba? Stop that! Babasagin mo ba ang salamin ng kotse ko o babasagin ko yang mukha mo?" Sabi ko. Nagalit sya at sumigaw.
"ANG KAPAL NG MUKHA MO! HUMARANG HARANG KA PA SA DAANAN KO? BASTOS KA PA?!"
"Excuse me? Ikaw ang humarang sa dinadaanan KO. Ok? At ako bastos? Dapat ba sayo ang ginagalang? Eh hindi ka naman Kagalang-galang!!" nakisigaw narin ako.
"HOY MISS! ANG YABANG MO! WALANG MODO! BAKIT HINDI KANALANG MAG SORRY AT ITABI YANG KOTSE MO PARA MATAPOS NA TO!!?" sabi nung maingay. Bakit hindi ako sumisigaw? Masyadong maganda ang boses ko para sumigaw.
"Mas mayabang ka! Ikaw ang humaharang harang dyan tapos ikaw ang galit? At saka, Bakit ako magso-sorry? You think a woman like you deserves an apology?" Pasigaw ko nang sabi. Namumula na sa galit ang babae. Hah! Take that. Scandalosa!
Sasagot pa sana sya pero sumabat ako.
Para matapos na ang kalokohang ito.
"Alam mo, Hindi mabubuo ang gulong ito kundi dahil sayo, Harang harang ka tapos sigaw sigaw ka dyan? Total kasalanan mo ito, Tumabi ka! Bago ko pa sagasaan yang baduy, bulok at cheap mong kotse."
nagmamalditang sabi ko sabay lingon. Nanggagalaiti na yung babae sa galit. Susugurin ata ako at Sisigaw pa sana pero inunahan ko na.
"Ano, Aangal ka?" Pambabara ko. Natahimik sya at sumakay nako ng kotse. Galit na galit yung babae pero wala syang magawa. Mabilis syang sumakay sa kotse nya at inurong ito. Natuwa naman ako sa ginawa nya kaya nakahinga na ko ng malalim.
Nagdrive na ulit si kalbo at nagpalamig na sa loob. Umalis na kami ng taas noo at may ngiti sa labi.
#Sigawan
_____________________________________
(A/N: Nanalo si ate. Tindi mo ahh. HARD! XD
Oo nga po pala, May mga Konti akong inedit sa ibang chapter. Hehehe!!
"THE BITTER BAD GIRL..."
PLEASE KEEP READING, VOTE, COMMENT, SHARE, SUPPORT AND BE A FAN!!
++++++++++---------Sht!
BINABASA MO ANG
THE BITTER BAD GIRL
Romance'Pag binato ka ng bato,Batuhin mo ng mas malaking bato hanggang sa mabasag ang ulo!' XD "THE BITTER BAD GIRL..." Originally Written Story by: MrAmazing1550 Please Read, Vote, Comment, Share, Support and be a Fan!! Ano, Aangal ka pa??! :)